"UTOL, papasok na ako." Tinapik tapik ako nito sa balikat para gisingin.
"Anong oras na?"
"5:30"
"Sige. Ingats."
"Yung perang pinadala ni Ate, andun sa lamesa ah. Ikaw na bahala mag-groceries. Next week, baka bumalik ako." Kinusot-kusot ko ang mga mata.
"Bakit?"
"Why not?"
"Luh."
"Ayaw mo ba akong makikita?"
"May sinabi ako?"
"Ayaw mo na sakin, Felix?" At nagpanggap itong umiiyak para asarin ako.
"Hala, nabaliw."
"Aba'y Anniversary nila Mama!"
"Oo nga pala."
"Ayuun, nakalimutan!"
"Hoy hindi. May reminder pa nga sa phone ko e."
"Okay ka lang?"
"Oo!"
"Yung totoo?"
"'Di ko alam."
"Bro. 19 ka na. Tama na pagdudusa oy. Gwapo ka, talentado, matalino, tanrantad- ay sorry, hindi pala kasama yung huli" Tumawa siya. "Osige, ganto. Kung ayaw mo talaga mag-apply, gumawa ng art o lumabas ng bahay ng ganyan yung taba mo, tapyasin mo! Mag-ehersisyo ka! Hindi kailangang lumabas ka ng bahay, isama mo si Edgar, sabay kayo magpush-ups! Pero hindi kita pinipilit ah! Kung gusto mo lang namang ayusin ang buhay mo." Nilapit niya ang kanyang mukha sa aking tainga at bumulong. "Atsaka bro, mahirap makipag-ano pag mataba!"
"Ano?"
"Ano! Alam mo na yun!"
"Ano- Anong alam ko na?"
"Ka-lalaki mong tao, di mo magets?" Maya-maya'y natauhan ako.
"Luh! Loko talaga 'to. Sorry, pero hindi naman ako ganun."
"Alam ko naman yun."
"Umalis ka na Kuya, please lang." Natawa siya dahil alam niyang naaasar na ako.
"Sigesige!"
Kinuha niya ang kape niya para humigop dito sa huling pagkakataon bago ito dumiretso sa may pintuan, sumunod ako. Ang dami nanaman pala niyang iniwan na hugasin.
"Ba't tumayo ka?"
"Ahh- M- Maghuhugas."
"Ahh, eh, pwede namang mamaya nalang eh. Sige na, matulog ka na ulit." Kuya, ba't ang bait bait mo nakakasora.
At lumabas na siya ng bahay.
"EDGAR! Alis na din ako ha!" Pagpapaalam ko at umalis na din ako ng bahay.
NAKAKATULALA talaga yung ganda nitong field. Sino ba namang hindi gugustuhing dito magjogging eh bukod sa may school dito eh kalsada din ang labasan. Dito naman sa loob eh puro puno kaya mejo tahimik. Nakakabighani talaga ang ganda ng kalikasan at kahit papano'y nababawasan ang lungkot ko kahit sandali lang. Teka, teka. Oo na. Nagjo-jogging ako ulit. Try lang. Last na to huhu.
BINABASA MO ANG
The Jogging Buddies
PertualanganSa maraming aspeto ng buhay natin, naiisip natin minsan, sumuko nalang, kasi sobrang hirap na, kasi parang wala na naman talagang solusyon, na imposible na talaga. Pero paano kung isang araw, malaman mong nasa 'yo naman pala yung sagot sa mga katanu...