HINDI na naman ganoon kasama ang loob ko kay Michelle dahil sa basta niya nalang na paglayo sakin, pero, ewan ko, nandito parin yung sakit dahil siya ang kauna-unahang babaeng naging nagustuhan ko. Kung tutuusin, maaari siyang sumali sa showtime dahil sobrang kaloka-like niya si Sandara Park, medyo kayumanggi nga lang siya, pero hindi yun yung dahilan kung bakit ko siya nagustuhan eh... Nagustuhan ko siya dahil kahit medyo masungit sa una eh makikita mo kung gaano siya kagaling manguna pagdating sa mga gawain sa school, magaling siya makisama, seryoso man lagi ay nakikisabay naman sa mga biruan lalo na sa mga biro ko, kaya ko din siguro naisip na compatible kami sa isa't-isa dahil komedyante ako at siya naman ay medyo masungit. Hindi ko na itataas pa ang sarili ko at aaminin ko ng nagpakatanga talaga ako dahil kahit hindi ko totally nalaman kung bakit ako kailangang iwan nito ay nagpumilit parin ako na tanggapin niya. Pero kahit anong effort na gawin ko, wala.
Panahon na kaya para sundin ko yung mga payo ni ate? Na magpakasaya ako?
It's going down, I'm yelling timber~
Mukhang maganda 'tong tugtog sa TV ah!
You better move, you better dance
Napanuod ko si Julia Barreto sa internet! Ito yung sinasayaw niya! Tama!
Let's make a night you won't remember
I'll be the one you won't forget~
"One, two, three FOUR!" At nakiindak na ako sa tugtugin. Kembot don, kembot diyan. Si Edgar naman, ang sama ng tingin sakin, nakahiga sa sofa pero pinapanuod akong sumayaw. Lalo tuloy akong ginanahan, feeling ko naaasar siya kahi hindi siya makatulog.
wooooah (it's going down)
Hawak ko ang remote at nakiki-kanta din ako. Nilaksan ko pa lalo ang volume para mas dama ko ang pagsasayaw. Ikot. Ikot. Iko...
Sa sobrang panic ay napatay ko kaagad ang TV.
"Oh, ba't ka tumigil?" Ngiting-ngiti nitong pagtatanong.
"Pano ka nakapaso- ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Nakapamewang pa siya at nakasandal sa may pintuan.
"Bukas oh," Inikot-ikot niya ang door knob para ipakitang hindi naka-lock yung pinto.
Shit.
"Eh, ba't ka nga andito?" Badtrip naman, ngayon na nagtutuluan pawis ko.
"Pumunta ako sa field, wala ka," Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang naglalabas ng panyo mula sa kanyang jogging pants. "Pang-apat na araw na ng work-out natin, so nag-alala ako na baka sobrang sakit na ng katawan mo at hindi ka nakapunta sa Field." Pagpapaliwanag nito habang pinupunasan ang pawis ko sa mukha.
"S-s-salamat. Ako na." At hinayaan niyang ako nalang ang magpunas nito.
"Galing mo sumayaw ah." Ngiting-ngiti nanaman nitong sabi.
AHH! Tumungo nalang ako sa sobrang hiya. Sobrang nakakahiya talaga.
"Nahihiya ka?"
"H-ha? Ako? Utot mo dark white-"
"Nga pala, may dala ako sa 'yo!" Dali-dali siyang pumunta sa dining table at inilapag doon ang isang supot na may lamang ispageti. "Dabes to! Ispageti ni Tiyang Emie! O diba! Ewan ko ba pero laging kumakain nito ang mga kaklase ng kapatid ko sa bahay dati."
"Sorry ah. Tinanghali ako ng gising"
"Okay lang, sexy naman ako. Friday ngayon. Friday is Happiness Day! Mall tayo!" Okay na sana talaga 'tong si Michele eh, kaso talaga, laging ginigiit na maganda siya. I mean, oo, sige na, maganda naman talaga siya eh, lalo na pag nakalugay, pero hindi ibig-sabihin nun, dapat niyang ipaalala sakin maya't maya na ganun siya kasi kita naman (Hindi porket sinabi ko ang mga bagay na ito ay may gusto na ako sa kanya)
BINABASA MO ANG
The Jogging Buddies
AdventureSa maraming aspeto ng buhay natin, naiisip natin minsan, sumuko nalang, kasi sobrang hirap na, kasi parang wala na naman talagang solusyon, na imposible na talaga. Pero paano kung isang araw, malaman mong nasa 'yo naman pala yung sagot sa mga katanu...