Chapter Four

5 0 0
                                    

"SAKIT na ng katawan ko." Pagbibiro ko.

"Felix, kakapasok pa lang natin ng gym..." 

"Ay. Sorry, sorry."

"Palabiro ka din talaga ah," She smirked. "O ano, handa ka na?"

"Andito na rin lang tayo eh." Tumuloy na kami at nag umpisa.

Ang daming tao, babae't lalaki, pero mas marami sa lalaki. Puros naman magaganda na ang mga katawan, bakit kaya kailangan pa nila magwork-out pa?

"NICE! Pahinga ka na. Isang oras ka na nagtatanggal ng pawis."

"Isa lang? Akala ko limang oras na yun!" At tumugil na ako sa pagtakbo sa threadmill.

"Baliw!" Tumawa siya. "Masasanay ka din, 'wag kang mag-alala." Iniabot niya na sakin yung bimpo na ibinaon ko. At nagpunas na ako ng pawis.

"Ganun lang dapat, mga 30, 45 o 60 minutes nagpapapawis. Tapos sa food na bawi. Tutal, bago ka palang. Light exercises muna ha, bago makipagbakbakan! O, maghilamos ka na muna dun, may gripo dun sa gilid." At pinuntahan ko yung direksyon na tinuro niya.

Pagkapunta ko'y nakita ko nga. Naghilamos ako ng mukha at sabay punas gamit yung bimpo ko na isinampay ko sa balikat ko. May water fountain din sa tabi kaya uminom na din ako. Kahit papaano pala'y ang sarap din sa pakiramdam ng pagkatapos ng hirap ay ginhawa ang kapalit.

Tumingin ako sa paligid, andaming taong grabe mag work-out, para bang wala ng bukas.

Maya-maya'y nakita ko si Michele na nakaharap sa isang malaking salamin. Pinuntahan ko siya doon.

"Sexy ko 'no?" Mahangin na pagtatanong ne- wait. Actually, di ko alam kung tanong man yun o pinupuri niya lang sarili niya.

"Ge. Uwi na 'ko."

"Ay grabe. Suntukan na lang oh." Tiningnan niya ako ng masama.

"Ang hangin eh."

"Totoo naman eh. Ang ganda ko pa. De joke!" Tumawa siya mag-isa.

"Bago palang tayo magkakilala, ang tindi mo na 'no?"

"Sorry na" 

"J-joke lang. 'To naman oh!"

"So, naga-agree ka na?"

"Hindi parin. Uwi na ako." Pang-aasar ko.

"Maya-maya. Mag-agree ka muna." Kinuha niya yung bote sa sahig at iniabot ito sa akin. "Nagbaon ako ng tubig, baka sakaling mauhaw ka. Madaming nainom sa fountain kaya kailangan talaga may baon ka."

"Pansin ko nga. Salamat."

"Magpahinga ka muna bago tayo umalis."

"Osige." At umupo nalang kami dito sa harap ng salamin.

"Kwentuhan mo pa ako. Ig-grab ko na yung opporunity, tutal eh dumadaldal ka rin naman."

"Ano namang ikkwento ko? Eh andami mo na ngang alam tungkol sakin. Ikaw naman kaya."

"Ha? Ako?"

"Hinde, kapatid mo. Andito siya eh."

"Baliw. Ano namang tungkol sakin?"

The Jogging BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon