[4. Meet the new characters that will rock their world]

77 4 0
                                    

Wala pa ang professor nila pagdating ni Ian sa classroom. Kaya naman dire-diretso siya sa upuan niya.

Agad naman siyang binati ng mga kaibigan.

KENETH : Mr. Playboy!!! Kumusta? Himala ang aga mo yata ngayon?

IAN : Lol! Ewan ko sayo. (at pabirong sinuntok ko siya sa balikat bilang pagbati)

SANJI : oo nga tol! Hindi ka ba naharang ng mga babae kaya maaga ka ngayon?

IAN : ang gugulo niyo naman kausap eh.

SANJI : so, nakatakas ka nga?

IAN : sa likod ako dumaan papunta dito.

RAN : iba na talaga pag gwapo.

Sila ang mga magugulo kong kaklase at kaibigan.

Si Keneth ang pinakamakulit samin. Siya din yung pinakamaliit pero saksakan ng fighting spirit. Hindi niya alintana na kapag may babae kaming nakikilala ay hindi siya pinapansin. Gwapo din naman si Keneth at di naman talaga maliit. Pero kapag itinabi mo siya samin ay magmumukha siyang unano.

Si Sanji naman mukha ng babae dahil sobrang gwapo. Ang haba pa ng buhok niyang lagi niyang itinatali. Myembro siya ng isang banda. May pagkababaero din yang kumag na yan eh. Walang tumatagal na karelasyon.

Si Ran naman ang barkada kong napakatipid magsalita. Pa-mysterious effect lagi.

Sila ang mga naging kaibigan ko mula ng makapasok ako sa university na ito.

Sobrang sikat kami dahil nga sa gwapo kami at pinagkakaguluhan ng mga babae. Nung uso pa ang F4 yun ang binabansag nila samin.

Pero sa tingin ko mas gwapo pa kami dun.

At ako si Ian Saldana. Mr. playboy ang bansag sakin ng lahat ng nakakakilala sakin. Not because playboy talaga akong tulad ni Sanji kundi talagang lapitin ako ng mga babae. Wala naman akong inaagrabyadong tao kaya walang masama. Hinahayaan ko nalang silang isipin yun.

On the contrary, wala naman kasi akong steady girlfriend kaya siguro ganun ang tingin sakin ng mga tao. I love the attention I got from girls. Big points yun sa ego ko bilang lalaki.

Sino ba naman ang lalaking tatanggi na pagkaguluhan siya ng mga babae diba?

Wala pa din naman akong nakikitang girl na dapat seryosohin.

Kapag ako naman nagmahal ay talagang sineseryoso ko talaga ang karelasyon ko. Kaya okay lang sakin na bansagan akong playboy at pagkaguluhan ng mga babae. Normal na samin na sat wing papasok sa eskwela ay haharangin ako para lang magpapicture, magpaautograph..yung iba nanghahalik at nangyayakap pa. daig ko pa ang isang sikat na artista.

Pero ngayon parang gusto kong pagsisihan ang image ko na yun.

IAN : mga tol playboy ba talaga ako?

Napatingin sakin ang mga kaibigan ko.

SANJI : bakit naman naisipan mong itanong yan samin eh matagal mo ng image yan.

IAN : ewan ko. Kilala niyo naman ako diba? Di naman ako talaga playboy…chickboy siguro pwede pa.

KENETH : Ano yun? Pwede sa chick..pwede sa boy?

IAN : Mukha mo!!!!

SANJI : ano ba ang dahilan at bigla mong naisip yan? Mamamatay ka nab a kaya magbabagong-buhay ka na?

My Own Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon