[6. My brother is a monster]

83 4 1
                                    

Nasa bahay na si Jen ng makatanggap siya ng text mula kay Ian.

Tinatanong nito kung nakauwi na ba siya.

She decided to ignore his message.

Pero sinave naman niya ang numero nito.

Subalit sadyang makulit ang binata dahil di pa ito nakuntento at talagang tinawagan pa siya.

Hinayaan lang niyang magring ng magring ang cellphone niya.

JEN : Hay naku!!! Mapapagod ka din.

Wala pa kasi siya sa mood na kausapin si Ian. Matapos ang pag-uusap nila ni Ruijin ay mas lalong dapat niyang iwasan ang binata.

Pero paano niya magagawa iyon kung nakatakda niya itong interviewhin? At isang lingo lang ang binigay na palugit sa kanya ni Ruijin to submit her report.

JEN : Okay lang…may six days pa ako. Saka ko na pag-iisipan ang interview kay Ian.

Patuloy pa din sa pag-iingay ang cellphone niya.

RAN : Hoy!!! Jen!!! Ano ba namang cellphone iyan??? Kanina pa tumutunog. Ayaw mong sagutin.

Kainis din itong si kuya eh..hindi nalang nanahimik. Sa asar ko eh pinatay ko na ng tuluyan ang cellphone ko.

SANJI : Baka naman manliligaw ni Jen iyon…tinataguan niya. (biro nito)

Kasalukuyang nakatambay dito sa bahay si kuya at ang bestfriend niyang si Sanji ng umuwi ako.

Naghahumming ng gitara niya si Sanji. 

Ang lalaking kinababaliwan ng kaibigan niyang si Mitch.

Kung meron nga sigurong fans club iyang si Sanji eh sigurado siyang si Mitch ang presidente nun sa sobrang kabaliwan diyan ng kaibigan niya.

Balewala sa kanya kahit na napapabalitang certified playboy iyang si Sanji.

Well kung tutuusin eh hindi naman naniniwala si Jen dun dahil matagal na din niyang kilala si Sanji at parang kuya na din ang turing niya dito dahil bestfriend ito ng kuya niya.

Si kuya naman ay itinotono ang gitara niya.

Nung highschool may banda sila kuya at Sanji. Si kuya ang bokalista nila at si Sanji ang lead guitarist. Pero bago grumaduate ay nadisbanded na sila. May kanya-kanya na kasing buhay yung dalawa pa nilang miyembro.

SANJI : Jen..,may manliligaw ka na ba? Ipakilala mo samin ni Ran at ng makaliskisan.

RAN : Subukan lang niyang ipakilala ang manliligaw niya at sinisiguro kong tatakbo iyong luhaan.

JEN : Ang sama mo kuya!!! (kainis itong si kuya. Hanggang ngayon ginagawa pa din akong bata..kaya tuloy walang nagtatangkang manligaw sakin dahil tinatakot ni kuya eh)

SANJI : Ano ka ba ‘tol!! Wag ganun..ikaw din baka maglihim iyang si Jen sayo. Malay mo may boyfriend na pala yan di lang sinasabi. Alalahanin mong maganda ang kapatid mo.

JEN : (oh..tignan mo itong si kuya ang sama ng tingin sakin agad) Wala akong boyfriend noh. Saka gusto ko kapag may nanligaw sakin makilala niyo din siya ni kuya. Alam mo naming parang kuya na din kita eh.

SANJI : Tama yun..dapat makilala muna namin siya. Bakit? May nagugustuhan ka na ba ha Jen?

JEN : Wala noh. (pag-dideny ko…nunkang aminin ko sa kanila iyon dahil once na malaman ni kuya ay sigurado akong aawayin niya agad iyung lalaki katulad nung highschool ako)

My Own Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon