[7. Interview with the Prince]

75 2 0
                                    

Dumating ang araw ng sabado. Balak sanang sunduin ni Ian si Jen sa bahay nila pero hindi pumayag ang dalaga. Mahirap na dahil baka makita pa ito ng kuya niya.

JEN : Mommy Alis na po ako (paalam ni Jen sa ina sabay halik sa pisngi nito)

QUEEN : Mag-iingat ka Angel..

Angel ang tawag sa kanya ng mga magulang. Ang kua niya lang ang tumatawag sa kanya ng Jen.

Pinagmasdan ni Jen ang ina. Sadyang napakaganda pa din talaga nito. Hindi nakapagtatakang modelo ito noong araw at mas lalong hindi nakapagtatakang nahumaling dito ang daddy niya.

Usapan nila ni Ian ay sa isang fast food chain malapit sa kanila sila magkikita.

JEN : kanina ka pa?

Naabutan ko siyang nag-aantay na sa loob ng fastfood chain.

IAN : Hindi naman. I’m glad you came

JEN : Para sa crossroads ito noh.

IAN : Sabi mo eh….so saan tayo?

JEN : Hindi ba pwedeng dito nalang?

IAN : Masyadong maingay dito eh. Kung okay lang sayo sa bahay nalang. (tinignan ako ni Jen ng kakaibang tingin) Hey wala akong gagawin sayo okay? Besides nasa bahay din si Yuuki kaya wala kang dapat ipag-alala.

JEN : Mabuti na yung sigurado.

Sumakay kami ng kotse ni Ian.

Isang napakaganda at napakalawak na bahay ang hinintuan nila.

JEN : Ang yaman niyo pala eh.

IAN : Hindi ako..yung parents ko lang.

JEN : Ganun na din yun.

Malaki din naman ang bahay nila pero natutuwa siya sa style ng bahay nila Ian.

IAN : Dun nalang tayo sa pool area.

JEN : Okay.

Pagdating sa pool area ay iniwan sandali ni Ian si Jen para kumuha ng maiinom.

Titig na titig naman si Jen sa oval shape na pool. Naiimagine niya si Ian habang naliligo sa pool na iyon. Parang eksena sa pelikula ang naiimagine niya.

Ano ba iyan Jen kelan ka pa naging manyak ah?!

IAN : Sorry kung natagalan ah. Ang kulit kasi ni Yuuki eh. (hinging paumanhin niya habang bitbit ang pitsel ng juice)

JEN : Nag-abala ka pa….so Let’s start. (inilabas ko ang recorder ko at ang notes na ibinigay sakin ni Ruijin upang itanong kay Ian)

IAN : Game.

JEN : So, tell me first about yourself.

IAN : Hmmmm… dalawa lang kaming magkapatid ni Yuuki. Ako ang panganay. Yung parents naming madalas wala sa Pilipinas. Ano pa ba? Wala na akong maisip eh. (at nginitian ko siya ng super sweet pero dinedma lang niya ako)

JEN : Mga likes and dislikes mo.

IAN : Parang slambook ah…aneweiz…wala akong likes at dislike na maisip sa tao eh. Basta gusto ko gusto ko..pag ayaw ko..ayaw ko..ganun. ang gulo noh?

JEN : Okay lang yun. Continue.

IAN : Favorite color ko is black…for a simple reason na itinatago nito ang tunay na nararamdaman mo…and ayoko din ng black for that same reason.

My Own Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon