(JEN’s POV)
Nagtext sakin si Ian na ihahatid daw niya ako pauwe. Sobrang kilig naman ang lola mo diba? Ang haba haba ng hair ko.
TRISH : grabe na yan Jen ah…naaapakan ko na ang buhok mo sa sobrang haba.
Nakikitingin kasi siya sa cellphone ko at nakikibasa sa mga messages sakin ni Ian.
JEN : Well… ( I playfully flip my hair)
TRISH : Pero honestly Jen, I’m happy for you…sana si Ian na nga ang Prince Charming mo…kelan mo ba siya balak sagutin?
JEN : Kapag naipakilala ko na siya kina kuya Ran…Sabi naman ni kuya willing siyang makilala eh.
TRISH : Really??? That’s great. Bakit hindi mo nalang inbitahin si Ian sa bday ni kuya Ran sa sabado?
JEN : Yun nga din ang plano ko eh.
TRISH : Ohhhh!!! Nakakakilig naman..sana wag syang bugbugin ni kuya Ran.
Hinampas ko si Trish dahil sa sinabi niya.
JEN : Wag ka nga dyan!! Napaka mo..
TRISH : Joke lang naman yun.
Maya maya ay tumunog ang cellphone ko.
TRISH : Ayan na may text galing kay Ian. Basahin mo na.
JEN : Excited ka ‘te??? ( Sus..kunwari ka pa Jen..excited ka din eh)
Binuksan ko yung message ni Ian. Nasa labas na daw siya ng classroom namin.
JEN : Nandito na siya Trish…sige GTG na.
TRISH : Iiwan mo ako???
Naglalambing na niyakap ko siya.
JEN : Just this time..kakausapin ko lang si Ian. Text mo nalang sina Tintin para samahan ka.
TRISH : Kainis naman eh…pero sige na nga…enjoy mo nalang si Prince Charming.
JEN : Thanks. ( at kiniss ko siya sa cheecks)
***
JEN : Hi kanina ka pa? ( sa labas ng classroom ay nadatnan ko siya)
IAN : Hindi naman. So tayo na?
JEN : Ha??? (tanong ko ng namula ang mukha dahil sa sinabi niya)
IAN : Tayo na..i mean..tara na..alis na tayo..hatid na kita.
JEN : Ahh…akala ko sabi mo TAYO na eh.
IAN : Pwede din ( tapos nginitian niya ako…OHEHMJI naman ang gwapo niya talaga..hindi ko maiwasang kiligin)
JEN : Tumigil ka nga dyan ( kunwari ay saway ko..para di naman obvious na kinikilig ako diba?)
Naglakad na kaming dalawa papunta sa kinapaparadahan niya ng sasakyan.
JEN : Ahh Ian… ( simula ko ng makasakay na kami)
IAN : Ano yun?
JEN : May lakad ka sa Saturday?
IAN : Saturday? ( saglit na nag-isip siya) Oh yes…Birthday ng bestfriend ko.. bakit?
JEN : (birthday ng bestfriend niya…so di siya pwedeng di pumunta…okay lang may next time pa naman) Ahhh wala naman…naitanong ko lang.
IAN : Gusto mo sama ka sakin?
JEN : Naku wag na nakakahiya…saka hindi rin ako pwede…birthday kasi ng kuya ko.
BINABASA MO ANG
My Own Prince Charming
Teen FictionNaniniwala ba kayo sa happy ending?? eh sa fairy tales?? eh sa Prince Charming?? Paano kung one day makilala mo ang isang lalaking akmang-akma sa Prince Charming na naisip mo anong gagawin mo?