Chapter 1 na!! Sana ma-enjoy nyo!! The cast is coming pa po.
-----------------------------------------------------------------------------
Andy's POV
"Andy, gising na."
"Ugghh."
"Andy ano ba?! Andyan na si Chris, hinihintay ka na sa labas."
Nung narinig ko yung pangalang 'Chris' bangon agad ako. Reflexes lang? Joke.
Yung kapatid ko yung gumising sakin,si ate Lane masungit, pinakamatanda saming magkakapatid, ako yung pangalawang bunso. Ang pangalawang panganay naman ay si kuya Robby, at ang bunso naman ay si Ryan. Si ate Lane ay dapat college na pero dahil hindi na naming nakaya yung tuition ay tumigil muna si ate, si kuya naman tumigil na rin sa highschool at nagtratrabaho sa isang fast food chain.
Deretsyo agad ako sa CR, naligo at kumuha nalang ako nang kung ano sa cabinet tapos nagbihis na ako nang super bilis, ayaw ko namang ma-late, valedictorian kasi ako eh, kaya ako nagka-scholarship sa school ko ngayong school year.
Nag-bye muna ako sa postrer ni Alec Garcia, crush ko sya kahit noong bata pa ako. Naging child actor sya dati. Anak kasi sya nang kongresman at actress.
Di naman ako sa total fan girl pero crush na crush ko lang sya.
Kinuha ko yung bag ko at di manlang ako tumingin sa salamin. Nung nandun na ako sa sala nakita ko ulit si ate Lane.
"Haha!Hoy, Ganada nang get-up mo ah! Di pa parehas ang medyas."
"Hah?!"
Tiningnan ko yung itsura ko sa salamin, ang gulo nang puyod ko, super. May T-shirt akong suot na hindi ata sakin, ang haba tapos pangmatanda yung design nya. Yung maong pantalon na suot ko hanggang tuhod ko lang.
At, oo, hindi parehas yung medyas ko, yung isa may pusa at yung isa may mga stars, tapos naka-rubber shoes ako.
Ano ba yan Andy, badoy mo magdamit, but I have no time for changing.
“Um.. Ano magagawa ko? Nagmamadali ako eh..” sabi ko.
“Bahala ka nga, kung yan ang gusto mong isuot sa first day of school mo, hindi kita pipigilin. Lalo ka nang pagtatawanan sa suot mong yan.”
“Nasan ba si kuya Robby at si Ryan?” tanong ko.
“Si kuya Robby, umalis na papuntang trabaho, si Ryan naman ay natutulog pa.”
“Eh si mama?” tanong ko.
Saka naman lumabas sa kwarto si mama.
“Andrea, ano pa ang ginagawa mo dito? Male-late ka na.” Sabi ni mama.
Tapos may narinig akong nagbusina sa labas.
Mama: “Ayan na si Chris.”
Umubo naman si mama, lumapit kami ni ate Lane para tulungan sya pero sabi ni mama ok lang daw sya. May sakit kasi si nanay, at seaman naman si papa, nauwi lang sya once in two months.
BINABASA MO ANG
Heratbroken Heartthrobs
Fiksi RemajaKathniel and JaDine fan fiction po ito. Si Andy ay isang ordinaryong babae lamang, pero anong mangyayari kung si heartbroken heartthrob na si Lucas maging part nang life nya? At ano naman ang magiging reaction ni Chris, ang bestfriend n Andy ditto...