"Andito na pala kayo!" Tita Margarette said habang palapit kami sa kanya.
"Sorry Mom at parang late kami. Ito kasi e, ang tagal lumabas ng bahay nila." Sabi ni Zac sa Mommy niya. "At may dalawang palaka pa kaming nasagasaan kanina."
'Dalawang palaka? Ahhh... Sila...'
Naisip ko yung sinabi niya pero di ko na tinapos, di ko gustong kahit sa isip ko lang ay makarating pa ang pangalan niya. Hanggang ngayo'y kinakabahan pa rin ako sa mangyayari the next time we'll see each other.
"Ano ka ba Zacky. Wag ka ngang ganyan kay Kyle." Tanggol ng Mommy niya sa akin sabay hawak sa kamay ko. "A sya sige na, kumain na kayo at baka'y gutom na itong si Kyle."
"Thank you po, Tita." sabi ko sa kanya.
Nakaupo kami sa isang table ni Tita Margarette habang kumukuha ng pagkain si asungit.
"Nasaan si Kendall, hija at bakit hindi siya nakasama niyo?" tanong niya sa akin.
"Si kuya? May gagawin kasi siya sa bahay." Sagot ko na lang dahil alam kong ang ginagawa lang ng kuya ko'y manood ng manood ng tv.
"Ah, ganun ba..." Sabi niya "E, hija, may mahihiling akong favor sa iyo kung pwede lang?" she said.
"Naku po Tita, oo naman. Ano po yung favor mo?" I asked her.
"Ikinuwento kasi ni Zachary ang bakasyon na pinaplano nung si..."
"Si Bryan ho?" I helped her out kasi para.g nakalimutan niya ang pangalan ni Bryan.
"Oo, yun na nga, ni Bryan. Pinayagan na man namin ng Daddy niya para naman magkakaroon siya ng break time sa mga pag-iisip sa renovation plans sa bahay. Masexperto pa siya sa mga planong ginagawa ng Daddy niya, e. Kaya naisipan namin ng Daddy niya na sasama na siya sa inyo."
'Huh? Sabi ni Zac, hindi siya papayan niyo, bakit ganito naman ang sabi niyo sa akin?' I thought.
Tumingin siya sa akin na parang hindi pa talaga tapos ang kanyang sasabihin.
"That's great news po Tita!"
"Oo nga. Pero siya itong pumipilit sa amin na wag na siyang payagan sa pagsama sa inyo. Tanong ko lang, may pag-aaway ba kayong magbest friends?"
She gave me a concerned look na ngayon.
"Ho? Wala po naman Tita."
"Kung ganoo'y gusto kong pilitin mo siyang isama niyo sa inyong vacation trips." she demanded happily. "I don't want him to stress himself out sa bagay na kaya pa naming gawin ng Daddy niya."
"Sige Tita, I'll do my best! Papayag na din yang si Zac na sasama sa amin. Di kaya niya ako matitiis." Tumawa kaming dalawa.
"Mind if I cut in?" Lumalapit na si Zac namin dala-dala ang daming pagkain.
"Ang dami naman niyan! Ikaw lahat kakain niyan?" sabi ko.
"Hindi no!"
Binigyan niya ako ng spoon at fork.
"Tayong dalawa ang kakain nito lahat!" he said.
"Sige, I'll have to excuse myself na ha. I'll let you eat sa muna." Tita said at pinuntahan si Tito Leo.
"Sige po, Tita."
"Kain na!" Zac cheered at itinaas ang utensils niya.
"Oo, kakain na talaga tayo dahil you have some explaining to do!"
Binaba niya yung utensils niya at parang confused sa sinabi ko.
"Anong pinagsasabi mm-"
Pinalamon ko siya ng isang mini chocolate cupcake bago pa matapos ang sasabihin niya.
"Kain na tayo!" I smiled.
...............
End of Chapter 11
BINABASA MO ANG
InstaLOVE
Teen FictionKyle Jimenez had always been dreaming to see Bryan Rivera, a young actor. After having a chance to see him, she gave it a shot and at the end of the school year, he went to see her and there began their story together, maybe this would be the vacati...