"Hoy! Sasama ka ba o hindi?" Tanong ni Henry sa akin.
It was a day before the planned vacation would start at andito pa kami ni Henry sa labas ng bahay ko, shooting some hoops.
"Sasama sa ano?"
"Tanga ka na ba, Zac? Alam mo ang kung ano ang sinasabi ko." He stole the ball at nagthree-point shot sa ring. He scored.
"Di ko alam." Kinuha ko yung bola.
"Anong di mo alam? Pinayagan ka naman ni Tito at Tita, si Rivera na ang bahala sa mga expenses from plane tickets to hotel accommodations natin, lahat sasama pati kuya na nga ni Kyle eh, sasama na. Ano pa bang hinihintay mo?" sabi niya as I tried to shoot a score.
Di nakapasok. Tsk.
"Wala akong hinihintay, ok?" It was his turn to score. " Sa akin lang, di ako sigurado kung makakaenjoy yan sa akin o sa atin man."
He scored again.
"Bakit mo naman yan nasabi, bro?"
Pinasa niya yung bola sa'kin.
"Alam mo naman kung ano ang ugali ko diba?" I jumped at inihagis ang bola. Wala pa rin. "Maaasar na naman yan sila sa'kin at sasabihin na namang KJ ako sa mga plano nila."
"Sus, at kailan ka pa ba naging concious sa kung ano ang sasabihin nila?" Nag-ally-oop siya't nakascore na naman.
Kinuha ko yung bola't lumayo sa ring. Lumapit si Henry sa'kin at doon na ako nagfast dribble patungo sa ring. Nagtry akong mag-ally-oop pero di na naman nakapasok.
"Shit! Ano ba to! Bakit ba hindi ako makakashoot!" Iniba ko ang topic namin.
"Let's have a break na lang muna, Zac." We went to the garden table kung saan andoon ang aming meryende na pinaprepare ko.
Umupo ako at uminom ng tubig. 'Damn hands, niisang score man lang!' I thought.
"Sumama ka na kasi, bro! Ano bang gagawin mo dito when we're all away?" He said.
"Sasama talaga kayo lahat?"
"Oo, pinayagan na ako ni Mama't Papa at sinabi din ni Ron at Christian na both their 'rents agreed to this." Di pa rin siya umupo. Kumuha siya ng isa sa mga cookies.
"What about the girls?"
"NagGM na nga si Christine, eh. All packed at ready to go na daw siya para bukas. She's at Kyle's now." Pinakita ni Henry yung message ni Christine sa'kin.
"Valerie, Joy, Mae and Ria? What about them?"
"Lahat sila bro, handang-handa na. Kung tutuusin nga'y parang girl scouts nga, eh. After their parents said yes daw, they didn't have second thoughts na't linabas ang mga maleta nila." Henry laughed.
Hindi pa rin ako nagsalita.
"Yun lang naman ang sabi ni Valerie sa'kin." He added noong napansin niyang wala akong sinabi. He then took a seat.
'Si Ky-Ky kaya? Handa na kaya yung batang yun?' Naisip ko.
There was a long silence sa amin ni Henry. He became busy with his phone at ako nama'y naging busy din sa pag-iisip.
Naputol nalang yung pag-iisip ko noong mismong phone ko na ang nagring sa lamesa.
Christian calling...

BINABASA MO ANG
InstaLOVE
Fiksi RemajaKyle Jimenez had always been dreaming to see Bryan Rivera, a young actor. After having a chance to see him, she gave it a shot and at the end of the school year, he went to see her and there began their story together, maybe this would be the vacati...