Chapter 14

15 0 0
                                    

Two old friends meet again

Wearin' older faces

And talk about the places they've been

Two old sweet hearts who fell apart

Somewhere long ago

How are they to know

Someday they'd meet again

And have a need for more than reminiscin'

Umaga na at ito ang narinig ko sa labas ng kwarto ko.

"Si Ate Ignesia talaga oh!" sabi ko.

Lumabas na ako ng kwarto ko't nakita kong may maleta sa labas ng kwarto ng kuya ko. 'O nga pala, bukas na kami magbabakasyon.' Sasama si Kuya dahil pupunta kami sa kung saan si Ate Grace, yung girl friend niya, nakatira at sasama na din yun. Pero Kuya insisted na sila na ang gagastos sa kanilang dalawa and Bryan was convinced.

Maybe this time

It'll be lovin' they'll find

Maybe now they can be more than just friends

She's back in his life

And It feels so right

Maybe this time, love won't end

"LOOOOVEEEEEE WON'T ENNNNNDDDDDDDDDD!!!" sumabay sa kanta si Chrstine na andoon sa sala namin.

"Ikaw pala ang nagpasosoundtrip diyan? Ang aga aga pa ah!" sabi ko sa kanya sa aking pagbaba.

"Morning Kyle" ngumiti siya. "Ah oo, para na lang din gumising ka na! Hahaha"

"Morning! Gising na gising na talaga ako!"

It's the same old feeling back again

It's the one that they had way back when

They were too young to know when love is real

Nakadinig lang ako sa kanta at parang tulalang-tulala ako, walang inisip kundi ang mga sweet moments namin ni Bryan, yung kabaitan niya na opposite sa ugali ni Zac.

"Well, andito lang ako para magsabi na all pack na ako at..." she continued. Hindi na niya napansin na I was lost in my thoughts.

'Si Zac?'

Naalala ko tuloy yung nangyari sa Sun 'n Sand Beach Resort, noong niyakap ko siya pagkatapos sa aming pag-aaway. Thanks to Carra, hindi naman talaga siya masama ano?

"And why don't you go with him? You want me to asar you again, huh? Kyle?" Carra said as Zac was going out of the scene.

"Why would I waste my time hearing false things about myself from you Carra?"

"Angela, ikuha mo nga ako ng tubig sa room natin."

"Pero bakit ngayon pa? I wanna see this!"

"At bakit naman, talagang chizmosa ka talaga! Kumuha ka na nga ng tubig ko!"  sabi niya kay Angela at ng mawala na si Angela ay nag-iba ang mukha ni Carra. From the masungit look na alam ko sa kanya biglang sumimangot ang mukha niya.

"Kyle,"

"Carra?"

"The truth is, I'm just jealous of how you and Zac could be so close to each other. I've been crushing on him since elementary pa tayo pero he doesn't even see me as how he sees you. Para sa kanya I'm nothing but a rich man's spoiled daughter who gets everything she wants."

"Ain't that true?" tanong ko sa kanya.

"Hmp," she gave a little smile. "Maybe."

"Pero really Kyle, I don't get why palaging masungit siya sa akin. Sinabi ko sa kanya noon na mahal ko siya at maslalo pa siyang naggalit sa akin. Noon, I'm just like you, hindi masyadong sosyal, hindi maganda ang damit, hindi ako noon conscious about what I look like..."

"Excuse me!" I felt offended sa sinabi niya.

"...I'm just saying na normal lang ako noon, but thanks to you, it feels like I'm in a competition sa puso ni Zac and it also looks like you're winning!" Her head was down ng sinabi niya ito.

Namula ako sa sinabi niya. 'Competition? Sa puso pa ng best friend ko?'

"Best friend ko lang si Zac, Carra. Stop what you're thinking. 'Yan ba ang dahilan kung bakit you're like holding a grudge on me?" 

She raised her head at nagkaeye contact kaming dalawa.

"Yes."

Nagbalik ang malditang mukha niya sa pagsabi nito.

 "At kung may magagawa lang ako upang maging ikaw ay ginawa ko na yun, just to have him in my life like how you have him." She was dead serious.

"Kaya kung ako sa'yo, I'm thanking myself and who ever planned my life ng dahil hindi ako si Carra Ventura-ang babaeng nabubulag sa pag-ibig na hindi naman maging sa kanya!" sinabi ni Carra sa akin.

"Di mo man alam ito, Kyle, but you're a lucky girl!" lumapit siya sa akin. "That's why I'm doing whatever it takes to make your life miserable. Kung teleserye pa ito'y ako ang kontrabida and I'll be the best antagonist anyone will ever know!"

"Carra?" I felt sorry sa nangyayari sa buhay ng babaeng ito but suddenly it makes me realize na tama ang mga sinasabi niya, I'm lucky to have Zac sa buhay ko.

Lumayo siya sa akin, pabalik sa kinatatayuan niya kanina at dumating na si Angela. 'Ganda ng timing ni Carra.' Isip ko.

"O! Andito na yung tubig mo." Angela said.

Kinuha niya yung tubig at tumingin sa akin. "It was a nice talking to you Kyle. I hope we'll have another lively conversation as what we had."

"Ano?! Tapos na kayo?" sabi ni Angela.

"Let's go Angela."

...

I had to sit down sa sinabi ni Carra sa akin. Di ko tuloy napansing tumutulo na pala yung luha ko.

"Ky?" boses ni Zac ang narinig ko.

Di niya pwedeng makita akong umiiyak ng ganito at baka masmagalit pa ito kay Carra. I wiped my tears fastly before facing him.

"O! Andiyan ka pala? Kanina ka pa?"

'Sana'y di niya napansin' 

"Anong nangyari? Si Carra ano?"

Lumabas na naman yung masungit na mukha niya.

"Zac." Tumutulo na naman yung mga luha ko kaya't yinakap ko siya ng mahigpit.

"Zac, I'm sorry!"

Wala na siyang sinabi doon. We just hugged each other for a moment at kahit umiyak man ako sa kanyang shirt ay wala akong natanggap na reklamo.

'Am I really lucky?'

"Hoy Kyle! Andyan ka pa ba?" Christine waved her hands over my face.

"Sorry, I was just thinking."

"Ano ba yang iniisip mo? Uiiiieeee, si cutie Bryan na naman yan ano?" sabi niya. "Wag kang mag-alala girl dahil bukas magkikita na naman kayo ni Bryan!"

"Ah oo nga pala ano! Bukas na pala talaga tayo magbabakasyon kasama si Bryan." ngumiti ako.

"O Ky! Gising ka na pala, halika na't kumain ng breakfast mo. May binili lang si Kuya mo, hali na kayo ni Christine!" sabi ni Ate Ignesia.

"Hay naku, salamat Ate Ignesia ha, at sinali mo pa ako sa almusal niyo!" Umupo na si Christine sa dining table at sumunod naman ako. Ang dami ko pang gagawin pagkatapos nito. I would still hope na sasama talaga si Zac sa amin bukas.

...............

End of Chapter 14

InstaLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon