'What did I just say to her?'
I knew it had to come out eventually pero hindi ko naman inexpect na maging ganoon ang outcome sa pagsabi ko sa kanya. I just hope she didn't hear me clearly, pero I shouted it diba? She did hear me say it.
She did.
And to not let embarrass myself further, I walked away palayo sa kanya.
'What a good move, Zac! Pinarami mo na yung mga katanungan ng best friend mo!' I thought to myself while walking.
Dumating na ako sa cottage ng pamilya ko at napansin ng Mommy na wala sa tabi ko si Kyle.
"Hijo, nasaan si Kyle?"
"Andoon pa siya malapit sa swimming pool."
"Bakit po, Tita?" Tanong ni Kyle na nakarating na pala, kala ko andoon lang siya, kala ko hindi siya sumunod sa akin.
"Akala ko ba... Ahh sha! Andito pala si..."
'Sino naman? Ma, wag mong sabihin ang pangalan ng Bryan na iyon. Please lang, Ma!' I thought to myself.
"...Si Kuya mo hija. Pinakain ko na muna."
"Ho? Sumunod siya dito?"
"Oo, andoon siya sa buffet table. I let him help himself up!"
"Excuse me po, lalapitan ko lang."
"Sige, hija!"
Lumayo din si Kyle sa akin. Sasabihin kaya niya kay Kendall ang sinabi ko sa kanya?
'Bakit ko ba yun sinabi???' Tanong ko sa sarili ko.
Napansin yata ako ni Mommy dahil tinanong niya kung okay lang ba ako. Tumango naman ako. Salamat na din at hindi niya napansin na nag-away kami ni Kyle dahil alam kong sa panig ni Ky-Ky si Mommy.
"Excuse lang po, Ma. May kukunin lang ako sa kotse."
"Sige sige."
Nasa lobby na ako ng nakita ko na naman sina Carra at Angela - ang dalawang magaganda-lamang-kapag-walang-ilaw na babae.
"Oh! Nag-iisa ka yata Zac!" Lumapit si Carra sa akin.
"Anong pakialam mo kung nag-iisa lang ako?"
"Ang sungit naman nito! Want some company?"
"Hindi." Sagot ko flatly sa kanya.
"Bakit ka ba ganyan sa akin Zac! Wala naman akong ginawa sa iyo ah! I'm just being friendly!"
"Sa akin, oo, wala! Pero kay Kyle, ang dami na! Mga insultong di naman niya karapat-dapat marinig. It's like you know her so much! Ano? Nagpainvestigate ka ba sa kanya? At friendly? IKAW! Friendly? Carra at ang salitang friendly ay hindi magkakaugnay kaya tigilan mo na ako."
"Bakit ba ang init ng ulo mo kapag nakikitang sinasaktan ko yung Kyle na yun? Ano? Maggirlfriend at boyfriend ba kayo? Diba best friends lang kayo?" She paused noong wala akong sinagot sa kanya."Look Zac, hindi mo responsibilidad si Kyle. Magbest friends lang kayo."
Lumapit ako sa kanya. "Buti na yung magbest friends ako sa babaeng katulad ni Kyle kaysa maging parte ng buhay ng isang aroganteng babaeng katulad mo, Carra!"
Lumapit din si Carra sa akin. "Say everything you wanna say about me Zac but I'll never stop in making her life miserable!"
"Try to make her miserable, Carra. Try to make Kyle cry at lalagot ka sa akin!"
"You threatening me Mr. Montenegro?"
"Hindi. Just want to make you rethink all your plans kay Kyle dahil hindi mo magugustuhan kung ako na ang makakaharap mo."
"Maging martyr ka Zac kasi hanggang diyan ka lang sa buhay ng best friend mo!"
"Zac?" I looked sa left ko at nakita ko si Kyle.
"Anong nangyayari dito?" tanong niya.
"Ohhh, andiyan ka na pala Kyle." sabi ni Carra at lumayo sa akin.
"We were just talking about how stupid someone is for protecting a nobody from its predator. Right, Zac?"
"Ano?" tanong ni Kyle.
"Whatever Carra!" I walked away from the scene at pumunta na sa kotse ko, di na hinintay si Kyle dahil wala pa rin akong masasabi sa kanya. Baka mag-away na naman kami.
Kinuha ko ang isang rectangular box sa loob ng glove box sa kotse ko at binuksan yun. Isang silver bracelet na may K na nakalagay. Nakita ko ito sa mall at naisip ko kaagad si Ky-Ky kaya binili ko na. Ibibigay ko sana sa kanya after sa hapunan pero ng dahil sa ginawa ko parang di ko na ito maibibigay.
Umupo ako muna sa passenger's seat bago pa bumalik sa cottage.
Inisip ko yung kuwentuhan naming dalawa kanina, yung nangyari sa mall, yung yakap ko sa kanya, yung sinabi niya kay Carra, yung nangyari kanina sa pool side, yung pag-uusap namin ni Carra at balik ni Kyle.
'Ay tanga! Pinabiyaan ko si Kyle sa lobby kasama ang kambal sa kapangitan!'
Agad-agad akong bumalik sa loob at ng dumating ako sa lobby at nakita ko si Kyle nakaupo patalikod sa akin.
I sighed.
'Buti naman at walang nangyari sa kanya. Nasaan na kaya yung dalawa?'
Tinago ko muna ang dala-dala ko at lumapit ako sa kanya.
"Ky?"
Parang nabigla siya sa pagdating ko't dali-dali niyang pinunasan ang mga sobs niya.
"O! Andiyan ka pala? Kanina ka pa?" Tanong niya sa akin at obvious na na nanggaling siyang umiyak.
"Anong nangyari? Si Carra ano?" Balak ko ng puntahan yung Carra na yun ng bigla siyang nagsabi na wag na at lalaki pa ang problema.
'Sinaktan talaga ng aroganteng babaeng yun si Ky-Ky!'
"Zac." Lumingon ako sa kanya at nagsimula na namang umiyak siya.
"Zac, I'm sorry!" Sabi niya, tumayo't yinakap ako ng biglaan.
Umiyak siya ng umiyak habang yakap ako.
'What are you sorry for, Ky?' I thought.
Yumakap na din ako sa kanya.
'Bakit ba kita mahal Ky?'
...............
End of Chapter 13
BINABASA MO ANG
InstaLOVE
Novela JuvenilKyle Jimenez had always been dreaming to see Bryan Rivera, a young actor. After having a chance to see him, she gave it a shot and at the end of the school year, he went to see her and there began their story together, maybe this would be the vacati...