PROLOGUE:
~sana noon ko pa sinabing gusto kita.
sana noon ko pa sinabing mahal kita.
sana ngayon hindi ako nagsisisi ng ganito.
sana ngayon baka naging tayo pa.~
~sana noon pa lang nagtapat kana.
sana noon mo pa sinabing mahal mo ko.
sana ngayon naging tayo, at hindi nasasaktan ng ganito.
sana nauna kang nagtapat kesa sa kanya para hindi humantong sa ganito.~
Hindi lahat ng bagay madaling sabihin,
hindi lahat ng bagay kayang sabihin,
at hindi lahat ng bagay dapat sabihin.
pero kung lahat ng bagay na hindi nasabi ay pagsisisihan sa huli,
siguradong ang tanging salitang iyong masasambit ay "SAYANG".
+ + +
ako si RYAN. tahimik akong tao, mukha daw akong suplado pero sa tingin ko hindi naman ayaw ko lang talagang makipag-usap lalo na kong ang pag-uusapan ay ang mga walang kwentang bagay.
hindi ako yung tipong close sa lahat ng tao, at hindi rin ako pala-kwento. kasi mas gusto ko na ako yung nakikinig sa mga kwento nila. halos lahat ng mga kaibigan ko ay mga lalaki, hindi kasi ako masyado palakaibigan sa mga babae, ang aarte kasi nila at lalo na sa mga maiingay..
+ + +
ako si DINA. inaamin ko medyo madaldal ako. masayahin at palakaibigan. ayoko ng malungkot, gusto kong masaya lang lahat, lalo na yung mga taong nakapaligid sakin.
marami akong kaibigan. ayoko ko kase ng may kaaway kaya sinusubukan kong makasundo lahat ng nakapaligid sakin. ayoko sa mga taong suplado. nakakairita lang, lalo na kung pilosopo pa..
+ + +
[HER]
araw-araw na lang may nababalitaan akong may gusto sa kanya. kung hindi sakin magsasabi ng may crush sila kay Ryan, minsan malalaman ko lang dahil nababanggit ng iba naming kaklase. ano bang nagustuhan nila dun?. hindi naman siya gwapo.hindi din siya cute..ahm.siguro ma-appeal lang. e ang suplado kaya nun, ayaw mamansin kung wala siya sa mood. hindi ka sasagutin kung ayaw niyang mag-salita. at kung sumagot man, mas gugustohin mu pang wag na lang dahil maiirita ka lang sa sagot niya.
+flashback+
ako: "oi anung oras na?"
siya: tumingin sa relo. ."oras na para bumili ka ng sarili mung relo"
+end of flashback+
diba?.nakakirita lang. sana hindi na ako nagtanong .simula nun, okay lang kahit hindi ko siya makausap..mas okay nga na kahit wag na siya magsimula, kung wala rin lang namang magandang sasabihin.
[HIM]
ang daldal niya. halos lahat ng oras pwera kapag may teacher. nakikipagkwentohan siya. tawa lang sila ng tawa. lahat ginagawang biro,siguro nga maganda ang tumawa pero hindi lahat ng bagay dapat gawing biro.
+flashback+
kumakaen silang chocolate sa labas ng classroom.
siya: "rick sayo na.^_^" abot ng chocolate
rick: (kinuha yung chocolate.isinubo.)
siya: "oh may laway na yan.^__^V"
tawanan yung ibang classmate namin.
rick: (sabay luwa niya.may mint kasi sa loob ng chocolate.mukang laway)
siya: "sorry"
umalis si Rick
classmate1: "hala ka!"
classmate2: "ang sama ng joke mo"
siya: "hindi ko naman sinasadya.maling biro nga..sorry..(__ __)"
tsk.tsk..alam ko hindi niya intensyong mapasama at saktan si rick..pero maling biro yung ginawa niya..tss.
to be continue. . .
PS:
ang story pong ito ay may dalawang POV lang..HER & HIM..
HER is for Dina and HIM is for Ryan.
baka po kase malito kung sino yung nagsasalita..thankyou!^__^
BINABASA MO ANG
SANA NOON PA. . .[short.story]
RomanceMahirap mapunta sa sitwasyong pagsisisihan mo sa huli. Yung nandyan na sa harap mo pero hindi mo parin makita, kung kelan wala na siya at pagmamay-ari na ng iba dun mo palang marerealize na "sana noon ko pa sinabi sa kanya, edi sana ngayon baka nagi...