[HIM]
O.O
pati ba naman hanggang dito,
tss..kagrupo ko pa tong maingay na to..kapag minamalas ka nga naman..tsk.tsk
pumunta kamin pareho sa may unahan..nauna ako..
"since 4th year na kayo, kayo ang magle-lead ng grupo..ikaw na maglead total ikaw yung lalake,ikaw naman Dina,assistant niya...1 hour will be alloted for the strategy planning..magdecide na kayo kung sino-sino ang isasali niyo sa amazing race..dalawa lang each team, yung iba suporta lang.o siya sige alis na muna ako, para makapagmeeting na kayo."
umalis na siya..
tss..ako leader?..patawa!..napilitan nga lang akong maging officer e..
inabot ko kay dina yung papel..
"oh?..anu to?" tanong niya
tiningnan niya lang
"papel?..malamang.tss" papel lang hindi alam.
"tss..alam ko naman papel yan..e bakit mo binibigay sa kin?.sayo binigay, ikaw magtake resposibility..assistant leader lang ako noh..bleehh.:P"
isip bata talaga.
"tss.fine!"
umupo kami sa upuan..malamang!.
binasa ko muna yung instruction sa papel..
"tss...(nak ng tokwa naman!)...follow the rules and that's it."
sabay abot sa kanila ng papel sila na magbasa.
marunong naman sila..
e sa tinatamad akong magpaliwanag e..kaya na nila yan..
"psh." si dina sabay kuha nung papel..
tiningnan niya ako ng masama..
saka tumingin sa mga teammates namin.
"hay naku..soooo guys, sinong gusto sumali sa amazing race?" tanong niya sa mga kasama namin.
"ahm.ate bakit di na lang kayo ni kuya ang sumali?..kayang-kaya naman niyo yan e.heheh" sabi nung freshmen..di ko kilala e.pasensya..
[HER]
tsk nakakainis..sana si John na lang yung naging kateam, e sana ang saya-saya ko ngayon..kahit pa lahat ng activities salihan ko basta siya lang yung partner ko, e kaso since malas ata ako ngayong araw..hindi ko na nga siya nakagrupo ito pang supladong to ang nakagrupo ko..
at ngayon kami pa ang naging representative na team namim..pwee..malas talaga..
panigurado tutuksuhin nanaman ako nito nii belle at john..hayss.
"calling all representatives of each team..lumapit kayo dito." emcee
punta naman kami dun..e wala naman kaming magawa, majority nagsabi na kami na lang daw.
nakita ko siya..magkapartner sila ni lira..
ouch..tuwang-tuwa siya..kitang kita sa kanyang masayang-msaya siya na nakasama niya ngayong activity si Lira.
napatingin siya sakin at parang sinasabing "uuyy..partner sila" kung makatawa parang aso lang.
nginitian ko lang din siya..pero sa loob-loob ko mas masaya sana kung ikaw yung partner ko.
BINABASA MO ANG
SANA NOON PA. . .[short.story]
RomanceMahirap mapunta sa sitwasyong pagsisisihan mo sa huli. Yung nandyan na sa harap mo pero hindi mo parin makita, kung kelan wala na siya at pagmamay-ari na ng iba dun mo palang marerealize na "sana noon ko pa sinabi sa kanya, edi sana ngayon baka nagi...