PART 7A:

22 0 0
                                    

[HER]

O.O ako habang tinitingnan siyang palabas ng classroom.

SYETE! Panu niya nalaman yun?

IMPOSSIBLE! Teka baka mali lang ako ng dinig. Baka naghahallucinate lang ako. Ou tama baka praning na ako. Paranoid. Tsaka impossibleng may nagsabi sa kanya nun, e wala namang nakaka-alam nun ako lang. Unless nasabi ko. Napatakip ako ng bibig. Pero hindi! Hindi ko yun nababanggit kahit kanino.

WAAAAAAH! Napapailing ako ng ulo. Mababaliw ako.

Tumakbo ako palabas para sundan siya. Nakita ko siyang naglalakad papasok ng library. Bukas naman yung library kahit may training ngayon kasi may ibang students pa rin na napunta para sa research nila. Sinundan ko lang siya. Kelangan ko siyang makausap. Para malaman kung tama yung dinig kong sabi niya. Pagmali ako ng dinig, di SAGIPkapamilya ang peg. Pero kung hindi, BANTAYBATA ang labas. Corny! Patay na!

Ang bilis niya maglakad ah. Naupo siya sa pinakadulo na table, hindi naman masyado napapansin yung pwestong yun. Naglakad ako palapit sa kanya, nakasandal yung ulo niya sa braso niya.

Tulog kaya siya? Baka magalit yun paginistorbo ko siya? Pero hindi pa naman siguro to tulog, ang bilis naman.

Naupo ako sa harap niya. Pinoke ko siya ng paisa-isa. Mahirap na baka mabigla, mabogbog pa ko neto. Sira ang beauty ko pagnagkataon.

Sinodot ko ulet yung ulo niya. Grabe, bakit ayaw niyang gumalaw? Di kaya patay na to? Inatake sa puso, nastroke, tapos namatay agad. Okay na yun para wala siyang mapagsabihan, o di safe ang lihim ko. Pero, ang bad ko naman nun. Papatayin agad. Hahaah.

“uy. Ryan, gising.” Habang sundot sa ulo ng mahina lang.

“uy. Kausapin mo ko. Please? Pretty please??”

“hmm?” nakayuko pa rin siya.

“may tatanong lang ako.”

Inangat niya yung mukha niya. Kinusot ang mata. Srly? Nakatulog agad siya. Grabe idol!

“oh? Problema mo?”

“ano..ah..ehh..ihh” Pano ko ba sasabihin to? Pano kung mali yung rinig ko tapos pagtinanong ko e malaman niya na ng tuluyan. Patay na!

“ano nga? Ginising mu lang ako para magrecite ng a-e-i-o-u? lakas ng trip mo ah.” Nagkibit balikat siya habang nakatingin saakin.

“hindi. Ahm, panu ba to?.”

“may sasabihin ka ba o wala?!” naiinis na siya. Excited? Bumubwelo pa yung tao e.

“meron. Teka lang naman. Ano kasi yung kanina….” Itutuloy ko ba? SYETE!

“kanina?” tanong niya.

“ahm, yung sinabi mo kanina bago ka umalis ng room. Ano ulet yun?” ipapaulet ko na lang sa kanya, baka kasi hindi niya naman pala alam, e baka pagbinanggit ko e maconfirm. Mahirap na.

“ahh. Yung kay john? O anong meron dun?” bigla siyang tumayo at lumapit sa isang bookself. Nagtingin-tingin lang siya ng mga libro. Sinundan ko naman siya. Wala mudo diba? Kinakausap bigla-bigla na lang umaalis.

“panu mo nalaman? May nagsabi ba sayo? Sino? Kelan? Ikaw lang ba sinabihan niya? O meron pa? sino pa?” pangungulet ko. Natetense ako e. Alam niya na nga.

“Relax. Hinay-hinay lang. Ang dami mong tanong.” Nabuklat lang siya ng mga libro. Hindi siya tumitingin sakin. Kaiinis to. Kung hindi lang importante yung issue hindi ko to kakausapin e.

“Sorry naman. Sino kasing nagsabi sayo?” palipat-lipat ako ng side niya. Kinakabahan kasi talaga ako. Masyado kasing pasuspense tong lalakeng to.

Bigla na naman siyang bumalik sa inupuan niya kanina, dala yung isang librong napili niya. Parang novel ata. Mahilig pala siya sa mga mystery/action novel. Teka nga, hindi yan yung pinunta ko dito. Kainis talaga tong lalakeng to, sabi sainyo e walang mudo to.

Sinundan ko na naman siya. Patience is a virtue ang motto ko ngayon. Kaya wala akong choice kundi ang wag siyang sigawan, may kelangan ako e.

“uy. Ano na? Pano mu nga nalaman? Ryan naman eh.” Umupo ulet ako sa harapan niya.

Napatigil siya sa pagbabasa at tumigin sakin. Ang gwapo niyang tingnan ah. Infairnes!. Teka, anong sabi ko? Mali-mali. Stress lang ako, kung anu-ano na tuloy nasasabi ko.

“tss! Bakit ba sobrang kulet mo? Pano ko nalaman? Unang-una, walang nagsabi sakin. Pangalawa, nalaman ko lang. Panu? Halata kaya. Kung makatingin ka halos tunawin mo na siya kapag hindi siya nakatingin sayo. Nakita ko kanina yung sa canteen. Pangatlo, wala akong ibang sinabihan. Nadulas lang yung bibig ko kanina kaya nabanggit ko. Lastly, nasagot ko na mga tanong mo kaya makakaalis ka na.”

Bumalik ulet siya sa pagbabasa.

O-KAY. Sabi ko nga nasagot niya na.

“Pero Ryan, can I ask a favor? Please?” with pagmamakaawang boses pa yan.

“ano na naman?”

“Pwede wag mong sasabihin kahit kanino? Please? Pretty please?” nagpout pa ako.

Napatulala siya. Bakit?? At napaiwas siya ng tingin. WEIRD!

“psh. O-ou na. P-pwede ka ng u-umalis.”

“thankyou. thankyou. thankyou.^_____^ sige, alis na ako. Bbye.” Kumaway ako at umalis. Parang nabunotan ako ng tinik. I trust him naman, kaya alam kong hindi niya yun sasabihin kahit kelan. Hindi naman siya chismoso e.

to be continued. . . 

SANA NOON PA. . .[short.story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon