PART 6:
[HER]
“ wooh! Yes! Panalo tayo..hahahahah” sigawan lahat ng teamates namin ni Ryan.
Well, dapat lang na matuwa sila at nanalo kami dahil diosKo po, sa dami ba namang hirap ng mga pinagawa samin.
Uminom pa ko ng ampalaya juice at halos mangiyak-ngiyak pa ko kasi takot ako sa heights, pero buti na lang at magaling kami kaya NANALO KAMI!.woooh!
“tss,unang game palang kung makasigaw kayo kala niyo champion na tayo.” Umupo lang siya sa isang stool sa classroom.
After kasi ng amazing race, pinapunta lahat sa kanya-kanyang room para na rin makapagpahinga at makapaghanda para sa mga susunod na laro.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa katabing upuan habang nagpupunas ng buhok, naligo kasi ako dahil sa sobrang lagkit ng feeling may shower room kasi kami sa school.
“to naman!. Alam mo Ryan kahit pa unang game palang dapat matuwa na tayo kasi nanalo tayo, ang hirap kaya ng mga pinagawa satin. Kj mo!. Oh!” inabot ko sa kanya yung isang towel na dala ko, basang-basa pa kasi yung buhok niya, kawawa naman.
Inabot niya naman yung towel at lumabas ng room.
Tingnan mo to, walang mudo. Wala man lang salamat o kahit smile man lang for appreciation. Bahala nga siya, ang arte niya.
Teka, kumusta kaya sina John? Di man lang ako kinongratulate. O kahit yakap? Or kiss? Di joke lang. asaness naman ako! E kapartner niya naman si lira, malamang sa alamang e masayang-masaya yun kahit pa talo sila. Kainis!
Itext ko kaya?
Sige, bff naman kami, walang malice. Hihi.
~TO: UNO
Hey! Ganda ng araw mo ah? I saw you kanina, halos matunaw na siya kakatitig mo. Chill lang tsong! Hahahah
[message sent!]
Ang laki kong tupperware noh?
Ang PLASTIC ko. E anu namang magagawa ko, yun lang yung way para maging masaya siya kahit magmukha pa kong tanga.
Wala akong magawa, yun yung role ko e ang pakiligin siya, yun nga lang hindi dahil sakin kay Lira nga lang. Kikiligin siya kasi irereto at iiencourage ko siya kay lira. E wala, tanga lang ang lola niyo. Isanga malaking TANGA’T MARTYR.
After 5 mins.
Tenenenenenenenen-tenteneten-tenb-ten.
Nagrely na siya.
~FROM: UNO
Nakita mo? Hahahahah. Ou na ako na nakatitig sa kanya. Anyways, ikaw rin nga e, with #1?. Hahahaha. At kayo panalo. Congrats! ^___^
-end-
As if, kinikilig ako sa mokong na yun?! Wala lang akong choice! Takte!
~TO: UNO
Ou na. Kasama ko na siya, and alam na. Kilig to the bones na naman ang lola mo.hahahaha. Salamat. Dapat libre mo ko, talo kayo e. Such a loser!. Hahahahaha
[sent]
Kainis! Ang hirap mag-kilig-kiligan kahit hindi naman. Alam mo yung feeling na kahit masuka-suka ka na di mu magawa kase kelangan mung lunukin kahit hindi mo gusto yung lasa. Ganun yun! Sobraaang hirap! Kaloka!
BINABASA MO ANG
SANA NOON PA. . .[short.story]
RomanceMahirap mapunta sa sitwasyong pagsisisihan mo sa huli. Yung nandyan na sa harap mo pero hindi mo parin makita, kung kelan wala na siya at pagmamay-ari na ng iba dun mo palang marerealize na "sana noon ko pa sinabi sa kanya, edi sana ngayon baka nagi...