Chapter 3 * We're getting closer *

53 1 0
                                    

[ Hans's POV ]

Ilang araw na simula nung naging close kami ni Sophie, nang dahil lang sa experiment na yun namin sa Biology, Di ko alam kung bakit pero simula nun nabawasan yung lungkot na nararamadan ko simula nung nag break kami ni Angel.

Ako nga pala si Hans Joaquin Cruz, classmate ni Maria Sophia Santiago. Masasabi nyong mayaman ang pamilyang pinanggalingan ko, pero mas pinili kong mag-aral sa PUP dahil sa isang babae, Si Angel Santos. Akala ko magtatagal talaga kami yung tipong pang forever na, almost 3yrs din kami, minsan na nga lang ako mag seryoso ng babae, tsaka naman ako nasaktan, yun nga ata yung tinatawag nilang KARMA.

---

madalas kong sinasabay pauwi si Sophie maliban na lang pag pinipilit syang gumala nung mga tropa nya. Masaya ako pag lagi ko syang kasama, lahat ng lungkot na nararamdaman ko unti-unting nawawala simula nung naging close kami, for me, she's one of those people that I can call special.

[ Sophie's POV ]

After nung nagpartner kami ni Han's para sa experiment naramadaman kong madalas na syang dumidikit sakin, ayoko bigyan ng meaning kasi ayoko lumabas na feelingera ako. Basta ang alam ko masaya ako pag kasama ko sya. Madalas nya ko hinahatid sa bahay pag wala kaming lakad nila Bianca, nagtataka na rin sila kung bakit ganun ang kinikilos ni Hans.

*1 message recieved*

Migz:

Sophie! inuman daw! Sama mo sila Josh.

Nagtext si Migz, isa sa mga classmate ko. langya' talaga tong grupo nila, mahilig talaga sa inuman.

" Josh! Inuman daw tayo sabi ni Migz "

" Saan?"

" wait i'll text him ''

*1 message recieved*

Migz:

Sa may bar, yung malapit sa school

" Josh! sa may bar daw malapit sa school "

" Sige, punta ako pag pupunta kayo "

" Punta na tayo, minsan lang naman tayo makipagbonding dun"

" Go! Text ko sila Bera tsaka Bianca na sumama"

Pagdating ng uwian lumapit samin sila Migz para sabay sabay na kami pumunta sa pag-iinuman namin. Bigla akong tinapik ni Hans

" Akala ko wala kayong lakad nila Bianca ngayon? "

" Bigla kasing nagtext sila Migz na mag-iinuman daw "

" Umiinom ka? "

" Oo, minsan lang naman eh "

" Sasama ako "

" Sige, bahala ka "

Tinawag na kami nila Migz, then pumunta na kami sa bar, Ang saya pala nila kainuman. Nung medyo lasing na yung iba, nagkanya -kanyang aminan ng crush, nagulat ako kasi ilan sa kanila sakin may gusto .. pero may mas kinagulat ako, may biglang bumulong sakin tapos sinabing

" Ako Sophie, gusto kita "

Pagtingin ko kung sino yung bumulong, laking gulat ko kasi si Hans yun. Di ko alam kung totoo mga sinasabi nya o talagang lasing lang sya, binalewala ko lang yung sinabi nyang yun sakin, binibiro nya rin kasi ako ng mga ganung bagay pag magkatext kami, ayoko lang mag-expect kung totoo ba yun kasi nga mahirap na masaktan. Kaya ako NBSB eh, takot ako masktan.

My Typical LOVE StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon