Chapter 5 *What is this I'm feeling Prt.2*

41 0 0
                                    

[Hans's POV]

Haaayy! Ang aga ko pumasok ngayon. Bwisit na yan! Di ako makatulog kagabi, di ko makalimutan yung nangyari, bakit ganun yung naramdaman ko nung nagkalapit yung mga mukha namin. KAKAIBA! Alam ko yung feeling na yun, naramdaman ko na dati yun, pero hindi kay Sophie, kundi kay Angel ( EX girlfriend ko)

Hay nakoo! Ayan! Nakatulala tuloy ako sa room ngayon >.<

" Hans! "

bigla akong nagulat nang maramadaman ko na may tumapik sa balikan ko ng pagkalakas lakas

" tara DOTA! "

" Ano ba yan Anjo! Akala ko naman kung sino na "

" DOTA tayo dali! "

" teka! May klase pa tayo noh! "

" sus! Tanga ka dre? Di mo alam na naka-leave si Sir Filemon ngayon? Napag usapan namin nila Migz na pumasok ng maaga "

" para lang mag.DOTA? "

" Aba! Oo naman ! Yun almusal natin ngayon. HAHA! "

" Osge! Tutal wala rin naman akong ginagawa "

Dumiretso kami palabas ng room nang makasalubong namin yung grupo ni Sophie, nginitian ko sya pero parang umiwas sya ng tingin o sadyang di nya lang ako napansin? baka naman na-ilang na sya sain simula nung nangyari kahapon? Hindi naman siguro. Hindi naman sana ..

Pagkatapos mag.DOTA bumalik na kami agad sa room, wla pang prof, 30 mins pa kasi bago yung sunod na klase, napalingon ako sa pwesto ni Sophie, ayun sya masayang nakikipag kwentuhan kay Josh, Bera at Bianca. Grabe, di mo talaga mapag hihiwalay yung apat na yun. Napansin ko lang, ang ganda ng ngiti nya, may kakaiba sa kanya na nagiging dahilan ng pag ngiti ko bawat tingin ko sa kanya.

" Huuuuy! " bigla bigla akong ginulat ni Migz

" T@#$$%$%$#@ ! Ano ba naman yan! "

" HAHA! Tulala ka dre "

" Ako? Hindi ah. "

" Anong hindi? HAHA! hmmm san ka ba nakatingin? "

lumingon si Migz sa lugar kung saan ako nakatngin bago sya dumating

" AHA! Kay Sophie? "

" Hindi noh! "

" Alangan namang kay Bera tsaka Bianca? Eh sa mga yan Si Sophie lang close mo? o baka si Josh? Bakla ka tol?! "

" Ogag! Hindi noh! "

" Pero, di nga? kay Sophie nga ? "

" Ikaw! Kalalaki mong tao napaa chismoso mo "

" So sya nga? "

biglang tumgin ng seryoso si Migz sakin sabay sabi ng : " Ngayon pa lang binabalaan na kita, gusto ko rin si Sophie, kaya pwede wag mo pormahan? "

natahimik ako bigla, di ko alam yung sasabihin ko.. Si Migz? May gusto kay Sophie? Paano na? Eh ako ba may gusto din kay Sophie? Bait bigla akong kinabahan nung sinabi nyang may gusto sya kay Sophie ?

" JOKE! HAHA! Sana nakita mo itsura mo! Di maipinta Hans >;p " sabay takbo palabas ng room.

Bwisit na Migz yan, napagtripan ako. Ang lakas talaga ng trip nitong lalaking to. Pero tekaaa nga! Bakit ko nga pala tinititigan si Sophie kanina? Ayos pa ko maka.pagdescribe ng ngiti nya ah. Sakit sa ulo naman nitong nangyayari sakin.

My Typical LOVE StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon