Chapter 9 * The Confession*

4 0 0
                                    

Sinabi ko sa mga butihin kong kaibigan na uuwi na ko.

" Uuwi ka ba talaga o didiretso kang park para kitain si Hans? Hmmmm?" sabi ni Bianca.

" Di ko alam friend, parang natatakot ako sa mga pwede kong marinig sa kanya"

Sumingit si Josh sa gitna namin ni Bianca sabay akbay si Josh sakin

" Be, wag ka ngang play safe, gusto ka nya maka usap, kausapin mo sya" sabi ni Josh

" Onga bakla! Malay mo ito na yung chance para magka-bf ka naaaa! Tingin ko naman may chance na totoo yung sinabi ni Migz kanina" sabi ni Bera habang palabas na kami ng room

" Na ano? Na liligawan ako ni Hans? Ay nako mga te, isipin nyo ha, if ever na mangyari yun, panakip butas nya lang ako" wala man akong alam sa mga relasyon, pero sa mga nababasa at napapanood ko, ganito yung mga nangyayari. Pag kakabreak lang nung lalaki sa long term gf nya, yung susunod na girl na liligawan nya yung magiging panakip butas nya.

"Ikaw, reyna ka ng pagiging assuming noh?! Nakakainis na, kitain mo sya sa park mamaya nang malaman mo yung sagot. Nakakaloka ka be!" Mukhang may point naman si Bera, nag-agree din si josh.

"Oo na, sge na. Bahala na" yan na lang nasabi ko sa kanila. Ayoko na magbigay pa ng excuses kasi alam kong may pambara sila >____< Bahala na talaga mamaya. Hay nako. Nagpa-alam na ko sa kanina sabay para ng taxi pauwi samin.

——————

Pagdating ko sa bahay, 3:15pm na yun, dumiretso ako sa kwarto sabay higa sa kama. Naguguluhan na talaga ko, pupunta ba ko o hindi? Andun na kaya sya? Di ko alam kung ready ba ko sa mga pwede kong marinig mamaya kaya Hans. Ngayon lang to nangyari sakin, di ko alam na ganito pala ka-complicated yung ganitong sitwasyon. Nakakalokaaaaa!

Kakaisip ko habang naka-higa, di ko namalayang nakatulog pala ako, nagising ako nung kinakatok na ni mommy yung kwarto ko, which means its already 7:30pm at kakain na kami ng dinner. Napatayo ako bigla sa kinahihigaan ko...

"Sh*t! Sh*t! Sh*t! Nakatulog ako! 3hrs akong tulog! Nag-antay kaya si Hans dun sa park?Sh*t naman oh!"

Nagpalit ako agad ng damit (kasi obviously yung damit ko kanina sa school pa rin yung suot ko) naghilamos ako tas syempre nag-toothbrush ng mabilis (baka bad breath ako since galing ako sa pagtulog. Haha!) bumaba na ko papuntang kitchen at nilapitan si mommy at daddy

"Mom! Dad! Pupunta lang akong park sandali, may kailangan lang akong tignan"

"Ha? Anong meron sa park ng ganitong oras? At wala ka pang kain anak" sabi ni Daddy sa akin

"Di naman ako gutom dad, promise I'll be quick! Pleaaase! "

"Sge Sophie, bilisan mo lang ha. I don't want you roaming around sa labas ng sobrang late" sabay sabi ni mommy

"Thanks mom! You're the best!" Sabay kiss sa cheeks ni mommy and then kay Daddy.

Pag labas ko ng bahay, pumara agad ako ng tricycle papuntang park. Teka, saan ko pala sya pupuntahan? He didn't even tell me kanina sa school kung saang parte ng park ko sya kikitain. Grabe Sophie! Ang shunga mo! Ittext ko na lang sya, hopefully di sya galit at magreply sya sakin.

Kinapa ko yung phone ko sa bulsa ng pants ko, at kung minamalas ka nga naman, WALA SA BULSA KO YUNG PHONE KOOOOO! Naiwan ko sa kamaaaaa!!! :'( Ayoko nang bumalik ng bahay kasi baka di na ko palabasin nila Mommy ulit. Bahala naaaaa >.<

Binaba na ko nung driver sa park. Napatulala na lang ako sa kawalan. Haaaaay!

"Okay Sophie! Kaya mo to! Ikutin mo lang saglit yung park, pag wala sya, edi malamang umuwi na sya. Di naman siguro sya mag-aantay ng ganito katagal." Minotivate ko na sarili ko. Naglakad lakad na ko sa park, nang biglang may nakita akong car na naka park malapit sa kinatatayuan ko, kamukha ng kotse ni Hans yun. Umaasa akong sana di pa sya umaalis. Naglakad ako papalapit sa kotse nang biglang may tumawag sakin

"Sophie!"

Paglingon ko, nakita ko si Hans na naglalakad papalapit sakin

"Akala ko di ka dadating, inantay kita hangga't kaya ko kasi alam kong di mo ko hahayaang mag antay sa wala"

Napatingin na lang ako sa kanya sabay sabing, "Baliw ka ba?! Dapat umuwi ka na kanina pa, ilang oras ka nang andito oh! Dapat di ka na nag-antay, di mo na sana inasahang dadating ako!"

"Pero dumating ka pa rin diba? Maybe 4hrs late pero dumating ka, pagsisisihan ko to lung di kita inantay" sabi ni Hans sabay hawak sa kamay ko.

"What are you doing?" Hinatak ko yung kamay ko pero hinawakan nya ulit ito, this time mas mahigpit. " Hans, don't make things confusing for me, please lang"

Nginitian nya ko. Sabay sabing "Then I won't, I like you Sophie! I really do! Nakalimutan ko si Angel dahil sayo, yang mga ngiti mo lalo na pag magkasama tayo? Pinapagaan nila pakiramdam ko, I won't last a day without your smile, you face, your corny jokes, your voice. Without YOU!" bigla nya kong niyakap after nya sabihin yung mga salitang yun.

Tinulak ko si Hans sabay sabing, "Litsen! Nagbreak kayo ni Angel just 5 months ago, to think na almost 4years kayo. Imposibleng di mo na mahal si Angel ng ganun kadali lang"

"Pag minahal mo yung isang tao, di na mawawala yun Sophie---"

Di ko na sya pinatapos after ko marinig yun sinabi ko na lang na, "See! You still love her"

"Can you please let me finish first?" Inantay nya ko magrespond. Yumuko na lang ako then I let him continue kung ano man sasabihin nya.

"Like what I told you kanina, yung love, di mawawala yun. Once na minahal mo yung isang tao, it will always be there. What changes, is the type of love that you have for them. And for Angel, di ko na sya mahal gaya nung pagmamahal na meron ako para sa kanya dati. I still care for her, yes. Pero di na sapat yung love na yun para balikan sya. Cause, Sophie..." Alam kong nakatitig sya sakin, tumingala ako para makita ko mukha nya tapos tinuloy na nya ulit yung sasabihin nya "I want you to be my special one. And I'll prove it to you, di kita mamadaliin. Ipapakita ko sayong ikaw yung babaeng gusto kong mahalin at gusto kong maging girlfriend. Liligawan kita. And I'll wait for you kahit ilang taon pa bago mo ko sagutin."

I'm speechless, di ko alam sasabihin ko, bago sakin lahat ng to. Ano nang gagawin ko? Gusto ko rin sya e. Bahala na si batman. Hahayaan ko syang manligaw. Pipigilan ko sarili ko kahit gustong gusto ko nang sumabog sa harap nya sa kilig. Gusto ko maging sigurado, aba! Kahit crush ko sya di pa rin ako nakakasigurado sa kanya.

"O-okay?" Yun na lang nasabi ko. Bigla nya akong niyakap.

"Thank you Sophie! Di ko sasayangin yung chance na to"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Typical LOVE StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon