CHAPTER 1

243 3 3
                                    

CHAPTER 1

Pagmulat ko ng mga mata halos masilaw ako sa sobrang liwanag. Lumingon ako sa paligid. "Nasan ako?" Puro puti lang ang nakikita ko.

"Nasa hospital ka bro..."

"Huh?" tinignan kong mabuti ang paligid. Pure white wall, white bed, may nakahiga pa doon. Meron ding sabitan ng IV fluid sa gilid ng kama at may maliit rin na sofa sa tapat ng kama. Oo nga, nasa hospital ako.

Teka? Napatingin ulit ako sa kama. Nanlaki ang mga mata ko.

"Anong?!" Bakit nakikita ko ang sarili kong nakahiga?! Kinapa-kapa ko ang sarili ko. Hindi kaya?!

"Relax lang bro, di ka pa patay... sabihin na lang nating pansamantala kang nahiwalay sa katawan mo." sabi ng lalaking kampanteng nakaupo sa sofa, naka-de-cuatro pa ito habang naka-stretch naman ang kamay niya sa may sandalan ng sofa. Siya yung lalaking kanina pa tumatawag ng 'bro' sa akin. Sino ba 'to?

Napatingin uli ako sa sarili kong nakahiga sa kama. Kung nahiwalay nga ako sa katawan ko, ibig sabihin isa nalang akong kaluluwa... Eh ba't nakikita ako ng isang ito at kinakausap pa ako? Napatingin naman ako sa lalaking naka-upo sa sofa. Pabalik-balik ang tingin ko sa katawan kong nasa kama at sa lalaki sa sofa.

 Teka! Napanood ko na 'to! 

 Hindi kaya... Siya si...

 Lumaki ang mga mata ko at itinuro ko siya. "Scheduler?!?"

 Don't get me wrong, pinapanood ng nakababata kong kapatid na babae at ni mommy yung drama sa isang network na may ganung character kaya kahit papano may alam din ako.

 "Anong scheduler na pinag-sasasabi mo diyan?! Hindi ako yun nu!" Humalukipkip siya sabay iling.

 "Eh sino ka?! A-Ano ka?! Paano nangyari ito?" Tanong ko sa kanya. Naguguluhan na ako.

"Sabihin na lang nating ako ang time-keeper..." Pagmamalaki sabi nito sa akin habang nakapamewang at naka-chin up.

Time-keeper ano??? Meron bang ganun?

"Ako ang naatasang mamahala ng oras sa mundong ito." Tumango-tango pa ito habang nakapikit. Proud na proud ito sa kanyang sarili.

 Kung anu-anong pinagsasabi ng taong ito, baka nananaginip lang ako. Tama! Panaginip lang 'to.

 "Oo, panaginip nga 'to. Pero totoo rin ang mga nangyayari." Nakangisi siya habang sinasabi ito.

Anak ng! Mind reader pa! Sandali... Ano daw?! Ang gulo! "P-Paano naging totoo ang isang panaginip eh panaginip nga yun!"

"Simple lang..." sabi niya habang nakahawak siya sa baba niya na parang may iniisip. 

"Hindi ba sabi ko sa'yo kanina ako ay isang Time-keeper? Pinahinto ko ang oras habang natutulog ka, para magka-usap tayo. At pagka-gising mo..." Tinuro niya ako "...para sa'yo isa na lang 'tong panaginip."

 Kumunot ang noo ko. "Eh anong kailangan mo sa akin at gusto mo akong maka-usap?" Tanong ko dito.

Nanliit ang mga mata niya at ngumisi. "Hindi ba humingi ka ng tulong sa Kanya?" sabi niya sabay tingin sa taas. "Eto na ang tulong na hinihingi mo."

 Napataas lang ang kilay ko sa mga pinagsasabi ng nito. Wala akong maalala sa sinasabi niya.

 "Tsk! Ano ba yan! Nakalimutan mo na agad?! Eh kani-kanina lang yun ah!" reklamo niya.

DE JAVUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon