CHAPTER 3
[Theo's POV]
"TOL!" Inakbayan ako ni Bryan "Anyare sa'yo?! Parang di ka nakatulog kagabi ha?" Tanong niya. Ang aga-aga ingay-ingay nanaman. Sabay kaming naglalakad papuntang school.
Usually si Maery ang kasabay ko, pero hindi kami sabay ngayon kasi kailangan niyang pumasok ng maaga ngayon. Bukod kasi sa pagiging clss president namin siya, officer din siya ng Student Body Organization. May meeting sila ngayon kaya nauna na siya, baka ma-late pa ng dahil sa akin.
"Wala ito tol, wag mo nalang akong pansinin at tumahimik ka na lang jan." Sabi ko sa kanya.
"Pffft... Maleta na ata yang dala-dala mo eh..." Pang-aasar niya pa rin sa akin. "Puahahaha!" Hindi na niya napigilang tumawa, hawak-hawak niya pa ang tiyan niya habang tumatawa.
Hindi ako nakatulog kagabi kaya may eye-bags ako ngayon... -__- Hanggang sa pagtulog kasi mat naririnig pa rin akong boses. Hindi na rin ako nilubayan ng pakiramdam ko. Feeling ko talaga may nakalimutan akong mahalaga. Pilit kong inaalala pero wala talaga.
Speaking of inaalala. Naalala ko, kagabi may nagpakita sa akin hindi lang ako sigurado kung panaginip ba iyon o imagination ko lang, sa kanya ang boses na naririnig ko.
Bigla akong napahinto sa paglalakad. Hanggang kaninang umaga nagpaparamdam pa rin ang taong yun, tinatawag niya akong 'bro'. Bigla siyang magpapakita at bigla rin siyang nawawala.
Napalunok ko. Hindi nga yata tao yun eh...
O__O B-Baka naman m-mumu...
O-oy di ako takot ah! Ito kasing si Bryan kung anu-ano napapansin, naalala ko tuloy yun. Tsk!
Bigla akong binatukan nitong si Bryan. "Aisht! Bakit ba bigla ka nalang namabatok dyan?" Hinawakan ko ang parte ng ulo ko na binatukan niya. Ang sakit!
"Ikaw nga dyan eh. Anyare sa'yo at bigla kang huminto at natulala diyan ?" Kunot-noong tanong ni Bryan sa akin.
Aasarin lang ako nito kapag sinabi ko sa kanya ang tungkl sa boses at sa m-mumu. Bumuntong hininga ako.
"M-manahimik ka na nga lang 'tol! May iniisip lang ako." Palusot ko. Naglakad na ako at nilagpasan ko na siya. "Bilis-bilisan mo na lang ang paglalakad kesa 'tong eye-bags ko ang pinagdidiskitahan mo. Tara na baka ma-late pa ta'yo lagot nanaman ako kay Maery kapag na-late ako."
"Yes boss!" Nag-salute pa siya sa akin at binilisan niya na rin ang pag-lalakad para makasabay sa akin. Mabuti naman at sinakyan ng mokong na ito ang palusot ko.
Ilang minuto na rin kaming tahimik na naglalakad. Mabuti naman at tumahimik na rin itong bestfriend ko. Malapit na rin kami sa school.
Hay salamat peace and quiet ^__^
...
"Psst! Theo..." Ay di pala... -__-
Bumuntong hininga ako. "Oh?"
"Ano nga pala yang dala mo?" Tanong niya sabay turo ng nguso niya sa hawak kong paperbag. Napatingin rin ako sa tinuro niya.
"Project." Simpleng sagot ko.
"Weh? Nagbabagong buhay ka na tol? Puahahahaha! XD" Nagsimula nanaman siya sa pang-aasar.
"'Lul! Hindi akin 'to, kay Maery 'tong project! Bukas pa ako magpapass ng sa'ken." Hehe nakalimutan ko kasing gumawa ng sa akin.