Chapter 4
[Theo's POV]
Sa wakas uwian na! Pero syempre di pa ako uuwi,hintayin ko pa muna si Maery, may meeting nanaman kasi sila sa student council. Hintayin ko na lang daw siya sa benches sa may covered walk malapit sa gate kaya papunta na ako dun.
"Hi Theo!" bati saken ng mga babaeng nakasalubong ko.
"Hi ladies!" bati ko rin sa kanila sabay ngiti para di naman ako masabihang suplado.
"Kyaaa! Ang gwapo niya talaga!"
"Oo nga! Sayang at taken na siya."
"Tama! Ang swerte-swerte talaga ni Maery!"
O dumaan lang ako, pinagchismisan na kami ni Maery. Tsk! Nakarating na ako dito sa benches malapit sa gate. Mabuti pang makinig muna ng music habang naghihintay kay Maery.
...
...
...
...
Di ko namalayan nakaidlip na pala ako. Nagising nalang ako nang may kumakalabit sa akin.
"Psst!.. Bro!"
...
...
...
"Yo bro, gising!"
"Mmm.." sino ba 'to?
"Kung ako sa'yo gigising at gagalaw na ako, hindi yung nagsasayang ako ng oras"
"Huh?" kinusot-kusot ko muna mata ko, malabo pa paningin ko, di ko makita 'tong FC na gumising sa'ken.
"Ang sabi ko, gising na, galaw na, sayang oras" sabi niya sabi taas-baba ng kilay.
O_O
Teka...
"S-sino ka? Kanina ka pang umaga ah!"
"Sino?" sabi ng boses sa likod ko, pagtingin ko si Rica, classmate ko.
"Ha?"
"Sino kako kausap mo? Sinong di mo kilala?"
"Eh di etong taong 'to? Ginising pa nga niya ako kanin--" paglingon ko dun sa lalaki wala na siya?
"Wala ka kayang kausap... Naku ha, nag-ssleep talk ka noh? Haha."
"Di nga may kausap ako FC nga nun e!" Eh? Hindi ako namamalik mata.
"Paano yun nangyari eh tayo lang kaya nandito sa area na 'to.."
O_o
"Anyway, bakit di ka pa umuuwi? Kasi the Theo I know, dapat mga ganitong oras naglalaro ka na ng computer games.."
"Ah, hinihintay ko pa si Maery :)"
"Oh I see, akala ko ako ang hinihintay mo, haha di-joke-lang.. So una na ako ha!" sabi ni Rica at naglakad na nga papuntang gate.
"Payong bro! Kailangan mo ng payong!" eto nanaman 'tong boses na to!
"Payong!" lumingon ako sa paligid, wala namang ibang tao.
"Aisht! Oo na!" bulong ko sa sarili ko..
Hinabol ko si Rica.
"Uh R-rica!" hinawakan ko siya sa may elbow niya.
"Yup?" she said paglingon niya sa'ken then tinignan niya yung elbow niya na hawak ko. And agad ko naman itong binitawan.
"M-may payong ka ba?" napa-taas kilay siya sa tanong ko, nagtaka ata...
"P-pwede pahiram?" aisht bakit ba ako nag-s-stammer?
"O-kay?" sabi niya habang dahan-dahan niyang nilabas yung nafo-fold na payong from her bag.
"Yes! T-thank yo--"
"Ops!" inabot ko na yung payong, actually nahawakan ko na, pero binawi niya ito bigla.
"Bakit muna?"
"H-ha?"
"Bakit mo kako kailangan ng payong eh mukha namang di uulan?"
Bakit nga ba? "Uhm, sabi ng instincts ko?" Haist alangan namang sabihin ko sa kanya yung boses? -_-
"Weh? Ikaw Theo ha, nakadrugs ka ba? Ang wierd mo ngayon eh.. Haha! O ayan na! Saksak mo sa baga mo! :p" binigay na niya yung payong niya sa'kin ng pabalang sa may dibdib ko.
"Balik mo nalang bukas. Bye!"
"T-thanks!" pahabol ko nagbasakaling marinig niya ako. At narinig niya nga ako kasi nagthumbs-up pa siya while walking.
After a while may kumalabit sa likod ko, at mukhang alam ko kung sino. Pagtalikod ko, tama ako, si Maery nga.. Naka-peace sign siya sa'ken.
"Sorry natagalan kami.. >.<" hehe ang cute niya, kaya ayun pinisil ko yung cheeks niya.
"Aww~ >3< Theo naman eh, ang sakit nun ah!" naku nagpout pa...haha! XD
"Ang tagal mo kasi, tara na nga!" hinila ko na siya tapos sabay akbay.
"Wait lang.." nag-stop siya sa paglalakad.. "Hm? Bakit?"
"Kanino yang payong? Napulot mo?" tanong niya sabay nguso dito sa payong na hawak ko.
"Uhh.. Nope, hiniram ko :)"
"Kanino? At bakit? Based sa color, babae ang may-ari niyan!" Haist nangangamoy tampo! Bahala na!
"Babe, sa classmate nating bakla 'tong payong okay? Si... uh... si Jan! Oo! Kay Jan 'to! And hiniram ko 'to kasi... Uh..." Tsk!
"Kasi? Hm?" Nakapamewang na girlfriend ko, aisht think Theo! Think!
"Kasi--"
*GGRRUUUG!*
*Plok! Plok! Plok*
Ayown! ULAN! Great timing! Thank you Lord!
"Kasi nga uulan ^__^ obvious naman di ba babe? Eh alam kong pareho tayong di nagdadala ng payong.." ayun bumuhos na nga yung ulan, so binuksan ko na yung payong at hinila ko siya palapit saken sabay akbay na rin!
Nung una nagulat pa siya... Di pa makapaniwala si Maery na umuulan nga, buti na lang... Phew!
"Eh pano na yung classmate mo? Siya naman ang nawalan ng payong?"
"Kanina pa umuwi yun kaya malamang nasa bahay na nila siya ngayon... Tara na wala na maraming tanong baka lumakas pa 'tong ulan..."
Ayun, naglakad na kami palabas ng school.. Pero ewan ko ba, feeling ko nangyari na sa,kin 'tong nangyayari ngayon...
"Bye sir!" napalingon ako dito kay Maery... Inalis niya kasi yung pagkaka-akbay ko sa kanya.
"Theo, mag-'bye' ka kay sir!" tapos pinandilatan pa ako mata. Pag-tingin ko sa kausap niya..
Yumuko ako konti "Maery, sinong sir yan?" bulong ko sa kanya..
"Hay nako Theo, anak siya ng school director.. OIC School Director na rin natin siya!" Eksaktong tumingin naman sa'ken si sir.
"S-sir una na po kami.." sabi ko sabay nag-bow ako ng konti..
"Sige ingat kayo~ diretso uwi na ng bahay ha?" then nagsalute siya with two fingers sabay taas-baba ng kilay at ngiti.
"Syempre naman sir!" masiglang sabi ni Maery.
Bakit ganun yung tingin sa'ken ng sir na yun? Parang may gusto siyang ipahiwatig sa'ken?
...
O_O
*gulp*
Teka! Siya yung wierdong lalaki na FC?!!!
O_O'
_________________________________________________________
*FC-feeling close
A/N: Ayun po, matatapos to by October... after ng board exam ko... wish me luck! :D