CHAPTER 2

191 3 2
                                    

CHAPTER 2

 [Theo's POV]

 "Psst! Theo..." Naramdaman kong may kumakalabit sa balikat ko.

Maery...

"Theo!" Kinakalabit pa rin ako. Tinabig ko ang kamay ng kung sino mang kumakalabit sa akin.

Maery... ililigtas kita...

"Huy Theo!" Ngayon naman parang siniko na ako sa may braso ko.

Time-keeper... 

"MISTER COJUANGCO!"

"AY POTEK NA TIME-KEEPER!" Napatalon ako dahil sa sobrang gulat. Napa-upo ako ng mabuti at nag-straight-body.

"This will be the last time that I'll be seeing you sleeping in my class Mr. Cojuangco. Or else hello Guidance Office. Are we clear?!" sigaw ni Miss Robles habang tinitignan niya ako ng masama. 

"Ma'am yes ma'am!" sabi ko na may kasamang salute pa kay Miss Robles. Pagkasabi ko nun, tumalikod na siya sa amin at bumalik na ulit siya sa pag-susulat ng formulas sa board.

Humikab ako at nag-unat ng konti. Nakatulog pala ako? Psh. Eh sobrang boring naman kasi ng subject ni Miss Robles -__- sino ba naman ang hindi makakatulog?

Napansin kong nakatingin silang lahat sa akin. Si Lily, tinuro pa niya ang gilid ng labi niya. Napahawak naman ako bigla sa gilid ng labi ko. Narinig ko namang bumungisngis itong katabi ko. Lahat ng kaklase ko nakatingin sa akin except si Maery. Putek! Patay ako nito mamaya.

"Oh tol, anyare? Kamusta naman ang dreamland? Pfft..." Bulong ng katabi ko sa akin, si Bryan. Pilit niyang pinipigilan ang tawa niya. Loko-loko talaga 'to. 'Di ko lang katabi si Bryan, bestfriend ko rin siya. Magkababata kami. Parang kapatid na nga ang turingan namin sa isa't isa.

"Nakatulog na pala ako hindi mo man lang ako ginising. 'Di ba sabi ko gisingin mo ako bago pa mapansin ni ma'am na natutulog ako? Tsk!" pabulong kong sabi sa kanya, pabulong lang baka mapagalitan ulit kami kapag narinig kaming nagdadaldalan, mahirap na.

"Ginigising naman kita kanina, mantika ka lang talaga kung matulog, haha!" Napalakas ang tawa niya. Nako!

"Mister Sy! Keep quiet!" sita nanaman ni Miss Robles.

"Pfft..." Pagpipigil ko sa tawa ko. Ang ingay kasi nito. Lumingon ako sa katabi ko at sinabi ko sa kanya ang 'BU-TI-NGA' sa pamamagitan lang ng labi, walang boses.

*tok*

"Aray!" napasapo ako sa ulo ko. May bumato sa akin. Pagtingin ko sa bagay na nalaglag sa desk ko, isang maliit na chalk. Bigla akong napatingin kay Miss Robles.

"Isa ka rin Mister Cojuangco! Hindi mag-iingay yang si Mister Sy kung di mo papansinin!" Nakapameywang siya sa harap.

Tsk! Ako nanaman ang nakita -__- mag-bell na sana nang matapos na 'tong boring na subject na ito, tsaka gutom na rin ako. Kasabay ng pagreklamo ng tiyan ko ay ang pag-tunog ng school buzzer.

 *KRI I I I I ING*

 "Okay class you may have your break now, class dismiss." Isinara na ni Miss Robles ang libro niya at iniligpit na rin niya ang iba pa niyang gamit. Pati na rin ang mga classmates namin, nagliligpit na rin ng mga gamit. Pagkaalis na pagkaalis ni Miss Robles pinuntahan ko na agad si Maery, girlfriend ko. Siya rin ang class president namin.

DE JAVUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon