A day had already passed.
Hindi niya ito dinalaw nang mga nakaraang araw dahil, bukod sa namumugto na ang mata niya, ay masakit pa rin ang puso niya..
Iniumang niya ang kutsarang may lamang pagkain sa tapat ng bibig ni mark. Gaya nang unang beses na subukan niya itong pagsilbihan sa pagkain ay tila napilitan lang itong ngumanga. Inilapit niya ang isang baso sa bibig nito ngunit kinuha niyo ang baso mula sa kanya,.
“I don’t need you here.” He said.
Nasaktan siya sa ginagawa nito ngunit pinag papasensyahan pa rin niya ito.
How ironic? Isn’t it?
She used to lose her temper on small things and little issues. Ngunit hayun siya at kahit anong pag paparamdam sa kanya ni mark na hindi siya kailangan nito ay naroon pa rin siya at matiyagang nagsisilbi rito. Ganoon niya kamahal ito. Pinunasan niya nang table napkin ang bibig nito ngunit hinablot nito iyon.
“I said I can manage.” He said.
Tumango lang siya at iwinaksi ang pagdaramdam. Hindi siya umalis sa pag kakaupo sa gilid nang kama nito.
“umuwi ka na, rain” sabi nito.
Iyon ang ikaapat na beses na sinabi nito sa kanya iyon at sa tuwing naririnig niya iyon ay tila hinihiwa nang patalim ang puso niya.
“bakit ka ba ganyan? Bakit bakit mo ko pinapauwi? Gusto kitang alagaan, gusto kitang samahan dito. Ako ang girlfriend mo!”
“go back home!” walang emosyong sabi nito.
“ayaw mo bang nandito ako? Hindi mo naba ako kailangan?” hindi na niya itinago ang pag daramdam. Kung makapagsalita kasi itop ay parang siya nitong makasama. Tila hindi mahalaga dito ang presensiya niya at bale wala rito ang pag aalala niya.
Bumuntong-hininga ito at tumingin sa bintana nang silid.
“may mga nurse dito para bantayaan at alagaan ako, and besides darating mamaya si winter. Pinapagod mo lang ang sarili mo”
“kaya bang palitan nang mga nurse na iyo ang papel ko sa buhay mo? Hinawakan niya ito sa kamay nito.
Sa bintana pa rin ito nakatingin.
“mark, girlfriend mo ko! Ako dapa—“
“dammit rain! Umuwi kana wag ka nang bumalik dito!” galit na putol nito sa sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
After I Fell (COMPLETE)
Fiksi RemajaWhen the only thing you wanted to hear, after all the pain suddenly becomes the reason to make you so damn depressed again making you remember something happened and you just can't let go of the pain all you want is to cry so damn hard and just shar...
