Chapter 8: Bloodline

45.1K 1K 103
                                    


Samira's POV

Naging busy ako sa trabaho these past few days. Ang dami kong inasikaso lalo na ang contract namin with the Hughes.

Natapos ko na din ang pag-transfer ng titulo sa kanilang pangalan at kumuha na rin ako ng permit para masimulan na ang building construction.

Na-send ko na din sa secretary nila lahat ng information at ibang papeles tapos nagtanong din ako kung kailan nila gustong mag-set ng meeting para maibigay ko sa kanila ang titulo nila at iba pang mga papeles na hindi pwedeng i-email.

Ilang araw na pero hindi pa sila nagre-reply kung kailan ang meeting. Baka busy sila at wala pang time na makapunta dito. Madami naman kasi silang negosyo eh.

"Mama, gusto ko po ng dress na yun. Pwede po ba nating bilhin yun, mama?"

Napatingin ako sa dress na tinuro ni Libby. Isa iyong pink and purple dress na may flowers na design. Maganda siya kaya lumapit ako doon sa damit.

Nandito kasi kami sa mall ngayon dahil Sabado at wala naman akong pasok kaya pinasyal ko nalang ang anak ko. Naging busy din kasi ako nitong nakaraang mga araw kaya wala akong time na ipasyal siya. Ngayon lang ulit. Nababagot na din kasi siya bahay.

"Isukat mo nga, anak," sabi ko sabay abot sa kanya ng dress.

Ngumiti siya habang tumatango saka mabilis tumakbo papunta sa dressing room kaya agad ko siyang sinundan.

Ilang sandali ay lumabas na siya mula sa isa sa mga cubicle dito sa dressing room at pinakita niya sakin ang sinukat niyang dress.

"Wow ang ganda naman ng anak ko. Bagay sayo, nak. Sige bibilhin natin yan."

"Talaga, mama?" Tumango ako. "Okay lang po ba? Three hundred pesos po ito, mama. Kasya pa ba sa pera natin?"

Natawa ako sa sinabi ng anak ko.

Bata pa kasi siya ay tinuruan ko na siyang magpahalaga ng pera kasi wala kami nun. Kaya nga bata palang ay natutunan na niya ang value ng pera. Hindi siya magastos at madalas nga ay tinitipid niya ang baon niya.

"Oo naman. May big time client si mama kaya may pera tayo ngayon. Kaya wag kang mag-alala, okay?"

"Yehey! Thank you, mama. I love you!"

Napangiti ako dahil sa paghalik at pagyakap sa akin ng anak ko. Tuwang-tuwa siya nung binayaran na namin ang damit at siya mismo ang nagbitbit nung plastic bag.

Naglalakad-lakad kami sa mall nung mag-ring ang telepono ko.Tumigil ako saka kinuha iyon sa bag ko at sinagot agad ang tawag lalo na at galing ito sa boss ko.

"Hello, sir?"

"Hello, Sam. Busy kaba ngayon? I know it is your day off, but I need you to work today. Nandito sina Mr and Mrs Hughes. Biglaan ang pagpatawag nila ng meeting dahil aalis din daw sila mamayang gabe. Pwede kaba?"

Tumingin ako sa anak ko.

"Sir, kasama ko po kasi ang anak ko ngayon. Nasa labas po kami. Si Luigi po ba pwede?"

"Tumawag na ako sa kanya but he is currently out of town kaya hindi siya makakabalik agad. Ikaw nalang ang pwedeng makipag-meet sa kanila. They are important clients, Sam. Hindi natin sila pwedeng hindian."

Oo nga pala. Nasa out of town nga pala si Luigi. Naalala kong sinabi niya na dadalaw siya sa pinsan niya this weekend.

"Anong oras po ba?"

"In an hour. Doon pa rin sa dati niyong pinuntahan."

Tumango ako. "Sige, sir. Okay lang po kaya sa kanila na isama ko ang anak ko? Hindi na kasi ako aabot pag-umuwi pa ako sa bahay para ihatid ang anak ko."

When She Finally Gives Up (Hughes Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon