Samira's POVIlang minuto pa lang ang nakalipas simula nung nag-propose sa akin si Geron pero alam na ng lahat na engaged na kami. Madami kasi sila na nag-send ng congratulations sa akin. Siguro sinabi agad ni Geron sa kanila.
Dumiretso kami sa bahay para ipaalam kay papa ang tungkol sa amin at akala ko ay magugulat siya pero hindi. Tinanong ko siya kung bakit hindi siya nagulat. Ang sabi niya ay alam na niya daw na mangyayari ito. Masaya nga siya para sa amin ni Geron.
Nag-stay lang kami sa bahay buong araw hanggang sa uwian na ni Libby. Sinundo namin siya sa school at balak naming mag-dinner na tatlo para i-celebrate ang engagement namin ni Geron. Mamayang late pa ng gabi ang flight namin kaya may oras pa naman kami mamasyal.
Akala ko ay magkakaroon lang kami ng isang simpleng dinner pero hindi pala. Sa hotel kami dinala ni Geron. Hindi lang yun, pagpasok namin sa isang pinto ay nagulat ako nung nakita na maraming tao ang nasa loob at naghihintay sa amin. Nagpalakpakan ang mga tao pagpasok namin sa loob saka nag-congratulate sila sa amin ni Geron.
Gulat na gulat akong bumaling kay Geron nung nagkaroon ako ng pagkakataon. Hawak niya si Libby. Nagpapalambing kasi siya sa ama kaya kanina pa niya ayaw bitawan ang kamay ni Geron.
"Pinlano mo lahat to?"
Umiling siya sa akin. "No, I didn't plan this," sabi niya saka tumingin sa kung saan ang parents. Nakangiti sila habang kausap ang mga bisita. "It was mom who planned this engagement party for us."
"Kaninang umaga lang tayo na engaged tapos may party na agad na ganito ka bongga? Grabe."
Natatawang napailing si Geron. "My parents, who will be your future parents in law, are very wealthy, Sam. So expect the unexpected when it comes to them."
Sabagay. Mga Hughes nga sila. Dapat na siguro akong masanay sa mga biglaang pasabog ng pamilya nila. Uminit ang pisngi ko nung pumasok ulit sa isip ko na ikakasal na ako kay Geron at pag nangyari yun ay magiging Mrs. Hughes na rin ako. Dala ko na ang apelyedo ng pamilya nila. Natutuwa ako na mapabilang sa pamilya nila pero at the same time ay nakakakaba dahil ang taas pa naman ng tingin ng mga tao sa kanila.
"Congratulations, hija!"
Nakalapit na pala sa amin si Tita Allyna ng hindi ko man lang napansin dahil kung anu-ano ang iniisip ko.
Niyakap niya ako saka hinalikan sa pisngi.
"Thank you po, tita," sabi ko saka ginantihan din siya ng yakap.
"Simula ngayon ay mommy na ang itawag mo sa akin. Magiging anak na rin kita soon kaya sanayin mo na ang sarili mo na tawagin akong mommy," naluluha na sabi ni tita. "Sobrang natutuwa talaga ako na ikakasal na kayo ni Geron. Matutupad na rin ang pangarap ko para sa inyo na magkaroon kayo ng pamilya na buo."
Napangiti ako. Dati pa lang ay alam kong ito ang gusto ni tita. Minsan ko na rin kasi siyang narinig na sinabi iyan kay Libby dati habang nag-uusap sila. Pati ang anak ko ay yan din ang gusto. Kaya sobrang tuwang-tuwa si Libby ngayon dahil ikakasal na kami ng papa niya.
"Anak, congratulations." Baling niya kay Geron na nakikipag-usap sa daddy niya. "Magtino ka, okay? Huwag mong paiyakin itong si Samira. Malalagot ka talaga sa akin kapag sinaktan mo siya."
Napailing si Geron saka kinabig ako sa bewang para ilapit sa kanya. Hindi nakalagpas sa mga mata ng mag-asawang Hughes ang ginawa ni Geron. Kinilig pa nga ata si Tita Allyna—este Mommy Allyna dahil sa ginawa niya.
Natawa ng mahina si Mommy Allyna. "Namumula na ang mukha ni Samira. Dahan-dahan lang sa pagpapakilig sa kanya, anak. Madami pa naman kayong oras," sabi niya saka kumindat pa sa anak niya.
BINABASA MO ANG
When She Finally Gives Up (Hughes Series)
RomanceGeron Hughes' story. Samira loves fully to the extent of being too desperate. Her love craziness will knock her hard when she faces the consequences of loving the guy who does not even love her a bit. Samira's journey of love, acceptance, and forgi...