Samira's POV"Geron! Please! Uuwi na ako."
Nagpa-panic na ako dahil hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.
Hindi niya ako pinansin. Tuloy parin siya sa pagmamaneho. Ilang sandali ay tumigil ang kotse kaya agad akong napatingin sa labas.
Parang tinakasan ako ng dugo sa mukha nung mabasa ko ang pangalan ng lugar kung saan siya huminto. Bigla akong nanghina at kinabahan. Halos hindi ako makagalaw dahil sa sobrang takot.
Police Station
Yan ang pangalan na nakalagay. Dinala niya ako sa isang police station. Namutla ako sa kaba. Ang lakas ng pintig ng puso ko.
Nung makuha kong gumalaw ay napatingin ako sa kanya ng may puno ng pangamba.
"G-Geron," kinakabahan na sabi ko.
Tumingin siya sa akin at ngumisi. Sa nakikita ko ngayon sa mukha niya ay parang wala siyang pakialam at wala siyang balak na pakinggan ang hinaing ko.
"B-Bakit tayo nandito?" nauutal na tanong ko sa kanya.
"Like I said, you will get what you deserve."
Galit siyang tumingin sa akin. Halata ang sobrang pagkamuhi niya sa akin na kahit ang tono ng boses niya ay puno ng galit.
"P-Pero legal yung ginawa ko. Hindi mo ako pwedeng ipakulong," takot na sabi ko.
Kahit alam kong hindi sapat ang rason niya para ipakulong ako, kinakabahan parin ako ng sobra dahil takot ako kahit ang tumapak lang sa lugar na yan. Bigla kong naalala ang lahat ng dinanas ko dati sa lugar na yan.
"I know that's why I already thought of another reason para mapakulong ka. You already have a record in their system so madali nalang ngayon ang ipakulong ka ulit. I know how to convince them."
Kinabahan ako ng sobra. Natatakot ako. Makita ko palang ang presinto ay halos mahimatay na ako sa takot. Ang bumalik pa kaya sa loob? Ayoko. Ayokong bumalik sa lugar na yan. Ayoko.
Huli ko nalang napansin na umiiyak na ako dahil sa sobrang kaba at takot.
"Geron, maawa ka. Wag mo akong ipakulong," pakiusap ko sa kanya. Ayokong makulong ulit. Hindi ko kaya. Hindi pwede. Paano na ang anak ko?
Akmang lalabas na siya ng kotse pero pinigilan ko siya sa paghawak ng braso niya. Umiiyak akong nakiusap, "Geron, maawa ka sakin. Please... Ayokong makulong."
"Ayaw mo?" Umiiyak na tumango ako sa kanya. "Kung ayaw mo, then remove the article! It's that simple!" Galit niyang sabi.
Tuluyan akong napahagulgol dahil sa sinabi niya. Hindi ko kasi alam ang gagawin. Takot na takot akong makulong ulit. Sobrang takot na takot ako. Nanginig ako sa takot nung maalala ko na naman ang nangyari dati nung nakulong ako. That was my worst nightmare. Ayoko na ulit mangyari yun. Pero paano ko siya pipigilan? Hindi ko naman pwedeng tanggalin ang article dahil may kasunduan kami ni Maam Pia. Mawawalan ako ng trabaho pag tatanggalin ko yun. Paano na kami ng anak ko pag natanggal ako sa trabaho?
Humagulgol ako dahil hindi ko na alam ang gagawin. Sobrang gulo ng isip ko at nasasaktan rin ako dahil sa pinaparamdam sa akin ni Geron ngayon. Parang nandidiri siya sa akin at wala siyang pakialam sa kung ano man ang sapitin ko.
"Ano? Tatanggalin mo ba?"
Hindi ako nakasagot. Umiyak lang ako ng umiyak dahil hindi ko alam ang gagawin.
Akmang lalabas na siya pero hinigpitan ko ang kapit sa braso niya para pigilan siyang lumabas ng kotse.
"Please, Geron! Wag! Please!" Pakiusap ko sa kanya habang umiiyak at umiiling.
BINABASA MO ANG
When She Finally Gives Up (Hughes Series)
Storie d'amoreGeron Hughes' story. Samira loves fully to the extent of being too desperate. Her love craziness will knock her hard when she faces the consequences of loving the guy who does not even love her a bit. Samira's journey of love, acceptance, and forgi...