Chapter 28: The Mind Decides

47.4K 896 36
                                    


Samira's POV

"Mama, sasama nalang po ako sainyo pabalik sa hospital."

Nandito kami ngayon sa bahay ko noon, sa bahay namin ni papa. Ayoko sanang iwan si papa sa hospital dahil gusto kong hintayin na magising siya pero inaalala ko si Libby. Kailangan niya magpahinga. Saka hindi siya pwedeng magtagal sa hospital kasi bata pa siya at baka madapuan pa siya ng kung anong sakit doon. Kaya inuwi ko nalang siya dito sa bahay.

Ang tagal ko ring hindi nakauwi dito. Na-mi-missed ko ang tumira dito pero hindi ito ang tamang oras para magdrama at mag-reminisce. Kailangan ko nang bumalik sa hospital.

"Anak, mas panatag si mama pag nandito ka lang sa bahay. Huwag kang mag-alala, nandito naman si Ate Karla para samahan ka." Napatingin ako sa nag-iisang katulong namin dito sa bahay simula pa nung bata ako. Hindi naman kami mayaman, medyo nakakaluwag lang sa buhay kaya nakaya naming kumuha ng isang maid.

"Libby, ako muna ang makakasama mo habang binabantayan ng mama mo ang lolo mo sa hospital. Huwag kang mag-alala, ipagluluto kita ng masarap na pagkain at maglalaro din tayo," sabi ni ate sa anak ko.

Mabait si Ate Karla. Siya ang kasama ko lagi dati pag walang oras sa akin si papa lalo na nung namatay si mama. Mahal na mahal ako niyan kaya tuwang-tuwa siya kanina nung nakita niya ulit ako. Niyakap pa nga niya ako ng mahigpit at natuwa siya nung nakita ang anak ko. Akala niya nga daw ay hindi na niya ako makikita ulit.

"Okay po," sagot ni Libby kay Ate Karla bago siya bumaling ulit sa akin. "Umuwi po kayo dito ng madalas ha, mama?"

Tumango ako. Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap bago ko sinabit ang bag ko sa balikat ko. Nagdala kasi ako ng mga damit.

Nagpaalam na ako sa kanila. Sumakay ako ng taxi papunta sa hospital para mabilis akong makarating.

Noong nasa hospital na ako ay napatigil ako sa pagbukas ng pinto nitong kwarto ni papa nung may narinig akong mga boses na nag-uusap. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kaya mabilis akong pumasok sa loob.

Naabutan ko na nag-uusap sina Tita Janine at papa. Natuwa ako na gising na siya.

Nakita ako ni tita at ngumiti siya sa akin. Napansin din ako ni papa kaya dahan-dahan siyang lumingon sa gawi ko.

Unti-unting tumulo ang mga luha niya sa mga mata at ganun rin ako.

"Papa..."

Tinakbo ko ang pagitan namin at niyakap siya. Narinig ko ang paghagulgol niya at pagtaas-baba ng balikat kaya humiwalay ako sa kanya para tingnan ang mukha niya.

Umiiyak si papa.

"Anak k-ko..."

Mas lalo akong naluha nung tinawag niya akong anak at nung narinig ko ulit ang boses ni papa. Sobrang saya ko.

"Ang ganda-ganda pa rin ng anak ko," sabi ni papa sa akin ng may ngiti sa labi at pilit na tinaas ang isang kamay niya saka hinaplos ang pisngi ko. "Patawarin mo ako, anak," malamyang sabi niya dahil mahina na siya.

Napailing ako kay papa. "Hindi ninyo kailangang humingi ng tawad, papa. Hindi naman po ako galit sainyo," umiiyak na sagot ko.

"Hindi, anak. Malaki ang kasalanan sayo ni papa. Dahil sa akin kaya ka naghirap. Kinahiya kita sa mga panahon na ako dapat ang naging kakampi mo." Sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ni papa.

"Pa, huwag po ninyong isipin yan. Kasalanan ko naman kung bakit ninyo nagawa iyon. Kalimutan na po natin iyon. Basta magpagaling po kayo, papa."

"Anak, tanggap ko naman na mamamatay na ako. Sa katunayan, ito nalang ang hinihintay ko, ang magkita ulit tayo at ang mapatawad mo ako."

When She Finally Gives Up (Hughes Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon