Abbie's POV:
Dance Hub...
I was just sitting while observing the other members on the front. They have been practicing for almost 2 hours already. Pero ako, walang ginagawa. Wala na kasi ako sa part na pinagpapractisan nila.
'Sa'n na ba kasi yung Ian na yun? Ba't ang hilig niyang magpahintay sa tao? Kainissssssssss.'
My phone suddenly beeped. I took it out from my bag.
1 message received...
From: Ian
Meet me at the studio near ****. See you there.I rolled my eyes at the phone upon reading his message.
'Hay! Kung sana ay nagtext ka sa akin ng mas maaga. Na sa ganitong oras pala tayo magpapractice, edi sana nakapagBeauty rest ako kahit papano. Mukhang malolosyang na ang lola niyo dahil sa pak na pak kong schedule. Nagsisimula pa nga lang ako eh. Well! ginusto ko to eh. Dancing is really my passion. Kaya paninindigan ko to hanggang sa huli."
I changed his name on my phonebook.
To: Bitter Cold Guy
I'll be there in a minute.Message sent.
I asked permission from ate K-la that I'm leaving since hindi kami dito magpapractice.
I hurriedly went to the studio he was referring to. But only to find out that he is not there - yet.
Out of frustration, nasabunutan ko tuloy yung buhok ko.
And after 20 mins or half an hour na siguro na kakahintay ay dumating na siya. Sa wakas.
"Oh. Nandiyan ka na pala. Kanina ka pa ba?" he asked, innocently
I bit my lower lip to stop myself from saying something bad at him. I heaved a big sigh and answered. "Actually, almost 30 minutes lang naman na akong naghihintay. So, oo. Kanina pa nga ako dito." i said it in a not so sarcastic tone. Haha. Not so talaga.
"Well! If ganun na nga. Then that's good. Ayoko rin naman nang ako ang naghihintay. Gusto ko. Ako yung hinihintay. Kaya." he drew his face closer. Probably, just an inch away from mine. At sh!t! Nakakailang. And then, he whistered. "I think I like you because of that."
Saglit akong naistatwat nang dahil sa sinabi niya. Pinoproseso pa ng utak ko ang lahat. 'O-kay. What did he just said?'
At nung nakarecover na ako nang konte. Ay nakita ko naman siyang hawak hawak ang tiyan niya habang nagpipigil ng tawa.
"What?" I asked. More like screaming.
"Anong what?" he asked habang natatawa pa rin.
"Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba, huh?" i asked, in a not so maldita way
"Well, that reaction of yours. It's priceless." he answered at tumawa pa ulit.
I stumped my feet nang dahil sa frustration. 'Ugh! This guy is so unbelievable. May split personality ba siya or something? Kasi hindi naman siya ganito base sa first impression ko sa kanya.'
Ilang minuto lang ay tumigil na siya sa kakatawa. 'Sa wakas.'
Inilabas na niya yung phone niya and connected it to his bluetooth speaker. He turned the music on and it played a song.
He went to the center saka siya nagsimulang magsayaw gamit yung own execution niya.
He danced smoothly and with a swag.
'Ugh! This guy is really talented. Hindi lang siya basta nagsasayaw lang. Makikita o mafefeel mo talaga sa bawat galaw niya yung sincerity. May halong emosyon ang bawat execution na ginagawa niya. Na para bang sinasabi niya iyon sayo. Pero hindi sa pamamagitan ng mga salita kundi sa sayaw niya.'
He stopped after he danced the 2nd verse. He grabbed his water bottle and drank on it halfway through.
While I on the otherhand, just stared at him without blinking.
Little did I know, I was already fantasizing this Bitter Cold Guy. Na hindi na pala cold para sa akin. Pero bitter pa rin siya sa tingin ko.
'Ba't ang gwapo ng isang to?' tanong ko sa sarili.
Bigla na lang niyang inihagis yung water bottle na may kalahati pang laman papunta sa akin.
At buti na lang ay nasalo ko iyon. Kung hindi, mukha ko ang matatamaan.
"Inlove ka naman agad." he said
Bigla akong nagising mula sa pagdadaydream ng dahil sa sinabi niya.
"Wow huh. Ba't ang kapal mo?" hindi makapaniwalang tanong ko
"Gwapo eh." he said it with a pogi pose and end it with a wink. Nagsimula na naman siyang tumawa.
'Seriously? This guy is really really unbelievable.' napailing na lang ako. Mukhang sasakit ang ulo ko sa lalaking ito
"Turuan mo na nga lang ako." i said
He started teaching me the routine which is obviously on a Difficult mode.
Pero kahit ang hirap ng mga routine niya. Infairness sa kanya ang galing lang niyang magturo.
Mahirap, kapag titingnan mo lang siya. Pero kapag tinuturo na niya sa'yo kong paano ang proper execution. Marerealize mo na lang, 'Ah, ganito pala dapat gawin yun?'
Nakakabilib lang masyado kahit maloko minsan ang lalaking ito.
At oo nga pala, hindi Chivalry ang sasayawin namin. I don't know bakit sinabi niya yun kay ate K-la. Baka gusto lang siguro niya na masurprise silang lahat. Oh well, tama rin naman siya.
Tumigil muna kami matapos niyang maturo ang first verse at chorus.
NagpaOrder naman siya ng pizza na siya ngayong nilalantakan ko.
'Nakakagutom talaga magsayaw.'
"Ang takaw mo pero ang payat mo naman. Sa'n ba napupunta lahat ng kinakain mo?" komento niya
Napatigil naman ako sa pagnguya at napatingin doon sa box ng pizza.
'Halos kalahati na pala yung nauubos. Ako talaga may gawa nito?'
"Ako talaga nakaubos ng halos kalahati nito?" nagtataka kong tanong
He just answered it with laugh saka tumayo and messed my hair.
"Ubusin mo yan. Sa labas muna ako." he said
Hindi na ako nakasagot dahil mabilis na siyang nakalabas ng pinto.
Napatingin ulit ako sa pizza. "Ako ba talaga ang nakaubos ng halos kalahati nitong pizza?'' tanong ko sa sarili.
'Hindi ko napansin. Gutom ako eh. Sabi niya kanina ubusin ko to, diba? Sayang nga naman.'
Sinimulan ko na namang lantakan yung pizza.
Ilang minuto lang ay bumalik na siya.
"Sa'n ka ba galing?" i asked
"Sa labas. Naninigarilyo." he answered saka napatingin doon sa Pizza box na wala nang laman. "Inubos mo talaga?" tanong niya naman
"Eh sabi mo, ubusin ko." i answered while pouting
He smiled at nilapitan ako sabay gulo na naman sa buhok ko. "Ang cute mo talaga." mahinang sabi niya na hindi ko naman narinig
"Anong sabi mo?" inosente kong tanong
"Wala." nakangisi niyang sagot.
Nagpahinga muna kami ng mga kalahating oras bago nagsimula na namang magpractice.
Mga 7pm na akong nakauwi sa bahay. Kumain lang ako ng dinner tapos nagshower saka ako natulog. Nakakapagod talagang magpractice.
YOU ARE READING
To fight or to let go? (On going)
Teen FictionSa LOVE, dalawang option lang ang meron ka: 1. To fight - Kung mahal mo, then take the risk. Baka meron pang pag-asa. 2. To give up and let go - Kung nagawa mo nang lumaban pero wala eh. Ayaw na niya talaga. Ang tanong: Dapat pa bang maghintay at um...