Abbie's POV:
"Abbieeeeeeeeeee! tawag sakin ni Kristine when I entered the room
'At ayan na naman po yung matinis na boses ng babaeng ito. Napakaingay. Nakalunok ba ito ng megaphone? tskk'
"Ba't ka ba sumisigaw huh, Kristine?" medyo naiirita kong tanong sa kanya pagkaupo ko sa tabi niya.
"Kyaaaaaaah. Guess what happened yesterday." tili niya na naman
Tinaasan ko nman siya ng kilay bilang sagot. 'As if nman na malalaman ko ang sagot. Pwera na lang kong sasabihin niya sa akin, diba?'
"Ay. Dali na. Guess lang nman eh." nakapout niyang utos
'Ano ako? Manghuhula? Tskk'
Napabuntong hininga na lang ako. Tiningnan ko nman siya with my bored look. Pero ang babaeng ito, all smiles sa akin. Naghihintay pa rin ng isasagot ko.
'Ano nga ang posibleng nangyari kahapon para maging ganito kahyper si Kristine?'
Bigla ko na lang naalala. Sumali nga pala siya sa Art Club. At kahapon sila nagmeeting para makilala pa yung ibang members nito. Baka nakahanap na naman ito ng panibago niyang biktima.
"May nabiktima ka na naman ba?" medyo bored ko pa ring tanong
Hinampas naman niya ako sa braso. Pero mahina lang naman kaya hindi talaga ako nasaktan.
"Kyaaaaaaah. Nandoon din siya eh. Grabe yung mga masterpiece niya. Parang gawa talaga ng isang professional artist." nagspark naman yung mga mata niya at nagsisimula na namang magdaydream.
Pinaikutan ko na lang siya ng mata. Ayan na naman siya eh.
"Sino nga ba kasi yan, huh?" naiinis kong tanong sa kanya.
Napatigil nman siya sa pagdadaydream niya nung marining niya ako.
"Si ano. Si. Whaaaaaaa. Nakalimutan ko na naman yung full name niya." medyo naiiyak niyang sabi
Natatawa na lang akong pinagmasdan siya. Anong trip ng babaeng to?
"Oh, wait. Naalala ko. Sinulat ko nga pala yun sa notebook ko." bigla niyang sabi sabay hanap nung notebook sa bag niya.
"Nandito. Nandito yung pangalan niya. Naisulat ko dito yung full name niya." kinikilig parin niyang turo sa notebook na hawak niya
Tiningnan ko lang naman siya with my 'So?' look.
Hindi naman niya yun pinansin at sinimulan nang buklatin iyon.
"O-M-G!" sabay hawak niya sa magkabilang pisngi niya. "His name is Jhon Eduard Santiago. Pero mas kilala siya bilang si JED. Yan rin kasi yung signature niya lage sa mga masterpiece niya." kinikilig niyang sabi
"Sino naman yang si JED na yan, huh?" puzzled parin kasi ako sa mga information na ibinibigay niya
"Si ano. Si Brown-haired guy na kasama ni Yellow-haired guy noon sa WOF. Yung sa Pinky crane." paalala niya nman sa akin
Napa 'Ah' na lang ako bilang sagot.
Naputol nman yung usapan namin ni Kristine dahil sa pagdating nung Prof.
Flashback...
Kristine's POV:
Excited ako ngayon kasi first day ko sa Techno Artsy.
I was on my way to their hub when I bumped into him, the Brown-haired guy.
Parang nagslow motion nman ang paligid nung pulutin niya ang mga books ko at saka tumayo para maibigay nman sa akin.
YOU ARE READING
To fight or to let go? (On going)
Teen FictionSa LOVE, dalawang option lang ang meron ka: 1. To fight - Kung mahal mo, then take the risk. Baka meron pang pag-asa. 2. To give up and let go - Kung nagawa mo nang lumaban pero wala eh. Ayaw na niya talaga. Ang tanong: Dapat pa bang maghintay at um...