part sixteen: awkward

2.4K 50 4
                                    

Ahhh! Grabe talaga, nakakahiya! Ano ba kasing pumasok saisip ko bakit ba ako nakaganto? Haist!

Napaupo nalang ako sa sobrang hiya, ako nalang mag isa dito sa kwarto dahil kusang tumalikod si polo nung narealized nyang wala akong damit, oo nung narealized nya lang dahil kitang kita ko yung shocking moment nya, bago sya tumawa ng mahina at tumalikod,

Haist, tumayo nalang ako, at nag bihis, pero parang ayokong bumaba dahil hiyang hiya ako sa nangyari!

Haist! Nagbihis nalang ako at umupo ulit sa kama,
Pero di pa ako nakakatagal ng kumatok ulit si polo,

Kinalma ko naman ang sarili ko at binuksan ang kwarto ko,
"Ah eh, o-okay kana ba? "
Tanong nya.

Naramdaman ko naman bigla ang pag akyat ng dugo sa muka ko kaya napa baling ako ng tingin sa ibang parte ng kwarto,

"Ah eh, ba-bakit ka nga pala nandito?"
Tanong ko habang nakatingin sa bintana sa labas ng kwarto ko,

"Ah eh, pupunta ko kina jayson e , andun daw si loyd di raw na kapasok, e hindi rin naman ako pumasok dahil wala naman kaming gagawin, ewan ko nga kung bakit alam Ni loyd na di ka makakapasok kaya pinadaan ka nya "

Sa sinabing yun ni polo, naalala ko ang pangyayari kahapon sa bahay nila loyd, at naalala ko rin yung pangyayari sa rooftop nila jayson di ko aakalaing mag kaka sagutan kami ni jayson. At maririnig yon ni loyd,

Napa tango na lang ako at saka sabay kaming lumabas, ng bahay,

Habang nag lalakad, hindi parin mawala saisip ko ang mga pangyayari nitong mga nakaraan, kay jayson, kay loyd kahit na kay kuya allan,

Nabigla ako ng may brasong umakbay sa balikat ko,
Na syang ikinaiwas ko.

Kita ko ang gulat na muka ni polo na sinundan ng tawa na parang nag tataka.

"Ah eh, haha, so-sorry nagulat lang haha "
Sabi ko napailing nalang sya at saka dumeretso sa paglalakad,

Shit, ano bang nangyayari saakin? Dati naman okay lamg kahit mag ka akbay kami ah? Pero bakit parang napapaiwas ako?

Hqbang nag lalakad kami papuntang bahay nila jayson napansin ko ang isang cute na lalaki, ngayon ko lang sya nakita rito sa subdivision. Baka bagong lipat lang.

"Okay kalang ba jerome?"
Napalingon ako sa biglaang salita ni polo kaya naman medyo na conscious ako kung ano bang itsura ko, at parang may nahahalata si polo

"Ha-ha? O-oo naman polo, bakit? May problema ba?"
Sagot ko naman pero hindi nya lang ako pinansin at umiling lang,

Nakarating kami sa bahay nila jayson. Walang tao dun at mukang nasa roof top silang dalawa,

Bigla akong kinabahan habang papaakyat kami sa taas, hindi ko alam kung anong irereaksyon ko sakanila kapag nagkita kami, mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang tawanan nila, shit! Baka naman sinabi ni loyd ang nangyari saamin? Baka pinag kakaisahan nila ko? Baka ipagkalat nila yun? A, anong sasabihin ko sa magulang ko pag nakarating sakanila yun! Baka gulpihin ako ng mga kuya ko? Pero mukang hindi naman siguro gagawin ni loyd yun, kitang kita ko naman ang itsyra ni loyd kahapon, tsaka never namang nanlaglag si loyd ng kaibigan. Haist bahala na!

Nauuna si polo sa pag akyat habang ako nakatago sa likuran nya,

Pag ka tungtong na tungtong ko palang sa rooftop, biglang nag si tahimikan ang lahat, tanging kabog lang ng dibdib ko ang naririnig ko,

"Hey!"
Bati ni polo,

"Nice!"
Sagot ni koyd sabay lapit ni loyd kay polo at beso ng tropa,

Napatingin ako kay jayson. Hindi ko alam kung anong nasa isip nya at dahil hindi sya nakangiti o kung ano man, wala syang imosyon!

"Ah eh, jerome!"
Napabaling ang tingin ko kay loyd na naka ngiting aso pa. Halatang naiilang rin sya. Pero nilalakasan nya lang loob nya, alam ko naman na alam nya na mali yung ginawa nya,

Lumapit sya at bineso ako ng yakap,

Nginitian ko nalang sya agad. Sabay iwas, nakita ko naman na nag besohan sina jayson at polo,

"Hi! "
Si jayson ng matapos siya kay polo, napa ngiti nalang ako ng mapait , pero nagukat ako ng hinawakan nya ang kamay ko at hinatak ito papunta sakanya upang mapayakap sya,

"I miss you"

Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko o ilusyon ko lang yun? Narinig kong bumulong si jayson sa tenga ko at hindi ko alam kung totoo ba o hindi,

"Ah eh! Tara upo tayo!"
Aya ni loyd. Na syang nagpahiwalay saaming dalawa ni jayson,

Hindi parin ako kumikibo at alam ko na kahit nag sasalita si loyd. Naiilang parin sya!

Parang napaka sikip ng rooftop na ito para saaming tatlo, halos si polo nalang dumadaldal na syang sinasaangayunan ni loyd, nakikitawa nalang si jayson, at ako pangiti ngiti nalang,

Nakakailang talaga sobra, ang awkward dito promise hindi ako makahinga ng maayos! Nakakailang!

--------------------------

So yun na nga, im verry verry verry so so so so sorry na! Bawi nalang me okay? Bussy talaga e, hihi vote kana, then comment nadin ng feedback mwa!

Hi guys, just follow me on twitter :) @EMTprettyboy Prettyboy 😉😉😉

Secretly Bloomed (SPG)[M2M]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon