part twenty: Aaron

2.1K 37 2
                                    


_____________________________

"HI JEROME!!! aantayin ka namin nila polo and loyd sa bahay ah! bonding naman, namiss na kita eh.hehe ingat ka :)"

-from jayson

___________________

part twenty: aaron

palapit na ng palapit ang event sa school, pabilis ng pabilis na rin ang oras, nung nakaraan lang parang kauumpisa palang ng school, ngayon halos nasa kalagit naan na,

*Toot toot*

napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito,

"goodmorning! kain ka na :)"

si aaron, ewan ko, pero para nanaman akong tangang kinikilig dito, haist halos dalawang linggo narin kaming nag kikita at nag kaka text, ang sarap nya kasing kausap, at iba yung nararamdaman ko kapag nandyan sya,

"goodmorning din, tapos na po hehe! ikaw kain ka na rin"

sabi ko sabay kuha ng bag at labas na ng bahay,

lunes ngayon at pahinga muna kami sa practice since malapit na exam, kaya focus daw muna sa study,

"PSST POGI!"

napalingon naman ako sa sumitsit,

"naks pogi raw sya lumingon eh haha"

napangiti nalang ako ng makita ko si polo, loyd at jayson. na nag lalakad sa likuran ko, mukang papasok na sila,

"psh haha! aning!" sabi ko at inantay sila,

"oh! hindi ka sumabay sa service nyo?"

tanong ko kay loyd, hindi naman kasi namin ka schoolmate si loyd, ewan kung bakit kasabay nila polo ito,

umakbay sya saakin at napatingin ako kay jayson, pero umiwas lang sya ng tingin,

"haha maaga pa naman e, tsaaka ang baduy ng mga kasama ko dun sa school service nayun no!"

sabi nya, private school kasi pinag aaralan ni loyd kaya may school service.

"sus. sabihin mo lang ayaw mong makita yung ex mong pinag palit ka sa seatmate mo"

kantsaw ni polo, nag tawanan naman kami,

"hoy hoy! fyi, EX SEATMATE dahil sa likod na ako nakaupo HAHAHA"

tawa pa nya, nag tawanan nalang kami habang palabas ng subdivision,

"ah eh! jayson! ano na? tahimik ah? lumalovelife?"

sabi ko, nakita kong nagulat si jayson ng tawagin ko sya, pero nginitian ko lang sya,

nakipag titigan lang sya sa mata kona para bang may gusto syang sabihin,

ng biglang naalala ko ang mga sinabi ni jayson nung huling punta nya sa bahay,

"ayusin natin to jerome! hindi ako sanay na ganito tayo! miss na miss na kita! sobra!"

nabalik naman ako sa ulirat ko ng makita kong ngumiti si jayson saakin,

hindi ko alam pero napangiti rin ako sa ngiti nyang yun! gusto ko syang yakapin dahil para bang naramdaman kong masaya talaga sya, para bang namiss ko yung ngiti nyang yun!

"wala nga e! pangit yata ako haha!"

ang sarap pakinggan ng tawa ni jayson, hindi ko alam pero para syang musika na masarap sa tenga,

Secretly Bloomed (SPG)[M2M]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon