part thirty: Promises

964 19 0
                                    

"Promise!"
----------------------

mag na-nine na ng maisipan naming umuwi na,  nilakad ulit namin ang mahabang park pero ramdam ko na ang bigat ng katawan at sakit ng paa ko,

"ayos kalang ba?"

tanong ni jayson

tumango lang ako at nginitian si jayson,
umiling naman sya at umupo sa harapan ko

"a-anong ginagawa mo dyan?"

taka kong tanong,
humarap sya at ngumiti,

"pumasan ka "
masayang sabi nito

pinilit ko naman syang tumayo dahil di ako sanay at baka mahulog lang ako o matumba pa kaming pareho pero kinuha nya ang dalawang braso ko at iniakbay sa dalawang balikat nya at tsaka ako binuhat ng papasan. 

napaayos nalang ako ng sakay sa likod nya at napakapit ng mahigpit.

binaybay namin ang kahabaan ng park,
ipinikit ko ang mga mata ko at saka isinandal ang ulo ko sa ulo ni jayson

sana ganito lagi,  walang takot, payapa lang kung saan nagagawa mo lahat ng gusto mo,

"mmmm jerome?"

"hmmmm?"
sagot ko ng hindi dumidilat

"ah. wala....."

sabi nito na para bang may sasabihin na hindi nalang tinuloy,

hindi ko na ininda yun at nanahimik nalang ,

"hmmmm" 

rinig kong dugtong pa nya, pero nakapikit parin ako, nagaantay sa susunod nyang sasabihin

"pangako jerome mamahalin kita kahit anong mangyari"

hindi ko alam pero nag echo yon sa pandinig ko, paulit ulit sa utak ko,

na para bang walang dahilan upang pagdudahan ang mga salitang Pangako na alam naman natin ay madalas na Mapako,

iminulat ko ang mga mata ko

"jayson"

"ipangako mo na mamahalin mo din ako kahit anong mangyari ha"

sa puntong ito alam kong may laman ang bawat salitang yun, pero hindi ko lubusang maisip kung ano ba iyon

"o-oo jayson, mamahalin kita"
tanging sagot ko nalang,

nakauwi kami ng walang imikan, para bang nakikiramdam sa isat isa,  ayokong magtanong pero may parte sa katawan ko na para bang naguudyok na karapatan kong malaman kung ano man yung bagay na gumugulo sa isipan ko,

nag lalakad kami papasok ng subdivision
tahimik kami at walang kibo

napansin ko ang pag buntong hininga ni jayson,  kasunod nito ang pag hawak niya sa kamay ko.

dahan dahan nyang sinakop ng palad nya ang palad ko,
at marahang hinigpitan

napatingin ako sakanya na sya namang nakatingin rin saakin,  marahan syang ngumiti.

dito ako naglakas loob magsalita

"ma-may problema ba? bakit kanina kapa tahimik?"

napatungo sya at mas lalong hinigpitan ang pag hawak sa kamay ko.

"wa-wala naman.  tapos na kasi yung oras na malaya tayo haha"

pilit nitong tawa

"bakit, hindi ba mauulit?"

dito napahinto si jayson sa pag lalakad,
sigundo ang lumipas ng marahan syang tumingin saakin,  walang emotion na para bang alam ko na ang nga kasunod.

pero hinalikan nya ang kamay ko at ngumiti

"Mauulit syempre, Hindi naman ako papayag na ito na ang unat huli, "

masigla nitong  sabi napangiti ako sa narinig ko kayat hinalikan ko rin ang kamay nya. 

unang madadaanan ang bahay nila jayson
kayat inaya nya muna akong pumasok sa loob ng bahay nila.

"si tita kamusta?"

tanong ko habang abala sa pag kalikot sa mga gamit nya sa loob ng kwarto nya.

"okay naman, bukas uwi nun, may pinuntahan kasi"

sabi nito na abalang nag hahanap ng kung ano sa mga drawers nya.

"haist"

napatingin nalang ako ng mapansin kong naiinis sya.

"ano ba yung hinahanap mo?"

sabi ko sabay higa sa kama nya. medyo nakakapagof din kasi ang byahe halos 2hours din nakaupo.

"basta wait kalang. "

sabi nito na hindi lumilingon saakin.
napabangon naman ako ng may naramdaman akong nahigaan ko.

nakita ko naman ang isang singsing , promise ring ata.

"kamusta na kaya si polo at loyd?"
tanong ko habang pinag mamasdan yung singsing sa kamay ko

"haist Asan na ba kasi"

humarap si jayson saakin at agad tumakbo, hindi ko alam kung anong irereak ko ng biglang hablutin ni jayson yung sing sing na hawak ko.

tiningnan ko sya na bakas sa muka ko ang gulat.

At duon nya lang na realize na parang naging harsh sya sapag hablot nito.

Huminga ito ng malalim at saka lumapit.
Nanatili lang akonv nakatingin sakanya, nag tataka kung anong meron sa sing sinv na yu .

Marahan syang lumuhod sa harapan ko at tsaka sinabi ang mga salitang,

"haist, pangako ko na ikaw lang ang mamahalin ko. Kahit anong mangyari"

At kinuha ang kamay ko at isunuot sa daliri ko.

Hindi ko alam kung anong irereact ko, nagulat nalang ako ng biglang naglupasay si jayson sa sahig.

" AHHHHHHHH BWISIT NAMAN EEEEEEE.  Haist. Hindi na tuloy surprise. "

Sabi nito habang nag papapadjak sa sahig 

Natawa nalang ako sa nakita ko,
Bumangon si jayson ay humarap ulit saakin.

Kita sa muka na talagang inis na inis sya.
Kaya naman ng makita nya kkng napangiti, napa hilamos nalang sya.

"Panira naman, surprise dapat yan eh.  Tsk tsk "

Sabi nito . 

Nginitian ko nalang sya at tsaka hinalikan sa labi.

"Salamat jayson"

Sabi ko ng matapos ko syang halikan.

Nkatitig lang sya sakin ng seryoso na para bang gulat na gulat,

"Jayson?"

Tawag ko pero nanatili syang naka titig sakin.

Naramdaman ko nalang sa bandng binti ko na parang may gumalaw na matigas kayat napatingin ako dito.

At dito biglang napatayo si jayson

"Shit!"

Mas lalo syang mamula ng tumapat sa muka ko ang nakatayong alaga nya .

"Fuck shit!"

Gulat na sabi nito sabay takip dito ng dalawa nyang kamay at tumakbo papasok ng cr nito. 

Habang ako patuloy parin nagiisip kung anong irereact ko. ...

Secretly Bloomed (SPG)[M2M]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon