Part Twentynine: The Date

1.1K 25 0
                                    

"eto na ang pinaka masayang araw sa buhay ko bukod ng ipinanganak ako dito"

-jayson

----------------------------------

sabi nila mas importante kung saan.ka masaya, bakit ka nga ba mag titiis sa isang bagay na alam mong malungkot ka?

kahit anong sabihin ng ibang tao, basta masaya ka ipaglaban mo,

kaya panginoon, tulungan nyo po akong maging matapang, alam ko pong mali kung ipagpapatuloy ko ang kung ano man ang pwedeng maging relasyon namin ni jayson,  pero hindi naman po siguro mali ang nararamdaman ko? kahit kaylan naman siguro ay hindi naging mali ang mag mahal,  si jayson ? itong lalaking katabi ko, na humaharap sainyo ngayon at nakikipagusap, sya po yung taong mahalaga sa akin, yung taong nakakapag pasaya sakin, na kahit na iwasan ko ang sarili ko, patuloy parin ang pag tibok ng puso ko para sakanya,

kung mali man po ito,  ipakita nyo po saakin kung gaano kamali ang pagmamahal na ito

"anong pinagdasal mo?"

napalingon ako kay jayson na masayang naka ngiti,

"secret "  sabi ko sabay kindat

"ako, hindi ako humiling, hindi rin ako humingi,  humingi ako ng kapatawaran at nag pasalamat, nagpasalamat dahil kasama ko yung taong nagpapasaya sakin"

mahabang wika nito sabay tingin sa kamay namin,

duon ko napansin na magkahawak pala kami ng kamay

nandito kami sa isang sikat na simbahan, dito sa quiapo  ito ang pinaka una kong punta dito, medyo malayo pero mukang sulit naman kung magpapakasaya ka,

"tara?"

napatingin ako kay jayson na ngayon ay nakatayo na, hindi pa tapos ang misa at hinila na nya ko,

napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang kamay naming dalawa na magkahawak,

dito yung perfect na lugar kung saan pwede kong ipakita ang pagmamahal ko kay jayson,  pinagmasdan ko ang nga taong nakapaligid saamin, wala silang pakialam may mga babae na may mga kasamang babae, may mga lalaki rin na kasama ang boyfriend nila,  ito na siguro ang sign upang iparamdam ko ang pagmamahal ko kay jayson,

hinigpitan ko ang hawak ng kamay ko sa kamay ni jayson, at saka tumakbo palabas,

kahit siksikan nanatiling magkahawak ang kamay namin,  at alam ko na masaya si jayson dito,

"saan tayo pupunta?"

tanong ko kay jayson pero wala syang sinabi at ngumiti lang,

"kain muna tayo "

hinigpitan ni jayson ang paghawak sakamay ko at naglakad, pumasok kami sa parang comercial building na katabi lang ng church,

pagpasok mo may escalator umakyat kami at dumiretso sa isang fast food chain,

"dali, anong gusto mo?  masarap yung spagetti nila dito lalo na chiken hehe "

napangiti nalang ako sa tinuran ni jayson,  muka kasi syang bata na excited sa spagetti at chiken

"talaga? haha. muka ngang masarap, always ka yata rito haha"

biro ko. napayuko naman sya , at mas lalo akong natawa,

"hi-hindi naman, me-medyo lang hehe"

nginitian ko nalang sya dahil alam kong nahihiya sya sa pagka childish nya,

pumili lang kami ng pag kain then ako na nag hanap ng lamesa, habang nag hahanap may naka bangga akong isang malaking tao, medyo malaki yung katawan nya at halatang nag gygym, medyo hapit rin ang damit nya na halos bumabakat na ang mga muscle nito, inangat ko ang ulo ko at nakita kong seryosong naka tingin saakin si kuya kaya naman ay humingi agad ako ng dispensa at nginitian sya,  pero ganun parin ang titig nya kaya naman ay umalis na ako,

Secretly Bloomed (SPG)[M2M]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon