CHAPTER FOUR

5.9K 145 3
                                    


"NABILI ko na lahat ng kailangan ko. Ikaw pa lang yata ang hindi pa tapos," ani Xynthia sa kanya.

Napatingin siya rito. Naroon na sila sa bayan upang mamili. At katulad nga ng sinabi nito, mas nauna pa itong matapos ng pamimili keysa sa kanya. He admired her style... no pretensions. Walang kaarte-arte sa katawan.

She's got it all.

"I'm sorry, naghahanap pa 'ko ng compatible na battery sa gamit ko."

Nang tumango ito ay itinuloy na niya ang pagpasok sa isang maliit na tindahan na naroon. Nagpasalamat siya nang may makita siyang pwedeng gamitin. Bumili na siya ng lima. Matapos magbayad ay napangiti siya nang makitang nakasandal pa rin sa pintuan si Xynthia. Akala niya ay nauna na ito sa kotse. He suddenly felt a thud in his chest when she looked at him. There she was looking at what he bought. Her face was serious but still cheerful.

Inakbayan niya ito. "Let's go."

Naramdaman pa niya ang bahagyang pag-igtad nito. Behind her rocking personality... she was a lady--- a lady virgin. He could tell.

What am I thinking? I'm starting to get nuts.

Yeah, he was starting to get nuts. When he was in Australia, he got every hot girl in town. He didn't have to plead because they came rushing to be with him in bed. At ngayong nandito na siya sa Pilipinas--- sa sulok na bahagi ng bansa--- mukhang matatagalan pa bago siya makapag-enjoy sa kama.

And he could not fantasize about Xynthia, for Pete's sake. She was his partner. He knew she wasn't like any other girl.

"Denver?!"

"Ha?"

"Are you even listening?"

Napakurap siya. "What was that?"

Napabuntong-hininga ito saka inilibot ang mata sa paligid. She then gave him a rock-the-world smile.

"Stay calm. And act natural. Kanina ka pa wala sa sarili mo, darling..." anito.

Napangiti siya. It sounded... sexy.

Darling...

Sumandal ito sa kanya. "Sa palagay ko ay nandito si Tomas sa bayan. Three o'clock..."

Napalis ang ngiti niya. Kunwari ay tumango siya. Pasimple niyang iginiya ang babae at dahan-dahang lumingon. He automatically recognized Tomas Serago. He was in his simple dress. Naroon ito sa isang bangketa at mukhang namimili ng mga manok. Sino ba namang mag-aakala na bigtime ang lalaking ito?

Ibinalik niya ang tingin sa babae. "Maghintay tayo sa labas. Let's have some dirty ice cream..."

Nakangiti itong tumango. Pagdating nila sa kabilang kalsada ay agad silang bumili ng ice cream ng babae. Sa mga pag-uusap nila ay kinakabitan nila iyon ng tawa. He didn't have a hard time, he enjoyed laughing with her. Ilang sandali pa ay nakita niya mula sa peripheral vision niya si Tomas. Dala nito ang isang manok na nasa loob ng kahon. Isinakay nito iyon sa owner-type jeep nito.

"We have to move. Come..."

Lumapit sila sa namamasada ng motor at sinabing magpapahatid sila. Parehong daan lang naman ang tatahakin nila kaya hindi sila mahihirapang sundan ang lalaki.

Saktong umandar na ang jeep nito ay nakasakay na rin sila sa motor. Nang nasa daan na sila patungo sa kanila ay hindi naman ganoon kalayo ang distansiya ni Tomas sa kanila. Doon niya napagtuonan ng pansin si Xynthia na nasa likod niya. At nasa likod naman siya ng driver. He could feel her breasts rubbing against his back. Hindi naman kasi iyon maiiwasan lalo na at maliit lang ang sinasakyan nilang motorsiklo.

Xynthia's Mission To Love (Raw/Unedited Version) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon