NAPATINGIN si Xynthia sa orasan na nasa dingding ng kuwarto. Alas sais na ng umaga. Marahan siyang bumangon at inayos ang sarili. Dumungaw siya sa bintana nang makarinig ng ingay sa harap ng bahay.
Nakita niya ang topless na si Denver habang nagsisibak ng kahoy. Napakurap siya. Naggagalawan ang mga muscles nito sa bawat pagbuhat nito ng palakol. At ang sikmura nito kung saan namamahay ang abs nito...
Napaigtad pa siya nang huminto ito sa ginagawa at tumingin sa kanya. Marahil ay naramdaman nitong may nakatitig dito. He boyishly smiled at her. Bigla tuloy nag-init ang pisngi niya. Hindi na siya naghintay na tuksuhin siya nito. Tumalikod na siya sa bintana at nagtungo sa kusina. Magluluto na siya ng agahan.
Napabuntong-hininga siya nang maalala ang paghihirap niyang makatulog kagabi. Ilang karnero na yata ang nabilang niya ngunit nahirapan pa rin siyang makatulog. Dahil sa kasama niyang lalaki. Hindi siya sanay doon.
"Heto pa, gamitin mo."
Nahigit niya ang hininga nang maramdaman ang lalaki sa gilid niya. Inilapag nito ang dalang sibak na kahoy sa ilalim ng lutuan nila.
"Thanks."
Nanuot sa ilong niya ang natural na bango ng binata. Kahit pinagpapawisan ito ay masarap pa rin sa ilong ang samyo nito.
"May nakausap akong matanda kanina."
Napatingin siya rito. "Ha? Saan?"
"Iyong nagtitinda ng kahoy. Bumili ako do'n. Nagtatanong kung saan tayo galing, sinabi ko na sa Mindanao lang. Bagong kasal at dito na maninirahan," anang binata.
"Then? Sa tingin mo ba ay naniwala?"
Nagkibit ito ng balikat. "I think so. Wala namang imposible sa sinabi ko. Mukha naman talaga tayong bagong mag-asawa."
Nagbawi siya ng tingin sa lalaki at hinarap na ang mga lulutuin niya. Para kasing pinaliguan ng sandamakmak na sili ang pisngi niya.
Ito na ang gumawa ng apoy habang inaayos niya ang bigas. She was uneasy. Nahihirapan siyang kumilos lalo na at bago pa lamang niyang nakasama ang binata. Pero hindi niya iyon dapat na isipin pa. Mas mabuti pa na madaliin na nila ang trabaho upang makauwi na sila.
Nang makakain na sila ay wala silang imikan. Damn, it was killing her. Hindi siya sanay sa ganoon. Pero hindi rin naman siya makapagsalita dahil parang may bara sa lalamunan niya.
"Xynthia, akala ko ba sanay ka na sa trabahong 'to?"
Mula sa pinggan niya ay nag-angat siya ng tingin sa kaharap. "What?"
"You're uncomfortable. I thought you're used to this kind of work. You don't have to be uneasy. Ngayon pa lang, tanggapin mo na na kasama mo 'ko. We're partners on this. Hindi na natin pwede pang lagyan ng space ang pagkailang sa isa't isa. Treat me like you've known me for years, how about that?"
Hindi niya napigilan ang pag-ismid. "I know that. Iniisip ko lang naman ang gagawin natin para sa trabahong 'to. Don't think I'm uncomfortable with this. Trabaho lang naman 'to." Neknek mo, Xynthia!
Tumango ito sa kanya saka uminom ng tubig na nasa tabi ng pinggan nito. "Right. This is work and nothing personal."
"Right," aniya at ipinagpatuloy na ang pagkain.
"Mamaya ay itse-check ko ang email ko kung may naipadala na na info ang kasama ko tungkol kay Tomas Serago. Naka-block ang lahat ng info ng mga miyembero ng Goblin dito sa Pilipinas kaya nahihirapan makakuha ng larawan sina Lei."
BINABASA MO ANG
Xynthia's Mission To Love (Raw/Unedited Version) (COMPLETED)
Storie d'amore(This story contains suggestive language, with 'little' sexual dialogue/situations) *'Little' kasi I'm not sure, matagal na 'to. Pero basta malalaki na kayo, haha jk* May bagong misyon si Xynthia bilang agent sa isang private agency at may makakasa...