CHAPTER TWO

7.1K 148 3
                                    


"SIGURADO ka bang darating ngayon ang pinsan mo, Lei?"

"Relax ka lang, Xynth. Darating na 'yon, baka na-traffic lang."

Napahalukipkip siya sa kinauupuan. Alas otso y medya pa lamang ng umaga ay naroon na siya sa opisina ng boss niya. Ngayon ay malapit ng mag-alas diyes ngunit wala pa rin ang hinihintay nila.

Hindi pa man sila nagkikita ay may namumuo ng disgusto sa isipan niya. Pinakaayaw niya sa lahat ay iyong nali-late sa usapan.

"He's not a late-comer, I can assure you that."

Napatingin siya sa kanyang boss na noon ay nakaupo sa upuan nito habang may binabasang mga papeles.

Hindi na siya tumugon at bumalik na lamang sa dating posisyon. Sabay silang napatingin ni Lei nang bumukas ang pintuan ng opisina nito.

Hindi agad siya nakahuma nang masilayan ang matangkad na lalaki na animo Hollywood actor sa sobrang guwapo. He was tall, muscular and handsome. Mula sa malagong kilay na bagay dito at sa matangos nitong ilong--- it was perfect. Mamula-mula rin ang kulay nito. Nang tumingin ito sa kanya ay wala sa sariling napalunok siya, he had those brown-soulful eyes.

"Den, akala ko hindi ka na darating!"

Napatingin siya kay Lei. Ito na ba iyong sinasabi nitong pinsan nito? Bakit ang guwapo-guwapo naman yata?

Nang dumaan pa ito sa harap niya ay ibig niyang mapapikit dahil sa ang bango nito. Nasundan niya ito ng tingin. Hindi niya mapigilan ang magbaba ng tingin. Sinuri niya ang kabuuan nito.

This guy is perfect...

"Sorry, Lei. Isinama pa 'ko ni mama sa pinuntahan niya. The grocery thing."

Kahit ang boses ng binata ay napaka-perpektong pakinggan. Sinaway niya ang sarili. Ano ba ang nangyayari sa kanya at ganoon na lamang siya kung makahanga sa lalaki?

Narinig niya ang pagtawa ng kanyang boss.

"Oh, Den, meet Xynthia."

Napatingin siya kay Lei. Na-conscious pa siya bigla nang bumaling sa kanya ang tingin ng pinsan nito.

"Xynthia, ito na ang pinsan ko. Denver."

"Hi," nakangiting bati nito sa kanya at iniabot ang kamay nito.

"Hi," aniya at inabot ang kamay nito.

Nanulay ang kuryente sa braso niya nang magdaop ang palad nila ng binata. Mabuti na lamang at agad din nito iyong pinakawalan.

"She will be your partner."

Tumango ang lalaki kay Lei.

"Maupo na kayo. Let's talk about this already," ani Lei sa kanila.

Magkaharap na naupo na sila ng binata sa harap ng mesa nito. She breathed in. Mukhang nate-tense na naman siya.

And it was so absurd. Hindi naman niya iyon dapat na maramdaman. This man was handsome as the sunny weather and she didn't have to care.

"May info akong natanggap. May right hand si Diosdado na nasa Sitio Balod. That's a small barangay in Batanes. Pinsan niya. Si Tomas Serago."

"So, where's Diosdado?" tanong ng binata sa kaharap nila.

"That's for you to find out. Matinik magtago ang isang 'yon. Si Tomas lamang ang kumikilos para sa kanya. At kailangan natin ng mas matinding ebidensiya. Manmanan ninyo si Tomas, kapag may nalaman na kayo, for sure you'll get Diosdado, too.

Xynthia's Mission To Love (Raw/Unedited Version) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon