"LEI, aatakehin na ako sa puso dito! Nasa'n na si Denver? Gusto ko na siyang makita? Please, kung hindi pa kayo darating ay ako na mag-isa ang aalis dito," nanginginig ang boses na wika niya kay Lei na kausap niya sa telepono.
"Xynthia, relax ka lang. Denver's fine. Ipapasundo kita kina Boyet d'yan. Please, wait."
Napabuntong-hininga siya at nagpaalam na sa lalaki. Halos dalawang oras na ang lumipas mula nang umalis si Denver at sinundan si Tomas. Halos mahimatay na siya sa kaba dahil sa pag-aalala sa binata.
Sinabi sa kanya ni Lei na nahuli na ng mga ito si Tomas. Pupuntahan na rin ng mga ito si Diosdado na nasa Magtanghay lang din pala. Si Tomas mismo ang nagbunyag kung nasaan ang pinsan nito dahil sa paghehestirya sa pagkakahuli nito. Naka-wheel chair na ang matanda dahil na-stroke pala ito. Nasa Batanes din ang warehouse ng mga ito at agad na dinakip ang mga miyembrong todo-trabaho sa ginagawa ng mga itong virus na ilo-launch sana ng mga ito. She sighed. She was happy about it. Pero mas mapapanatag ang loob niya kapag nakita na niya si Denver at masigurong ayos lang ito.
Kung siya ang masusunod, aalis na siya ngayon din. Pero ang sabi nga ng kanyang butihing boss ay maghintay na lang muna siya doon at susunduin na lang siya.
Nagpalakad-lakad na naman siya sa loob ng bahay. Hindi siya mapakali. Pakiramdam niya, ang sama-sama niya para hayaan ang binata na sumulong doon mag-isa. But what could she do? Ayaw naman nitong isama siya. Kaya ngayon, siya naman ang halos hindi na makahinga sa pag-aalala rito nang umalis ito.
Napalingon siya sa labas nang marinig ang tunog ng sasakyan. Nagmamadaling lumabas siya ng bahay. Baka ito na iyong sinabi ni Lei na magsusundo sa kanya.
Ngunit napigil ang paglalakad niya nang makitang lumabas mula sa sasakyan si Denver. Ang nasa driver's seat ay si Aik. Nag-init ang sulok ng mga mata niya nang magkatitigan sila ng binata. Hindi na siya nagdalawang-isip, tinakbo na niya ang pagitan nila at itinapon ang sarili rito.
"Aww... dahan-dahan, sweetheart."
Napatingin siya sa binata at nanlaki ang mga mata nang makita ang braso nitong may dugo na nababalutan ng tela.
"Anong nangyari rito?" nag-aalalang tanong niya.
"Don't worry, daplis lang 'yan. Malayo sa bituka," nakangiting wika sa kanya ng binata.
Napabuntong-hininga siya. "Nakakainis ka, kita mo ngayon. May sugat ka. Ewan ko sa 'yo."
Bahagyang natawa ang binata sa sinabi niya. "Yakapin mo na lang ako, then I'll be fine."
Nakangiting inismiran niya ito saka dahan-dahan itong niyakap. She closed her eyes and feel him. Mabuti na lang at walang masamang nangyari rito maliban na lang sa sugat na natamo nito.
Dahan-dahan siyang kumawala rito.
"Kiss din."
Napangiti siya sa sinabi ng binata. Para na siyang matutunaw sa ginagawa nila. Mabilis niya itong hinalikan sa labi.
"Kailangan mong magpunta sa ospital. Sasamahan na kita," aniya rito.
"Oh no, I am fine, really. Ginamot na 'to kanina, daplis lang naman 'to," wika nito.
Aangal pa sana siya siya ngunit hindi niya iyon nasabi nang halikan na siya ng binata. Napapikit na lamang siya. She happened to forget everything whenever he kissed her. Ganoon ang epekto ng binata sa kanya. And she had no plan of getting rid of it. Ini-enjoy niya iyon.
BINABASA MO ANG
Xynthia's Mission To Love (Raw/Unedited Version) (COMPLETED)
Romance(This story contains suggestive language, with 'little' sexual dialogue/situations) *'Little' kasi I'm not sure, matagal na 'to. Pero basta malalaki na kayo, haha jk* May bagong misyon si Xynthia bilang agent sa isang private agency at may makakasa...