HELMETS AND HIGHWAYS
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
I woke up feeling so light and happy. Nakangiti akong natulog at nakangiti rin akong nagising at ang sarap rin ng tulog ko.
If my mom was here with me, sigurado akong pagsasabihan niya akong nababaliw na ata ako dahil sa kinikilos ko. Well, good vibes lang talaga.
I checked the time and it's almost nine in the morning, medyo late na pala ako nagising.
"Siguro kumain na si Yeye," I mumbled.
My brow furrowed after I realized what I said, ang aga-aga pero si Mika na agad ang naisip ko. I rolled on my bed and groaned, "What's happening to me?"
Bago pa ako tuluyang mabaliw, bumangon na ako para maligo. May gusto akong puntahan na lugar na dapat ay pinuntahan ko agad pagdating ko kaso, Mika happened.
After kong maligo at nagbihis, white v-neck shirt sa loob ng blue-checkered flannel and denim shorts, agad na akong lumabas ng kwarto at bumaba.
Napansin ko si Mika nang makita ko siya sa may bench sa labas ng kwarto niya, may hawak na libro. Ayaw niya kasi talagang nakatambay lang sa loob ng kwarto dahil pakiramdam niya ay nasu-suffocate siya.
"Good morning, Ye," bati ko.
Napatingala siya mula sa binabasa niya, napatingin sa akin at agad na ngumiti. And poof! There goes that annoying and ticklish feeling in my tummy again.
Gutom na naman ba ako?
"Good morning, din," she greeted back, she gave me a once-over, "Aalis ka ba?"
I nodded, "Yep, may pupuntahan lang ako sandali. Ikaw, wala ka bang pupuntahan today?"
She pondered for a bit, "Wala naman. Bakit?"
I grinned.
"Hintayin mo ako dito, babalik agad ako," I said before waving goodbye.
- - -
After eating sandwiches as my breakfast, at nakuha ko na ang pakay ko, bumalik na agad ako sa hotel dahil alam kong hinihintay na ako ni Mika.
Wala siya sa bench kung saan ko siya nakita kanina kaya dumiretso na ako sa kwarto niya.
"Mika, are you there?" sabi ko habang kumakatok sa pinto ng kwarto niya.
"Yes," she answered from inside, "Wait lang."
I heard faint noises inside bago bumukas ang pinto, I instantly grinned at her at ipinakita ang hawak-hawak kong helmet.
Kinuha niya ang helmet na hawak ko, "Ano 'to?"
I playfully rolled my eyes, "Uhh, helmet po."
"Salamat sa pagpipilosopo," Mika handed me the helmet again, "Makakaalis ka na."
"Sungit naman nito," I giggled, "Gagamitin mo 'to dahil aalis tayo."
"Tayo?" she repeated, I smiled inwardly.
Ang sarap naman pakinggan nun, I thought.
Wait, what?
"Oo na," I said, "Magbihis ka na, wear something comfortable, sa labas na ako maghihintay."
Tumango lang siya bago isara ang pinto, bumalik naman ako sa labas ng hotel para hintayin siya. After a few minutes, dumating na siya, wearing a simple green v-neck shirt and denim shorts.