FREEDOM AND FEELINGS
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
After I asked her kung sasama ba siya and she said yes, bumalik ako sa kwarto ko para magbihis ng panlakad at ayusin ang mga kailangang dalhin.
My small sling bag which contains my personal belongings, and then my DSLR camera, of course.
Binalikan ko si Mika sa kwarto niya, bago pa ako tuluyang makababa, naghihintay na siya sa labas ng pinto.
"Let's go?" I cocked my head to the left.
Sabay kaming lumabas at naghintay ulit ng jeep na masasakyan. This time hindi ko mahahawakan ang kamay niya sa pagtawid kasi nasa tamang hintayan naman kami.
Sayang naman.
"Saan tayo pupunta, Ly?" Mika asked me while I was looking out for the passing jeepneys.
Sasagot na sana ako nang may humintong jeep sa harap namin. Its sign says Pasonanca, just the right jeep for us kaya hinila ko ang kamay ni Mika para makasakay agad kami.
I smiled inwardly when her hand was holding mine kahit mabilis lang.
Nang makaupo na kami, I turned to her and answered her question, "Climaco Freedom Park."
Mika nodded but I was sure she has no idea about it.
"You're sitting sa right side of the plane di'ba?" I asked, she nodded despite being confused.
"Nakita mo ba 'yung bundok habang pa-landing na 'yung plane natin sa airport?" I continued, and she nodded again, "Well, doon tayo pupunta. Not the mountain exactly, but somewhere up there."
Mika smiled, and I was delighted because she trusts me. Sa panahon ngayon, mahirap makakuha ng tiwala, but Mika gave it to me.
Although kagabi pa kami nag-uusap at magkasama, our personal information were limited to each other.
Hindi ko alam kung ano'ng apelyido niya dahil hindi naman niya sinabi, hindi niya rin naman tinanong kung ano ang apelyido ko, kaya hinayaan ko na lang – we're just Alyssa and Mika, tourists from Manila.
Wow, that rhymes.
Medyo malayo ang nilakbay ng sinasakyan naming jeep, at paakyat ang daan kasi nga papunta kami sa bundok, sa Sitio Abong-Abong.
Nung nasa dulo na kami ng Pasonanca route, pumara na ako at inaya nang bumaba si Mika.
"Medyo malayo pala," Mika said, "Bakit ito ang una nating pinuntahan?"
"Uunahin natin 'yung malayo for a change," I grinned.
Pero sa totoo lang, there's a personal reason kung bakit dito ko unang pumunta sa unang araw ng pag-e-explore ko sa Zamboanga.
"Baka naman kidnapper ka tapos dadalhin mo 'ko sa bundok?" she raised an eyebrow.
I eyed her from head to toe, "Pwede na rin naman, tapos ibebenta ko mga laman-loob mo."
Her face grimaced, "Kadiri ka!"
Natawa naman ako at napailing, binuksan ang sling bag ko at nilabas ang driver's license at national ID ko.
"Here," binigay ko ang IDs ko sa kanya, "Text someone na if something bad happens to you, ako ang hahanapin."
Napatingin siya sa IDs ko bago niya kinuha, at talagang may tinext siya sa phone niya.