HISTORIC AND HONORED
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
It's almost two in the afternoon when we got back to the hotel.
Tinulungan ko siyang dalhin ang mga bags na bitbit niya hanggang sa kwarto niya, she was obviously exhausted pero she looked happy – so I'm happy.
"Ibabalik mo na ba ang scooter sa pinagrentahan mo?" tanong niya sa'kin nung papalabas na ako ng kwarto niya.
"Nope," I grinned, "Dahil hindi pa tayo tapos. Magpahinga ka muna, babalik ako mamayang three-thirty siguro."
Tumango naman siya at agad na pumayag, which made me happy as well.
Umakyat na ako sa kwarto ko para makapagpahinga na rin. Napagod ako sa pagmamaneho pero nawawala ang pagod ko kapag nakita ko nang masaya si Mika.
Ang corny.
I chuckled at the thought. Nababaliw na nga talaga ata ako. Binagsak ko ang katawan ko sa kama at napailing, I closed my eyes pero hindi mapigilan ng mga labi ko ang ngumiti.
Damn.
Susubukan ko sanang umidlip pero hindi ko magawa. Napaka-active ng utak ko, thinking about what to do later kapag umalis kami ulit ni Mika. Gaaaahd.
Wala na akong magawa kundi to stay awake, kinuha ko na lang ang phone ko and started to call someone – one my best friends.
[ Calling Ara Galang... ]
'Hoy, Baldo! Buhay ka pa pala!?'
"Ülol, of course, buhay pa ako!"
'Sabagay, matagal nga naman mamatay ang masamang damo.'
"Wala ka talagang matatanggap na pasalubong sa'kin, Victonara."
'Huy, joke lang! Hindi ka naman mabiro, Aly baby. Mua mua.'
"Yuck, kadiri ka."
'Hahahaha! Ba't napatawag ka? Wala ka na bang pera? Magkano ba ang kailangan mo?'
"Bakit may pera ka ba?"
'Wala rin eh. Mangutang na lang tayo kay Ella.'
"Baliw ka talaga. Pinagtitripan mo na naman 'yun."
'Ganun talaga, pero 'di nga, bakit ka napatawag?'
". . ."
'Hello? Andyan ka pa ba?'
". . . . ."
'Buntis ka ba?'
"Gagü!"
'Hindi ka kasi sumasagot, baliw. Ano nga kasi? Ano'ng problema?'
"Nababaliw na ako, Ara."
'Ngayon mo lang narealize yan?'
"Eiih, umayos ka kasi. Kay Kim ko ibibigay lahat ng pasalubong mo!"
'No way! Oh sige na, seryoso. Ano ba ang ibig mong sabihin?'
"Kasi...uhm...I met this girl.."
'Maganda ba? Sexy? Hot?'
"Eh kung hatawin kita ng dos por dos pag-uwi ko dyan?"
'Eto naman, masyadong high blood. Anuna?'
"Feeling ko may gusto na ako sa kanya."
'Ano namang nakakabaliw dun? Normal lang naman magka crush ah.'