Chapter One: First Day of School

47 1 0
                                    


*kring* *kring* *kring*

"Hello" - sino ba to at ang aga kung maka tawag.

"Hoi Asami, baka nakakalimutan mo first day of school ngayun. Gusto mo bang first day palang mapahiya kana kasi late ka...?"

Napaupo ako bigla, oo nga no.. Hayyys ba't ko ba nakalimutan. Nag thank you ako sa kanya at ibinaba ko na ang phone. Nagmadali akong naligo at nag ready na rin papuntang school syempre diko pweding kalimutan ang Camera ko.

"Asami kumain ka muna may 20 minutes ka pa naman"

sigaw ni Mama mula sa kusina. Hayyys plano ko pa namang dun na kumain sa school. Lumapit ako sa kanya at sabay kaming kumain.

"Cge ma alis na ako, Bye" kiness ko sa pisngi si Mama at umalis na ako.

*School*

Nandito na ako sa harapan ng gate ng Caestshire Fortress. Hindi na ako nag-aral ng mga courses na matagal matapos kasi gusto ko lang talaga ng Photography lang. Plano kong umalis ng bansa pag natapos ako para maghanap ng opportunities sa Japan.

Ako nga pala si Asami Reyes, 17 at mag 18 na the day after tomorrow. Sabi ni Mama ipinanganak raw ako sa Japan pero ayaw niyang tumira dun kasi bumabalik raw sa kanya ang nakaraan niya, lalo na nung iniwan kami ni Papa nung ipinagbubuntis palang niya ako.

At yung kausap ko kanina ay si Ran Hara, mas matanda siya sakin ng tatlong buwan. At may isa pa akong best friend si Aya Yamashita, mas matanda naman siya sakin ng tatlong araw. Kaya nga matagal akong nagising ngayon kasi kagabi yung birthday ni Aya at 12 am na kaming nakauwi.

"Asami" tumatakbo palapit sakin sina Ran at Aya. Akala ko ba ayaw nilang ma late eh bakit nauna pa ako sa kanila...tsk

"Oh, bat ngayon lang kayo.?"
"Pinuntahan ka kasi namin sa bahay niyo kaso wala kana dun"

"Ahh di ko naman kasi sinabi na puntahan niyo ako"

"Sabay na tayo" kinaladkad na nila ako, as in kaladkad talaga eh, 5 minutes na lang kasi malelate na kami.

Pagkarating namin sa room nandun na yung anim namin na kaklase. Actually 9 lang kami kasi yung rooms dito ay naka depende sa kung anong focus mo.

Sa school kasi namin, kailangan mo lang mamili ng gusto mong i specialize, like me Photography ang pinili ko. Ewan ko nga sa dalawang kasama ko kung bakit ito rin yung kinuha nila eh di naman sila mahilig sa photography. Sabi naman nila sakin eh gusto raw nilang sama-sama kami.

"Oy, himala hindi na late ngayong taon si China Girl" -Angel, kung ano yung kinaganda ng pangalan, ganun din kapangit ang ugali. They call me that stupid name kasi raw japanese yung pangalan ko pero mukha akong chinese. Does that have sense...? Eh di naman ata mababasihan sa mukha kung anong lahi ka. tsk.

"Bakit di kaba masaya na maaga ako ngayon.?" ngumiti naman ako sa kanya

"Bakit naman ako magiging masaya eh makikita ko na naman yang mukha mo"

"Simply lang naman para di mo makita ang mukha ko, lumipat ka ng Painting at i try mong i paint yang mukha mong pangit pa sa demonyo tignan ko kung di ka mahirapan"

"Sumusobra kana ah" lalapit na sana siya sakin pero hinarang siya nina Aya at Ran.

"Subukan mong lapitan at saktan siya, kami ang makakalaban mo"- sobrang seryoso ng mukha nilang dalawa nakakatakot.

"Huh, nagtatago ka sa likod ng mga babaeng to.? Magtutuos din tayo tandaan mo yan"- tinuro niya ako at sobrang sama ng tingin niya. Umalis na siya sa harap naming tatlo at naupo.

Elemental Princess and the 7 DescendantsWhere stories live. Discover now