Chapter 2: First Sign

15 3 0
                                    

A/N: Sorry po ngayon lang ang update, kasi busy kasi sa School at sa birthday ng pamangkin ko.
Vote & Follow:

_The day of Debut_

7:30 na ako nagising, hapun pa naman pasok namin eh. Ang saya lang ng gising ko kasi kagabi palang iniisip ko na yung pupuntahan namin nila Aya at Ran. Pero kakain raw muna kami sa bahay bago maglakwatsa.

Naligo at nagbihis na ako at tina-try pa yung mga damit na susuotin ko mamaya.

Ti-nry ko naman yung cocktail dress na binili ni Mama para sakin, malungkot ko namang isinukat yun kasi bat naman ako magsusuot ng Dress eh sina Aya, Ran at Hiro lang naman ang bisita ko kasi wala naman akong ibang kaibigan dito eh sila lang.

Napatingin ako sa mata ko, parang may nag-iba. Lumapit pa ako sa salamin at...

"WAAAAAAAHHHHHHH"
"MAMAAAAAAAA"

"Anak anong nangyari.?" nag-aalalang tanong ni Mama,

"Asami anong nangyari.?" nabigla ako ng magsalita si... RAN..? bat ang aga nila rito.?, kung nandito sila kanina pa edi dapat pumasok na sila sa kwarto.

"Anong nangyari..?"

"Yung mata ko, nag-iba yung kulay" takot na takot na sabi ko sa kanila. Bigla kasing naging blue yung kulay nito pero para siyang Oceanic Blue.. Hindi naman ganito mata ko bakit naging ganito.?

"Mama..." nakita ko kasi na wala silang ginagawa at nagtitinginan lang sila.

Umiyak na ako kasi natakot na ako sa nangyayari.

'Asami' nabigla ako sa narinig ko, hindi naman nila binubuksan yung bibig nila bat may tumatawag sakin.

'Asami' umiling-iling nalang ako sa naririnig ko, si Mama kasi yung naririnig ko eh di naman siya nagsalita.

"Asami okay ka lang?" tanong ni Aya sakin.

"May naririnig akong boses sa isip ko, boses ni Mama" tumingin ako kay Mama.

"Anak, ipapaliwanag ko sayo ang mga nangyayaring ito pagkagaling mo sa palawan, sasabihin ko sayo lahat, sa ngayon lagyan muna natin ng Contact lens ang mata mo"

"Ano pong ibig niyong sabihin?  Bakit di niyo nalang sabihin ngayon"

"Anak makinig ka, kailangan mo munang makinig sa lahat ng sasabihin ko, pangako sasabihin ko sayo lahat pag kabalik mo galing palawan"

nakikita ko sa mga mata ni Mama ang pagiging sincere sa mga sinasabi niya. Tumango ako pero di ko talaga maisip na parang alam ni Mama ang nangyayari sakin.

Lumabas na silang tatlo ng kwarto at iniwan akong tulala dahil sa sobrang dami ng iniisip ko.

11:30 na nang lumabas ako ng kwarto. Sabi naman ni Mama ay umalis na sina Ran at Aya. Nag lunch naman na kami ni Mama, tahimik lang ako habang kumakain. Bumalik ako sa kwarto para mag handa na rin papuntang school.

"Ma, alis na po ako" ki-ness ko si Mama at umalis na, ganun parin tahimik, iniisip ko yung maaaring sabihin sakin ni Mama next week.

pagdating ko sa school nakita ko sina Aya at Ran. Hindi ko na sila pinansin kasi iniisip ko talaga yung sasabihin ni Mama sakin. Lumingun naman ako sa kanila.

"Aya, Ran bakit nga pala kayo nandun sa bahay kanina?"

"Ahh... kasi... ano.... ahh, nandun na kami maaga pa para puntahan ka, ok yun nga.. nandun kami bago pa mangyari yun"

"Ahh ganun bah.... sa tingin niyo, ano kayang sasabihin ni Mama sakin next week? , O may alam ba kayo rito?"

"HA?... ah... hindi namin alam yun, wala kaming alam sa sasabihin ni Tita sayo"

Elemental Princess and the 7 DescendantsWhere stories live. Discover now