Chapter 3: Second Sign

25 2 0
                                    

JullipearlOla 🙂 ito na po, thanks sa request. Don't forget to follow and vote. Thanks
---------------------------------------------
_Haru's POV_

Nandito kami ngayon sa bahay ni Tita Harami, at siguro makikita ko ngayon yung sinasabi nilang Asami. All my life di ko pa kasi siya nakita kasi busy ako sa pag poprotekta sa kanila sa pamamagitan ng pag-alam sa mga impormasyon sa Japan.

Sinabi namin sa kanya yung dapat naming sabihin and as expected mabibigla siya, kahit ako nabigla nung nalaman ko ang bagay na yun.

Pinaalis na niya kami kasi baka raw magtaka si Asami pag nakita niya kami, pero tatayo palang kami narinig na naming nagbukas ang pinto.

Pumasok ang isang babae, simply lang siya pero kitang-kita ko sa kanya yung tunay na pagkatao niya, Napaka cold niyang tumingin at nakikita ko sa mukha niyang nagtataka siya kung sino kami.

"Mama, sino si..." napatigil siya at sinundan ko ang tingin niya.

"Hiro Hashimoto?" kilala niya si Hiro?

'Haru, sasabihin ko sayo mamaya'

'You better kung ayaw mong ikaw yung ulamin namin mamaya, gumagalaw pala kayo ng di ko alam'

'Sabi ko nga, hahahah, ang haba kasi ng bakasyon mo, sa sobrang haba eh di mo na nalaman na nagkakilala na kami'

sinamaan ko naman siya ng tingin, kanina pa siya sa mahabang bakasyon na yan ah, 1 week lang naman akong nawala. tsk..

"Ahh.. ano .. kasi ,,,. kami yung makakasama niyo sa palawan next week at nandito kami for considerations"

ngumiti pa ang loko. pero ang galing niyang mangatwiran ha. Teka, pupunta sila, I mean kami sa Palawan?

"Ahh, I see. Hi I'm Asami" ngumiti naman siya at sa tingin ko sakin siya unang makikipagkamay kaya nakipagkamay narin ako.

"Haru...... Ishikawa" hindi ko magawang ngumiti sa kanya parang ang awkward at tsaka alam kung kukulitin ako nitong dalawa mamaya. sa iba naman kasi di ako ngumingiti kaya hindi nalang ako ngingiti.

"Ako naman si Eiji Ikeda"

"So japanese din kayo, what a coincidence" ngumiti naman siya

"Anak, uuwi na sana sila pagdating mo pero kung gusto mo pa silang kausapin pwedi naman siguro kung wala na silang ibang gagawin"

"Kami...? wala na po, besides may isa jan na ayaw na umuwi" tumingin naman siya sakin

"What?"

"Ahh, wala naman. Sabi ko mamaya na tayo unuwi kasi baka may itatanong si Asami tungkol sa trip natin sa Palawan."

sinamaan ko naman siya ng tingin pero napansin kong nakatingin sakin si Asami.

"Ahh, okay lang" ngumiti naman siya.

"Thank you, gusto ko rin kasing makaalam ng ibang bagay about sa history ng Palawan"

"Pwedi naman nating pag-usapan yun sa tour" seryosong sabi ni Eiji, kaya naman siniko ko siya.

'Bakit mo sinabi yun'

'Ano kaba,di naman natin alam yung tungkol sa history ng lugar na yun.

'tsk' singit naman ni Hiro

"Ahh, oo tama siya Asami, dun nalang natin pagusapan para naman kahit papano marami-rami tayong pag-uusapan sa tour natin, para mas masaya at exciting pa."

buti lang talaga at magaling mangatwiran si Hiro.

"Ahh, ganun bah... Cgeh" para namang nalungkot siya dun. Tahimik lang kami habang pinapakiramdaman ang bawat isa.

Elemental Princess and the 7 DescendantsWhere stories live. Discover now