Chapter 2

5.9K 235 721
                                    

Baste's Point of View


"Narinig niyo ba ang narinig ko?" tanong ni May at sumenyas sa dalawang kaklase namin na nasa gilid.

Naku po. Ayan na naman. Bakit ba kasi ako napatingin sa kaniya nang marinig ko 'yung usapan nung dalawang babae? Dapat pumikit na lang ako eh. Idadamay na naman ako nito sa pagkuha ng chismis.

"Lapitan niyo nga. Magtanong kayo tungkol doon sa Chip."

"Aba edi ikaw. Gagawin mo pa kaming mga chismoso," reklamo ko at ibinalik ang atensyon ko sa paglalagay ng ibang nakakalat kong gamit sa bag.

"Hindi naman sa pagiging chismoso 'yon. Kukuha ka lang ng... information."

Sus! Chismis din 'yon. Pinaganda lang niya 'yung tawag.

Hoo. Basta ayoko. Madadamay pa ako. Nananahimik ako dito eh.

"Pat, Leah! May itatanong daw si Baste at Derek sa inyo," sigaw ni May at saka kami mahinang itinulak sa dalawa naming kaklase.

Hustisya! Sapilitan na ba talaga?!

"Bakit kami?!" reklamo ni Derek. Nang makalapit sa amin si Pat at Leah ay bigla na lang siyang nagtanong. "Ano ba 'yon?"

"Ha? Hindi ba dapat kami nagtatanong niyan?"

"Nagtatanong ng ano?"

"Ano?"

"Ha?"

"Ha?"

"Anong ha?"

Jusko po! Wala akong naintindihan.

Sige na. Sige na. Makikichismis na ako nang matahimik na 'tong si May at matigil na si Derek sa pagtatanong. Minsan talaga ako ang pinakamature sa aming magbabarkada. Ayaw lang nila i-acknowledge.

"'Yung kanina.. si Chip ba 'yon? Kilala niyo ba 'yon?"

"Ah. Si Chip," tango ni Leah. "Not personally. Pero kilala ko siya sa pangalan."

"Sikat ba siya?" tanong ko pa.

"Hmm. Depende kung paano mo idedefine ang word na sikat."

Ah. Mukha wala rin naman masyadong alam 'tong dalawang kaklase namin kay Chip. Tumango na lang ako at magpapaalam na sana sa kanila nang bigla na lang akong hawiin ni May.

Sabi ko na nga ba hindi rin 'to makakatiis at siya na mismo ang magkukusang makichismis. Nagpapakipot pa sa paghingi ng 'information' eh panigurado namang bibigay din siya. Ito pa ba?

"Anu-ano 'yung mga nababalitan niyo sa kaniya? Good news ba or bad news?"

"Well for one, sabi nila nakick out daw siya kaya siguro bad news?"

Pumalakpak si May. Baligtad din talaga siya kung minsan. Bad news na nga pumalakpak pa.

"Bakit daw nila sinabing nakick out? Ano bang ginawa niya?"

Game na game na tanong ni May at mukhang game na game din naman 'yung dalawang kaklase namin sumagot. Nagkatinginan na lang kami ni Derek at parehas na umiling.

Kaya lang dahil nasa harap na namin ang 'information', sayang naman kung hindi pa namin malalaman. Sabi nga nila huwag nang tanggihan ang biyaya. Kapag nasa harap na, kuhanin mo na. Kaya pinakinggan din namin ang kwento nila Leah at Pat tungkol kay Chip.

Ang sabi nila, hindi raw matinong estudyante si Chip. Malaking proof daw doon ang pagkakakick out niya sa previous school niya.

"Paanong hindi matinong estudyante?" Nanlalaki pa ang mata ni May nang itanong niya 'yon. Kulang na lang kumislap ang mata niya. Halatang naeexcite siya sa mga nalalaman niya.

The NewbieWhere stories live. Discover now