Derek's Point of View
Sa totoo lang hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa namin makipagkaibigan kay Chip kung sinabi naman na ng iba naming kaklase ang baho niya. Isa pa, hindi ba nga baka bad influence siya? Paano na lang kung maimpluwensyahan ako niyan. Nagpapatangay pa man din ako kung minsan.
Mas okay talaga 'yung naisip kong plano kaya lang mataas lang talaga ang pride nila at ayaw nila aminin na mas maganda 'yon kaysa sa naisip ni May. Oh well.
Halos dalawang linggo na magbuhat nang simulan namin ang plano na ilabas ang baho ni Chip.
Madalas siyang sumabay sa amin kapag lunch at recess. Kapag uwian naman madalas namin siya hintayin sa classroom para sabay sabay kaming lumabas ng school. Kapag gumagala rin ang barkada at tumatambay sa bahay ng isa madalas na rin siyang kasama. Ni minsan nga lang hindi pa kami napunta sa kanila. Hindi ko lang matandaan kung ayaw lang ba niya o hindi lang kami nag-aya magpunta sa bahay nila kasi nakasanayan na namin ang bahay ng isa't isa.
"Ang corny ng joke mo. Tama na," irap ni May kay Baste.
Nakatambay kasi kami sa dining nila Gio nang maisipan na lang bigla ni Baste na magjoke nang magjoke. Sa sampung joke niya, wala ni isa ang nakakatawa.
"Sus! Ikaw nga hindi marunong magjoke. Wala nga ni isa sa inyo ang may joke. Kung makacorny ka naman sa akin."
"Wala naman kasi nagsabing magjoke ka," sagot ko sa kaniya.
Totoo naman kasi. Seryoso kaming naglalaro ng cards tapos sa kalagitnaan ng laro kung anu-ano na ang napagtripan niyang sabihin.
"Tatahimik lang ako kapag may isang nagjoke sa inyo. Kapag wala... ha! Hindi niyo ko mapipigilan." Tumawa siya ng nakakaloko. 'Yung tawang pangkontrabida sa mga pelikula. Palibhasa alam niyang wala ni isa sa amin ang may alam na joke.
Utang na loob sana naman may pumasok na joke sa utak ng mga 'to.
"Ako! Meron akong joke," prisinta ni Chip.
Sabay sabay naman kaming napabuntong hininga nila May at Gio. Maraming salamat jusko!
Tinanguan siya ni Baste bilang senyales na ibato na niya ang joke niya.
"Anong sabi ni mommy donut nung nakita niyang nasa umakyat ng puno si baby donut?" tanong ni Chip.
"Ano?"
"Edi... anak, Bavarian baka mahulog ka."
Kroo. Kroo. Kroo.
Parang may dumaang anghel at natahimik kaming lima. Joke 'yon kaya hindi ba dapat nakakatawa? Dapat tatawa kami at hindi mananahimik ng ganito na parang may nagsabi ng masamang balita?
"Uhm," kamot ni Gio sa ulo niya.
Bago pa niya dugtungan ang sasabihin niya ay bigla na lang tumawa ng sobrang lakas si Baste. Hindi pa nakuntento ang loko. Pumapalakpak at pumapadyak pa. Sabi ko na nga ba sooner or later sosobra na ang pagiging maluwag ng turnilyo nito kaya bibigay din.
"'Tol!" palo niya pa sa likod ni Chip. "Ang corny nu'n."
"Corny nga pero halos lahat naman gano'ng joke corny," katwiran naman nitong isa.
Tumango siya Baste at inakbayan si Chip, "Tara nga at turuan kita ng magagandang joke."
Ang inaasahan namin ay tatanggi si Chip at magpapatuloy sa paglaro kaya lang ay tumayo siya at sumama kay Baste papuntang sala. Hala, mukhang may isa pang luluwag ang turnilyo dito.
"What just happened?" iling ni May na ginaya naman ni Gio.
"Alam niyo minsan talaga thankful ako na naging slow lang ako at hindi corny tulad ng dalawang 'yun."
YOU ARE READING
The Newbie
HumorMeet Gio, isa sa pinakapalakaibigan na taong makikilala mo. Mabait at mabilis makasundo ng ibang tao. Meet May, Derek and Baste. Sila ang mga kabarkada ni Gio. Ilang taon na silang magkakaibigan. Magulo man minsan pero wala na silang gustong ibahin...