May's Point of View
Hindi umattend ang club moderator namin at wala naman siyang pinagawa kaya free na naman kami. 'Yung ibang clubmates namin ni Derek ay maagawang nag-uwian habang kami ay kasama sa konting nagpaiwan. Maaga pa naman kasi. Hihintayin na lang namin matapos ang club nila Gio, Baste at Chip.
Nagchecheck ako ng events sa Facebook nang mapansin ko kung anong date na. OMG! Next next week na ang birthday ni Gio.
"Derek," tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin.
"Derek." Pag-uulit ko pero wala pa rin.
"Hoy, Derek!" Medyo nilakasan ko na ang boses ko kaya bahagyang napataas ang kilay niya at itinagilid ng kaunti ang ulo sa direksyon ko.
"O, bakit?" sagot niya pero hindi man lang inaalis ang tingin sa phone niya.
Nang silipin ko kung ano ang ginagawa niya, napairap na lang ako kasi naglalaro lang naman pala. Akala ko naman kung anong seryosong bagay ang pinagtutuunan ng pansin. Ayon lang naman pala.
"Malapit na birthday ni Gio."
Tumango siya pero sigurado akong hindi niya naintindihan ang sinabi ko dahil hindi naman niya 'yun pinakinggan.
Ayaw niyang makinig ha? Sige. Akong bahala. Huminga ako ng malalim at sumigaw, "Derek, may gagamba sa ulo mo!"
Nagulat siya at mabilis na napatayo saka ginulo ang buhok. Tumatalon talon pa sa hindi ko malamang dahilan. Ha. Sabi ko na nga ba mapapakinabangan ko rin ang takot niya sa gagamba.
"Wala na? Wala na ba?" Nanglalaking mata niyang tanong.
Dahil sa reaksyon niya ay hindi ko na napigilan ang matawa ng sobra dahilan para samaan niya ako ng tingin.
"Nangtritrip ka lang eh," reklamo niya at bumalik na sa upuan niya. Nang tingnan niya ang phone niya ay napapadyak siya. "Ayan tuloy, game over!"
Okay. Now, I kinda feel bad.
"Sorry. Hindi ka kasi nakikinig."
"Ano ba kasi 'yon?"
"Ang sabi ko, malapit na ang birthday ni Gio."
Nang sabihin ko 'yun ay tumigil na siya sa pagmamaktol at pumalakpak ng isang beses. "Oo nga! Ano? Saan daw niya tayo ililibre?"
Ugh. Ano ba 'yan. Libre agad nasa utak ng isang 'to.
Pinitik ko ang tenga niya at umirap. "Hindi libre. Magplan tayo ng surprise para sa kaniya."
"Ooh. Surprise. Gusto ko 'yan. Anong plano?"
Sasabihin ko pa lang sana na wala pa akong naiisip nang biglang tumunog ang bell signal na tapos na ang school day.
"Let's talk later," sabi ko sa kaniya saka kinuha ang bag ko para hintayin na ang tatlo sa may school garden.
Hindi rin naman nagtagal ay dumating na ang lahat sa school garden. Ayon nga lang, naunang umuwi si Gio dahil may lakad daw sila ng family niya. Anniversary kasi ng parents niya kaya kakain daw silang lahat sa labas.
Pauwi na rin sana si Chip dahil iba ang direksyon niya kumpara sa aming tatlo nang pigilan ko siya.
"Bakit?" tanong niya.
"Hindi ko alam if alam mo pero malapit na ang birthday ni Gio."
"Woah. Talaga?" Halata ang excitement sa reaksyon niya. Kaagad pa nga siyang bumalik sa pag-upo nang marining ang sinabi ko.
YOU ARE READING
The Newbie
HumorMeet Gio, isa sa pinakapalakaibigan na taong makikilala mo. Mabait at mabilis makasundo ng ibang tao. Meet May, Derek and Baste. Sila ang mga kabarkada ni Gio. Ilang taon na silang magkakaibigan. Magulo man minsan pero wala na silang gustong ibahin...