Chapter 5

4.2K 173 536
                                    


Baste's Point of View

Usually, kapag nagawa mo ang mission mo, hindi ba dapat masaya ka? Dapat nagcecelebrate ka. Dapat nagbubunyi ka. Nagawa naman namin ang mission namin pero kabaligtaran nangyari. Ang tahimik. Ang lungkot. Parang may mali.

Ah. Oo nga pala. Hindi parang... May mali naman kasi talaga.

"Parang may nagdaang anghel," pambabasag ni Derek ng katahimikan.

Nakatambay kami ngayon sa may school garden tulad ng nakagawian. Ang kaibahan lang, ang laki ng kulang ngayon dahil sa halip na lima ay tatlo na lang kami ngayon. Isa pa, masyadong tahimik hindi ako sanay.

"Nakaupo na nga 'yung anghel ngayon dito kasama niyong dalawa eh," biro ko para naman gumaan kahit papaano ang atmosphere.

Mukhang effective naman kahit papaano kasi nagawa na namang mang-irap ni May at nabatukan na ako ni Derek. Pero bakit naman gano'n? Gusto ko lang naman pagaanin ang paligid, bakit kailangan pa nilang manakit? Ito ba ang magiging kapalit ng effort ko? Buhay!

"Parang ang lungkot," reklamo ni May. "Hindi pala parang. Ang lungkot talaga. Ilang araw na tayong hindi pinapansin ni Gio."

Hindi pa lumilipas ang sampung segundo ay dinugtungan na niya ang sinasabi niya. "At ni Chip."

Magbuhat nang magkasagutan kami nila Chip hindi na siya sumama sa amin pati na rin si Gio. Sino nga ba naman kasi ang sasama sa mga taong pinagkakatiwalaan niyo at tinuturing niyong kaibigan pero hindi niyo alam na may binabalak palang hindi maganda kapag nakatalikod ka?

Hindi ba dapat ang kaibigan, kapag nakatalikod ang kaibigan mo, kapag alam mong may nagsasabing hindi maganda tungkol sa kaniya, ipagtatanggol mo siya. Hindi 'yung mas maniniwala ka sa ibang tao kaysa doon sa kaibigan mo.

Masama ang sinasabi nila... ah mali... namin. Namin pala. Masama ang sinasabi namin kay Chip noon kahit hindi namin siya kilala dahil lang sa narinig namin sa iba. Pero mas masaklap kami kaysa doon sa ibang naninira sa kaniya. Kasi sila, hindi nila talaga kilala si Chip. Kami, nabigyan kami ng pagkakataon na kilalanin siya pero anong ginawa namin? Nagpatangay pa rin kami sa sinasabi ng iba.

"Alam niyo sa totoo lang, nakalimutan ko talaga 'yung plano natin kasi totoong nag-eenjoy na akong kasama si Chip sa barkada," sabi ni Derek. Umiling siya at natawa ng mahina, "Pinagtyagaan nga ng tao na turuan ako sa ibang subjects kahit ang bagal bago ko maintindihan. Hindi man lang siya nainis o nagreklamo. Wala rin siyang hiningi na kapalit."

Napatango ako sa sinabi ni Derek. "Hindi rin pikon 'yung tao. Nag-improve na nga ang pranks ko kasi tinulungan niya ako. Masaya pang kasama. Chill lang."

"Chip is really a nice guy, ano?" dagdag pa ni May at napailing. "I was really wrong to judge him like that."

"Hindi lang ikaw. Maski kami mali."

"Ngayon pa tayo nagkaganito. Birthday pa naman na ni Gio sa isang araw," buntong hininga ni Derek.

Tulad kanina, natahimik na naman kaming tatlo. Ang lungkot talaga.

Mali kasi talaga ang ginawa namin eh. Nagplano agad kami kung paano paglayuin ang dalawa. Dapat ang unang ginawa namin, inalam muna namin kung totoo ba ang mga sinasabi ng ibang tao tungkol kay Chip. Pahiya pa tuloy kami kasi mali naman pala. Nasira pa tuloy pagkakaibigan namin. Sa halip na naging masaya kasi lima kami nauwi tuloy sa tatlo na lang.

Pero teka... minsan naman ang isang bagay na nasira nagagawan pa ng paraan 'di ba? Pwede pang gawan ng paraan.

Hindi ko alam kung may pagkapsychic ba itong si May at nabasa ang utak ko dahil bigla na lang siyang tumayo at pumalakpak ng isang beses.

The NewbieWhere stories live. Discover now