ONE

369 6 0
                                    

ONE

LAGLAG ang balikat ni Drek habang hinahayaan ang sariling magpahinga sa parke. Hindi mabilang ang mga tao. May pamilyang nagpi-picnic. Mayroon din naming nag-d-date.

Kung nandito lang sana ang mga kapatid niya, tiyak na kanina pa ang mga iyon nagtatakbuhan habang humihingi sa kanya ng pera upang ibili ng kung ano-anong magustuhan ng mga ito.

Napangiti siya.

Mabuti na lang at wala rito ang mga kapatid niya.

Butas nga pala hanggang ngayon ang bulsa niya.

Hindi niya alam kung paano pa sila mag-survive sa darating na mga araw. Didiskarte na naman siya nito sa talyer ni Mang Emong o magbabantay na muna ng tindahan sa isa sa mga tiyahin niyang may kaya sa buhay.

Madali lang namang manghingi sa mga iyon. Mababait ang mga iyon at naiintindihan ang kalagayan nila sa buhay. Gusto ka ng isa sa mga tiyahin niya na ampunin na lang si Unse, ang pinakabunso nilang kapatid kaso siya ang nagpumilit na huwag. Mahirap magkawatak-watak silang magkakapatid.

Siya ang gagapang para sa pamilya nila.

Naaawa na siya sa kanyang ina na walang ginawa kundi maglaba habang binabantayan ang mga kapatid niya.

Nay, kung uso lang talaga sa inyo ang family palnning hindi sana tayo maghihirap ng ganito.

Halos lahat na yata ng klase ng trabaho, napasukan niya para lang sa kanyang pamilya. Maski ang panliligaw, naisantabi niya. Hindi niya magawang maisingit.

Marahas siyang napabuga ng hangin.

Bad trip!

Kahapon pa siya naghahanap ng trabaho ngunit wala pa rin siyang nakikita. Isa siya sa mga napasamanang natanggal sa pinapasukan niyang kompanya. Maayos na sana ang sweldo. Hindi masyadong malaki pero sapat na upang pagkasyahin pambayad sa tubig, kuryente, bahay, pagkain, eskwelahan, at kung ano-ano pang babayarin.

May hinihingi pa palang pambayad sa project si Dyes, ang pangsampu niyang kapatid. Saan na kaya siya maghahanap ng pera nito? Hindi naman pwedeng wala siyang ibigay. Nasasayangan siya sa kasipagan nito sa pag-aaral.

Sa inis ay dinampot niya ang lantang kamatis sa sementadong upuan. Hindi na niya naisip kong paano iyon napunta roon. Ibinato niya iyon sa kung saan. Kumuha ulit siya ng isa pa na para bang maiibsan nito ang problema niya sa buhay. Ang hindi matapos-tapos na problema niya sa pera.

Muli siyang napabuntong-hininga.

Maging orchid hunter na lang kaya siya? Babalik kaya siya doon sa probinsya ng Ate Dina niya? Nakilala niya ang babae sa mga kasama na rin niya sa trabaho. Marami rin ang tumatawag sa asawa nito at pinapahanap ang mga klase ng orchids na gusto ng mga buyers. Aakyat lang sa bundok ang kuya niya at hahanapin ang pinapahanap na mga orchids.

May kung anong malamig na bagay na dumampi sa kanyang balikat.

Kamatis?

Tumingala siya at nabungaran ang isang babaeng umuusok ang ilong. Tumayo siya upang maayos itong matingnan. Base sa magara nitong pananamit, masasabi niyang may kaya ito. At ang aso na hawak nito.

Mas mabuti pa ang aso kaysa sa kanya, mayaman. May pera. Samantalang siya, halos mapudpod na ang sapatos sa paglalakad, wala pa ring napasukang trabaho.

"Miss? Anong problema?" tanong niya.

Dinuro siya nito. "You! You are my problem. How dare you! Look what you've done to Poode's clothes." Napatingin siya sa asong kulay puti at itim. Parang isang gift wrapper ang aso sa suot nitong gown. May mantsa nga ng kamatis sa damit nito. "Five thousand for the damage."

Only Rose Where stories live. Discover now