HIYANG-HIYA man kay Don Manuel ay ipinagpatuloy na lang ni Sheye ang pagsusukat ng mga damit na inirekomenda ng mga saleslady sa bawat sikat na RTW shop sa Shangri-La Plaza. Nasisiyahan naman ang don tuwing lalabas siya ng fitting room na suot ang mga mamahaling damit at sapatos na ni sa panaginip ay hindi niya inakalang masasayaran ang balat niya.
Hindi lang iyon ang pinamili ng don para sa kanya. Namili rin ito ng bags at accessories. Pati makeups at body-grooming merchandise katulad ng perfumes, lotions at facial creams. Lahat ay pulos mga may tatak at lilibuhin ang halaga. Bawat pagbibigay nito ng money cards sa cashier ay parang kinukurot ang puso niya sa guilt. Kahit pangarap talaga niyang magkaroon ng mga ganoong kagamitan ay hindi pa rin niya lubusang ikinatuwa ang pagkakaroon ng mga iyon dahil hindi talaga para sa kanya ang mga gamit na iyon. Gumastos ito ng napakalaking halaga para lang sa isang pekeng anak.
Pagkatapos mamili ay kumain sila ng don sa isang first-class restaurant sa loob din mismo ng mall. At habang kumakain sila ay ipinagpatuloy nito ang pagkukuwento na nag-umpisa pa noong sakay sila sa kotseng minamaneho ng driver nito patungo sa mall.
"Naihanda na pala ni Ate ang magiging silid mo sa bahay nang hindi ko namamalayan. Sinorpresa talaga niya ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na hanggang sa mga oras na ito na kasama na kita, anak. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayong kasabay na kitang kumakain."
Halatang-halata nga ang kasiyahan sa mukha ng don habang maganang kumakain. Kanina ay nakita pa ni Sheye na pinipindot-pindot nito ang insulin pump bago kumain. Hindi kasi nito isinama ang private nurse dahil gusto nitong makapag-isa silang "mag-ama."
"Ako rin, Papa. Hindi ko rin akalaing darating pa ang araw na ito. Para itong pangarap na biglang nagkatotoo," nakangiting sabi niya habang ngumunguya.
"Ang sabi ni Ate, nandito ka raw sa Maynila at mag-isang namumuhay. From this day on, anak, hindi ka na mag-iisa sa buhay. Kasama mo na ako. Kahit kailan, hindi na kita pababayaan."
"Salamat po, Papa."
"Siyanga pala, kumusta na ang lola mo?"
Natigilan si Sheye sa pagnguya. Siyempre ay hindi niya sasabihin ditong kapapaopera pa lang ng lola niya sa puso at kasalukuyang nasa ospital at nagpapalakas. "Mabuti naman po siya."
Tumango-tango ito. "Nang huli ko siyang makausap, sinabi niya sa aking... wala ka na raw at dalawang taong gulang ka raw nang mamatay. Iyon pala ay itinago ka lang niya sa akin."
Hindi sinabi sa kanya ng doña ang detalyeng iyon. Hindi nito sinabing nakausap mismo ng don ang supposedly ay lola niya. Siguro ay hindi na nito pinagkaabalahan pang sabihin sa kanya iyon dahil natural lang na wala siyang alam sa mga ganoong bagay. Kunwari ay hindi niya alam na itinago siya ng lola niya mula sa ama. "Patawarin n'yo siya kung nagawa man niya iyon. Gusto lang siguro niya akong protektahan."
"Naunawaan ko na siya sa ginawa niya. Alam kong galit siya sa akin dahil sa nagawa ko sa anak niya. Kaya lang, muntik na akong mamatay sa guilt na naramdaman ko noong nalaman kong wala ka na rin tulad ni Ana. Pero 'buti na lang, may informer na nakatuklas na itinatago ka lang pala nila sa akin at buhay ka pa. Iyon nga lang, natagalan ang paghahanap sa 'yo. Pero tapos na iyon. Ang mahalaga ngayon, magkasama na tayo. Bukas, gusto kong bumisita tayo sa lola mo para magpasalamat dahil ipinaubaya ka na niya sa akin at pumayag siyang sa akin ka na tumira."
Muntik nang mabilaukan si Sheye sa narinig. "Ho? H-hindi puwede!" nabiglang bulalas niya.
"Bakit?"
Bigla ang pagsingit ng alibi sa isip niya. Pinalungkot niya ang mukha. "Kasi po... ang totoo, hindi niya alam na nagkita na tayo at nandito ako sa inyo. Magagalit siya kapag nalaman niya at baka pauwiin pa niya ako sa probinsiya. Kaya... huwag na lang po muna nating sabihin. Saka na lang sana."
Tumango ang don tanda ng pagkaunawa sa gusto niyang mangyari. Maraming gustong itanong si Sheye tungkol sa peke niyang ina at sa kung anumang namagitan sa mga ito noon pero inawat niya ang sarili. Hindi iyon ang tamang lugar para alamin niya ang misteryo sa nakaraan ng pinagmulan ng tunay nitong anak. Unti-unti ay malalaman din niya ang mga iyon mula sa don.
Mayamaya pa ay nagpalit na sila ng topic sa pagkilala sa isa't isa. Ang mga paboritong bagay, kulay, pagkain, hobbies at kung ano-ano pa. Parang naging slum book ang naging usapan nila habang kumakain at hanggang nasa sasakyan na sila pauwi sa mansiyon ay nagpatuloy sila sa masayang usapan. Talagang masarap itong kausap at talagang nag-enjoy siya sa pakikipagkuwentuhan. Pakiramdam nga niya ay hindi na siya umaarte nang mga sandaling iyon. Masarap pala ang mayroong amang kakuwentuhan. Lalo na kung masayahin at madaldal na katulad ni Don Manuel.
"Naku, hindi mo mapapakinabangan ang galing mo sa pagtitimpla ng cocktail sa bahay dahil walang umiinom doon. Alam mo namang hindi ako puwedeng uminom dahil sa sakit ko. Hindi rin umiinom si Ate. Si Xander lang ang tanging gumagalaw sa mga display na alak sa bar pero bihira na niya iyong gawin ngayon dahil palagi naman iyong wala sa bahay. Sa pad niya tumutuloy," anang don na wala pa ring tigil sa kakakuwento habang nasa backseat sila ng BMW nito.
Muntik nang malusaw ang ngiti ni Sheye nang marinig ang pangalan ni Xander. Kanina pa ito sumisingit sa isip niya pero pinipilit lang niyang alisin at nagpapasalamat sa don dahil nagawa nitong gawing busy ang isip niya sa mga topic na binubuksan nito. Pero hindi yata talaga niya maiiwasang maalala si Xander dahil parte ito ng pamilya ng don kung saan kaparte na rin siya.
In fact, he even gave her a welcome hug, a hug that did not feel like welcoming her. Hindi niya alam kung malisyosa lang siya pero may pakiramdam siyang hindi iyon yakap ng pagtanggap sa isang bagong kapamilya. There seemed to have a malicious note in the way he embraced her in front of his uncle. Nevertheless, she still felt something delightful stir in her as their bodies were pinned together again. Na dapat siguro ay ikahiya niya sa sarili.
Kung tama siya ng pakiramdam ay pinagdududahan ni Xander ang pagsulpot niya sa pamilya nito bilang nawawalang anak ng tiyuhin nito. Kunsabagay, ganoon din marahil ang iisipin niya kung sakaling siya ang nasa posisyon nito, lalo pa at bibiglain siya sa balita. Hindi magtatagal ay maniniwala rin si Xander kapag naipaintindi na rito ng sariling ina kung paano siya nahanap, na siyempre, fabricated lang para suportahan ang drama nila.
Hindi pa rin siya makapaniwala sa naging tudyo ng kapalaran sa kanya. Of all people, bakit kailangang si Xander pa ang pamangkin ni Don Manuel at anak ni Doña Alejandra? At bakit kailangang si Xander pa ang fiancé ni Liz na kinailangan niyang akitin at patulugin nang gabing iyon?
Napamulagat si Sheye sa biglang pumasok sa isip. Si Liz!
Alam nito kung sino siya at kung anong klaseng secret job mayroon siya. Malaki ang posibilidad na maging banta si Liz sa pagpapanggap niya bilang nawawalang anak ni Don Manuel. Baka mabuking ang palabas nila ni Doña Alejandra nang dahil dito.
BINABASA MO ANG
Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)
Romance*Love Is Only In The Movies is a novel turned TV series on ABS-CBN last 2010. It was starred by Zanjoe Marudo and Mariel Rodriguez. *Already published in print book and ebook format.